CHAPTER 43

762 27 5
                                    

“TRACE her Guilherme.” Mariing utos ni Hideo sa binata habang nasa sasakyan na sila pabalik ng Maynila. Muling nagtagis ang kaniyang panga habang nakatuon sa unahan ng sasakyan ang kaniyang paningin at atensyon.

“I’m trying. Pero hindi ko mahanap ang location niya.” Sagot naman ni Cloud.

“Damn it!” ang tanging nausal niya at napahigpit na ang pagkakakuyom ng kaniyang mga kamao. Paano ba nalaman ni Zakh ang location nila? E, pribado naman ang lugar na iyon. Matagal na niyang ginagawang rest house ang bahay na iyon sa bukid, pero walang may nakakatunton doon sa kaniya na mga kaaway niya.

God! If something bad happen to his wife this time... hindi niya mapapatawad ang kaniyang sarili. Nailigtas na niya ito mula sa kapahamakan, tapos ngayon naulit uli.

“I can’t find her. Hindi ko ma-track ang location niya.” Napapailing pang saad ni Cloud habang abala ito sa pagkalikot sa laptop na nasa kandungan nito. Mayamaya ay dinukot nito ang cellphone na nasa bulsa ng pantalon nito. “Zakh got her again.” Nang sagutin ni Giulio ang tawag nito. “Try to track her. Or Zakhar. Alright.” Pagkatapos ay kaagad nitong pinatay ang tawag sa kabilang linya.

Halos dalawang oras din ang naging biyahe nila pabalik ng Maynila. Saktong pagdating nila sa hideout nila ay naroon na si Giuseppe at Giulio.

“Ano ang balita?” tanong ni Cloud sa dalawang kakambal.

Pero wala namang may sumagot sa mga ito. Sa halip ay isang matalim na titig lamang ang ibinigay ni Giuseppe kay Hideo. Nagtiim ito ng mga bagang.

“Come on guys... we need to do something. Kailangan nating makuha si Ysolde mula kay Zakh.” Muling sabi ni Cloud. “Sky... stop it.” Saway pa nito sa kapatid habang matalim pa rin ang titig nito kay Hideo. “Walang may maitutulong ’yang masamang titig mo kay Hideo.” Anito.

“This is his fault.” Mariing saad naman nito sa kapatid. “Kung sana hindi niya idinamay sa sitwasyong ito si Ysolde, hindi malalagay sa panganib ang buhay ng kapatid natin.” Bakas din sa boses nito ang labis na galit.

“Enough!” galit ding sabi ni Kidlat. “That’s enough. This is not the right time para magsisihan, Sky.”

Napabuntong-hininga na lamang siya nang malalim dahil sa mga sinabi ni Sky sa kaniya kanina. Alright! Inaamin naman niyang kasalanan niya talaga kung bakit nasa panganib ang buhay ngayon ni Ysolde. Kay Bernard lang naman siya may galit dahil sa pagkamatay ng mama niya dati, pero idinamay niya si Ysolde. Ngayon tuloy nalalagay sa panganib ang buhay ng kaniyang asawa. Well, kunsabagay... kung hindi man niya idinamay si Ysolde sa sitwasyong ito, hindi niya makikilala ng personal si Ysolde. Hindi mahuhulog ang kaniyang damdamin para dito, hindi niya ito magiging asawa.

Muli siyang nagpakawala nang malalim na buntong-hininga at napahilamos sa kaniyang mukha. All he needs to do right now ay muling mahanap ang location ni Zakh para muli niyang makuha ng ligtas ang kaniyang asawa. Because as he said earlier, he cannot forgive himself if something bad happens to his wife. Baka siya na rin ang tumapos sa buhay niya kapag nataon.

“Buen dia a todas!”

Sabay-sabay pa silang napalingon sa lalaking nagsalita at kararating lang din sa hideout nila.

Mabilis na nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang makilala niya ito.

“Morgon!” sambit niya. Kilala niya ito. Hindi lang dahil tauhan ito ni Zakh, kun’di dahil kababata niya rin ito. Kasama ng triplets, isa rin ito sa kababata niya noon. Humiwalay lang ito sa kanilang apat nang masilaw ito sa malaking halaga ng pera nang minsan ay alukin ito ng isa at kilalang sindekato noon. Simula noon ay hindi na niya ito nakakausap, although lagi niya iyong nakakatapat sa ibang transaction or away sa mga kaalyansa niya sa negosyo.

TRAPPED: Hideo Colombo Book 1 (R18+) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon