"Lady Villary. Gumising na po kayo. Unang araw niyo po sa Mist Academy. Hindi po kayo maaaring mahuli." Paggising sa akin ni Malaya while patting my shoulders.
"Shut up Malaya! Let me sleep." I shouted at narinig ko naman ang kanyang pagbuntong-hininga. Tumigil na siya sa paggising sa akin at lumabas na ng kwarto. Dahan-dahan ko namang imunulat ang aking mga mata at agad tumayo upang sumilip sa labas ng kwarto.
I don't wanna go to school. I just wanna rest all day. Babalik na ulit sana ako sa pagtulog nang biglang maalala ang isang bagay. Makikita ko na ulit si Asher my loves!! My fiance simula 7 years old.
Agad akong kumilos at nag-ayos. I'm inlove with him since forever and ayokong palagpasin ang pagkakataong ito. "Malaya!! Let's go!" Sigaw ko at after 5 seconds, doon lang siyang pumasok ng kwarto ko.
"You're 5 seconds late. Kanina pa kita tinatawag ahh?" Sabi ko pero napayuko nalang si Malaya. "Pasensya na po Lady Villary. May ginagawa po kasi ak-" Hindi na niya natuloy ang kanyang sasabihin because i cut her out.
"As if I care. Alam mo naman na ayoko ng may nalelate hindi ba? Do you want me to fire you?" Sabi ko at nabigla naman si Malaya. Agad itong lumuhod at nagmakaawa.
"Patawarin niyo po ako Lady Villary. Huwag niyo po akong tanggalin sa trabaho ko. May pamilya po ako." Pagmamakaawa niya but who cares? She's just a maid.
"I'm not gonna tolerate your behavior next time. You know? Madali ka lang naman palitan ehh. You're just a maid. No.. you're just a nobody kaya ayusin mo yung trabaho mo kung ayaw mong mawalan ka ng trabaho. Naintindihan mo?" Napatango naman ito habang umiiyak.
Lalabas na sana ako pero bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Agad akong lumingon at lumapit kay Yaya Malaya. Bakit parang nagiguilty ako? Wala naman akong sinabing hindi maganda ah? I'm just stating a fact. "Tumayo ka na nga dyan." Utos ko kay Malaya. Hindi ko na siya hinintay pa at lumabas na ng kwarto.
Pagkalabas ng aking kwarto, agad bumungad sa akin ang napakaraming bisita. "Happy 16th Birthday Lady Villary!" Pagbati nilang lahat. Oh yeah. I almost forgot that it is my birthday.
"Thanks." Sabi ko at dumiretso na sa labas ng mansion. Nakasunod naman sa akin si Malaya. Maya-maya lang ay dumating na ang van na maghahatid sa akin papuntang Mist Academy.
"Parang nakaraan lang naglalakad lang ako papuntang school." Sabi ko dahilan para magulat ako at si Malaya sa sinabi ko. "Kailan pa po kayo naglakad papuntang school?" Tanong niya dahilan para lalo akong maguluhan.
"I don't know. Maybe I'm just hungry. Kakain nalang ako ng burger mamaya." Sabi ko at nagulat nanaman si Malaya. "V-vegetarian po kayo." No. I must be crazy. Agad kong inalog-alog ang aking ulo at biglang nakarinig ng tunog na nakakairita. Para bang yung tunog ng tv kapag standby? Sandali lang. Hindi ako nanonood ng tv. It's a waste of time.
Pinukpok ko ang ulo ko ng malakas at biglang nakakita ng mga ala-alang kahit kailan ay hindi pa naman nangyayari.
"Class, ano ang tagalog ng kite?"
"Lumilipad na kuto!"
*inserts the flying eraser sa blackboard*"Nagugutom ako."
"Kain tayo sa Jolibee Luis!"
"Bida ang saya~""Mama, papa, pasok na po ako."
"I Love You anak."
"Love you too!""Van, gusto kita."
"Gusto din kita Luis.. as a friend."
"..."
"Pasensya ka na."
"A-ayos lang. Basta wag mong kalimutan na nandito lang ako, naghihintay ng pagkakataon.""Wala kang karapatang mabuhay!"
"P-please. Bitawan mo yan."
"Mamatay ka na!!""AHHHHHH!!" Sigaw ko pero nakita ko naman na nakahawak sa akin si Yaya Malaya, halatang nag-aalala. "Ayos ka lang ba? May masama ba sa pakiramdam mo?" Sabi niya habang hinahaplos-haplos ang buhok ko.
"Y-yaya Malaya.. natatakot po ako." Sabi ko at nakaramdam ng tubig na lumabas sa aking mata. Agad kong hinawakan ang tubig na ito. Nakakapagtaka. First time itong mangyari sa akin. Agad ko namang tinignan si Yaya Malaya pero nakatulala ito.
"L-lady Villary. Lumuha ka." Sabi niya dahilan para mapasigaw nanaman ako. "HINDII! PANO? HOWW??" Simula nang ipanganak ako ay hindi pa ako naluluha. Pero ang masasabi ko lang, parang gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung paano pero kung mabibigyan ako ng pagkakataon, gusto kong umiyak para mailabas ang lahat.
Tinignan ko ulit ang kamay ko na mabasa-basa dahil sa aking luha pero napalitan ito ng maliit na diamond. Ito ay kulay pula. Agad ko itong ibinulsa at biglang naalala na malelate na pala ako kaya agad na akong pumasok sa van.
Nababaliw na ba ako or something?
********************
Prologue- Unlocked!Thank you for reading The Great Villainess- Prologue. See you in the next episode!!❤
Love, Senyorita Fascinate
BINABASA MO ANG
The Great Villainess
FantasyOne pleasant day, a high school student died from being murdered but ends up transporting into the world of "Secrecy". One of her favorite novels when she is still alive. At first, she doesn't have an idea that she is a character in a novel but end...