Hi, C.
Ikakasal na mamayang umaga yung bestfriend mo. At ikaw ang Maid of Honor niya. Pakisabi Congratulations. Hindi ko alam kung anong ginagawa niyo ngayon. Siguro nagpapahing kana. Kailangan niyo ng beauty rest e. alam kong masaya ka at excited rin para bukas. :)
Naaalala mo ba yung plano nating mag-photoshoot na pang prenup? Hindi na natuloy-tuloy e. Wala kasi tayong photographer e. Kaya di na natin nagawa...
Tapos pinaguusapan pa natin dati yung magiging kasal natin balang-araw. Kung anong motif. Kung anong theme. Nagtatalo pa nga tayo e. Gusto mo brown tska pastel colors yung motif. Ako gusto ko red and white. Tapos plano pa nating mag chuck taylor sa mismong kasal natin imbes na mag black shoes ako at magheels ka. Baduy pero cool di ba?
Tapos kung ilan magiging anak natin. Naalala ko pa ngang pinag-awayan natin yun e. Kasi ayaw mo. Gusto mo ako lang. Kasi sabi mo mahahati yung attention ko sayo dahil aasikasuhin ko din yung mga anak natin. Ang cute cute mo. :)
Gustong-gusto kong pinaguusapan natin yung future. Gustong-gusto kong pinaplano natin ung future nating dalawa. Pero unti-unting nagbago yung pananaw ko sa future...
Ngayon, hindi ko na masyadong gusto na pinaguusapan natin yung mangyayari sa future. Sana di mo ma-misunderstood. Ikaw pa rin yung gusti kong makasama. Wala raw forever. Pero ikaw yung gusto kong makasama sa pagpapatunay na meron. Wala namang nagbago dun. Kaya lang nagbago yung pakiramdam ko sa future dahil sa sitwasyon ko. Dahil sa pamilya na meron ako. Magkaiba tayo. Magkaibang-magkaiba. Kasi hindi tayo tanggap ng pamilya ko...
Nappressure na ko sa tuwing pinaguusapan natin yun. Kasi ikaw may trabaho na. Nakakaipon kana. May sarili ka nang pera. Ako, gagraduate palang. Umaasa pa rin sa pamilya ko. Hindi pa nakakapagsimula. At alam mo rin kung anong lagay ko sa pamilya ko. Kaya nappressure ako. Kasi andami pang pwedeng mangyari satin. Narealize ko rin, sa pagiisip natin sa future, di na natin napapansin yung nangyayari ngayon. Gusto ko lang na mgfocus tayo sa present. Alam mo namang ikaw pa rin yung gusto kong makasama...
Pero nagguilty ako. Kasi di kita mabigyan ng assurance dahil sa klase ng buhay meron ako, kahit gaano ko kagustong magkatuluyan tayo balang araw...
Alam ko ngayon, wala na tayo. Hindi pa rin naman ako tuluyang bumibitaw satin. Umaasa pa rin ako. Kahit di ko alam kung may aasahan pa ko o wala na. Sa sitwasyon natin ngayon, natatakot ako sa mangyayari sa kasal ng kaibigan mo...
Maid of Honor ka. Magiging saksi ka sa pagiisang dibdib ng kaibigan mo at ng kanyang minamahal. Natatakot ako...
Natatakot akong may marealize kang isang bagay na pwedeng makapagtapos ng storya nating dalawa...
Ako pa rin kaya?
A.
BINABASA MO ANG
Her Bestfriend's Wedding
RandomMay 9, 2015 1:41 am WARNING: Parang pizza to. Punung-puno ng ka-cheesyhan. Pagpasensyahan. Nagmamahal lang.