"Huwag na ninyong subukan na ako ay kalabanin. Pero kung magpupumilit pa rin talaga kayo, puwes pagbibigyan ko kayo sa gusto ninyong mangyari," wika ni Kim habang matikas na nakatayo sa harapan nila Kirt, Aira, Sherwyn at Miko.
Dahil sa mga naging pahayag ni Kim, agad namang umayos ng tayo ang apat at sabay-sabay silang tumugon ng, "Hindi kami susuko."
"Kayo ang bahala. Basta hindi ako nagkulang na paalalahanan kayo na sumuko na lang," sabi ni Kim ng may dismayadong ekspresyon sa kanyang mukha. "Sugod!" Utos niya pa sa mga tinawag niyang sampung liyon.
"ROAR!"
Sabay-sabay na umatungal ang sampung liyon at pagkatapos noon ay isa-isa nilang sinugod ang kinatatayuan ng apat na magkakaibigan. Naalerto naman sila Kirt sa mga papasugod sa kanila.
"Maghiwa-hiwalay tayo," utos ni Aira.
"Pero..."
"Tama ang prinsesa. Kung maghihiwa-hiwalay tayo, hindi tayo mahihirapan na magpakawala ng mga malalawak at ng mga malalakas na pag-atake. Kasi kung magkakasama tayo, madali lang tayong malilipol ng mga halimaw na iyan," pagputol ni Kirt sa pagtutol ni Miko sa nais ni Aira."Naiintindihan ko." Ito na lang ang nasabi ni Miko.
Agad na silang lumayo sa isa't isa at kasabay din noon ay ang pagsunod sa kanila ng mga alagad ni Kim.
"Water sword style, blade of the king shark."
Nagsimula ng sumugod si Kirt sa isang liyon na sinusubukan siyang sakmalin ng walang habas.
"ZING!"
Nang lumapat ang talim ng kanyang espada sa katawan ng liyon, kamuntik na niyang mabitawan ang kanyang sandata sapagkat kaagad na gumapang rito ang kuryenteng tinataglay ng halimaw na sinubukan niyang palahuin.
"Oo nga pala. Kidlat pala ang kahinaan ng tubig. Mabuti na lang at nagtataglay rin ako ng elemento ng hangin na siya namang kahinaan ng kidlat," sabi ni Kirt sa kanyang sarili habang iniinda ang pinsalang natamo niya sa kanyang kamay at braso.
Dahil doon, walang pag-aalinlangan niyang sinabi ang kanyang mga naalala sa dalawa niyang kaibigan na kasalukuyan ng nakikipagsagupaan sa iba pang mga liyon. Tinanguan naman siya ng mga ito bilang palatandaan na narinig nila at sinasang-ayunan ang mga sinabi ng binata sa kanila. Matapos ang pangyayaring iyon, binuhos na ni Kirt ang kanyang buong atensyon sa pakikipaglaban.
"Wind sword style, wind blade cutter."
Sa binuong sword skill ng binata, nagmistulang malaking espada ang sandata nito at agad niya itong winasiwas sa direksyon ng mga liyon na malapit sa kanya. Isa sa tatlong liyon ang napaslang ni Kirt. Ngunit, hindi dito nagtatapos ang isinagawang pag-atake ni Kirt. Nagbitaw pa siya ng isang technique na magpapabilis at magpapagaan sa kanyang katawan. Ginawa niya ito nang sa gayon ay madali niyang maiwawasiwas ang kanyang espada ng hindi pinoproblema ang kanyang bigat at bilis.
"BANG! BANG! BANG!"
Sunod-sunod na pagsabog ang maririnig mo sa buong arena. Walang tigil ang binata sa pagkitil sa mga alagad ni Kim kahit na sunod-sunod na rin siyang nakatatanggap ng mga malalaki at malalalim na kalmot at paso.
"Magpahinga ka na muna, Kirt. Marami ng enerhiya ang nawala sa iyo. Bibigay ang katawan at kamalayan mo niyan kung magpapatuloy ka pa sa paggamit ng mga skill at mga technique," sigaw ni Miko habang pagod na pagod na kinakalaban ang apat na liyon. "Hindi ako mapapalagay na makita kayo na naghihirap sa pakikipaglaban habang ako, narito lang at nagpapahinga. Hindi ako ganoong klaseng tao at kaibigan. Tutulong ako hanggang kaya ko," hingal at medyo naiinis na tugon ni Kirt.
"Wind style, wind clone."
Isang imahe ng tao ang kasalukuyang nabubuo sa pamamagitan ng elemento ng hangin. Dahan-dahan itong nahuhulma hanggang sa makalipas ang ilang sandali, ganap na itong naging isang tao. Ang pigurang nabuo ng dahil sa elemento ng hangin ay walang iba kundi ang wind clone ni Kirt. Kamukhang-kamukha niya ito at parehas pa sila ngayong nakatayo sampung metro ang layo sa puwesto nila Miko at Aira.
BINABASA MO ANG
Tale of the True God (Book 1 : Mission)
FantastikSa mundo ng mga adventurer at ng mga wizard, hindi maiiwasan ang mga patayan, kaguluhan at mga pagsubok na maaaring kaharapin ng bawat isa. Tulad na lang ni Kirt Lorie. Siya ay isang pinagpalang nilalang dahil sa kanyang tinataglay na mga kapangyari...