KIER's POV
Ako si Kier. Isang nerd kung tawagin ng lahat (Well, di naman ako yung tipong sobrang nerdy. I have a glass, but not the geeky type. I love reading books and studying.) Yun narin siguro ang dahilan kaya ako mag-isa ngayon dito sa park. Iniwan lang naman ako ni Bea, yung Ka-Date ko dapat. Grabeng babae yun, akala ko pa naman matino.Nandito ako sa bench. Nakaupo mag-isa.
"Hay buhay." -ako
"Hi." Huh? Sino yun?
Napatingin ako sa katabi ko sa bench. Isang babae.
"Uhh.. are you talking to me?" Sabi ko sabay turo sa sarili ko.
"Uhm, wala naman na sigurong ibang tao dito diba?" Sabi nya sabay tawa ng mahinhin.
"Ah. Oo nga no." -ako.
"So, anong name mo?" Tanong nya.
"Ahm, ako si Kier. Ikaw?" -ako
"Ako si Cassandra." Sabi nya sabay ngiti.
Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Hanggang sa naisipan ko syang yayain sumakay sa mga rides dito.
"Uhm, gusto mo bang i-try natin yung mga rides?" -ako
"Actually oo, kanina pa nga e." Sabi nya sabay tawa uli.
"Tara." Sabi ko sabay hawak sa kamay nya.
Napatingin ako sakanya pero nakatingin lang sya sa malayo habang nakangiti. Ang ganda nya.Sinakyan namin lahat ng rides na kaya namin. Noong gabi na niyaya ko ko syang pumunta sa isang burol(Hill). Maganda kasing mag stargazing doon. Pumayag naman sya. Ewan ko ba, pero magaan na agad ang loob ko sakanya.
Umupo kami sa damuhan doon.
"Ang ganda. *u*" -sabi nya.
"Oo nga." Sabi ko habang nakatingin sakanya.
"Ano kaba." Sabi nya sabay hawi ng mukha ko.
Nagkaroon ng katahimikan saamin.
"Cassandra, nag-enjoy kaba?" -ako.
"Oo naman." Sabi nya
"San ka nga pala nakatira?" -ako
"Maniniwala kaba kung sasabihin kong hindi na ako taga rito sa mundong ito?" Sabi nya.
Ang weird. "Ano ba namang klaseng tanong yan." Sabi ko sabay kamot sa batok ko.
"Hindi ka naniniwala? Hay. Sige. Kaylangan ko na palang umalis."
"Ha? Hatid na kita." May kotse naman ko eh.
"Wag na. Sige, Kier." -ako.
"Ahm, Cassandra!" Sigaw ko.
"Hmm?" -sya
"Anong buong pangalan mo?" -ako.
"Cassandra Schyzel Soria." Sabi nya ng may ngiti sa labi.
"Sige. Ingat ka."-ako[[KINABUKASAN]]
Nagpahanap agad ako ng info sa pinsan ko tungkol kay Cassandra.
Pero nagulat ako sa nalaman ko.
"Tol, Ito si Cassandra Schyzel Soria. 19years old. Born on May 9, xxxx. Died on December 14, 20xx"
"Teka tol, died?" -ako
"Oo tol." -sya.
Napaisip ako. Patay na sya? Pero pano nangyari yun?
"Saan sya naka-libing?" -ako."
"Sa XXXX Memorial."
Agad akong pumunta doon.
Naghanap ako. Hinanap ko ang pangalan nya. Maliit lang naman tong cemetery e. Makikita at makikita ko sya.
Nung nakita ko na, Napaluha ako.
'CASSANDRA SCHYZEL SORIA.'
Kasama pa ng pangalan nya ang picture nya.
Sya nga. Ang babaeng nagpangiti sakin sa kabila ng pag-iwan sakin ni Bea. Ang babaeng naka-date ko sa park. Isang kaluluwa.[[ END ]]
----
Thankyou po sa Pagbasa! Sorry po kung hindi ganon kaganda. Bago palang po ako eh. Hihihi. Lovelots. Ingats! Mwa! :* -Reyn.