Chapter Fifteen

132 4 2
                                    

Chapter Fifteen

Nakatulala ako habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Iniwan ko si Anglo nang sabihin niya iyon sa akin. Sinabi ko nalang na baka kailangan na ako ni Tita Mirriam para magluto nong bananaque na ibebenta niya kay Henry.

I sighed. Why the hell did I left him a while ago?

Naguguluhan ako. Bakit ko ba nararamdaman 'to? Anglo's the one who helped me when things go upside down... siguro dahil lang doon kaya ko ito nararamdaman?

When he told me about that, parang niyanig ang mundo ko. Hindi ko alam kung bakit eh hindi ko naman gusto si Anglo. I'll never like him. He's not my type. Gusto ko rin yung lalaking kaya kaming buhayin nang magiging anak ko and I think, Anglo can't even do that. Kahit sabihin nating masipag siya, it's not enough.

I shook my head. Bakit ko ba iniisip na magkakaroon kami ng pamilyang dalawa?

Gosh, Savitri!

This is so dangerous.

Naalala ko 'yung Louise na 'yon. Maganda naman siya pero sabi sa akin ni Anglo ay sinabi nito sa kaniya na mas gusto nito si Henry. Henry who? Iyong kapatid ba ni Bella?

Maybe... Siya lang naman ang kilala kong Henry sa lugar na 'to.

I decided to sleep and forget what happened earlier.




"SAVITRI, gising na! Kakain na tayo."

Naalimpungatan ako nang may naramdaman akong yumuyugyog sa akin. I saw Anglo's face that's why I immediately stood up. Halata sa mukha niya ang gulat nang gawin ko iyon pero kalaunan ay tumawa, "Anong ginagawa mo? Para kang nakakita ng multo?"

Hindi ko nalang siya pinansin at nilagpasan siya papuntang kusina. Nadatnan kong kumakain na si Lily at wala si Tita Mirriam. Siguro ay nasa kwarto ni Tito Noel para pakainin. Umupo ako sa usual place ko at sinamaan ko ng tingin si Anglo nang tumabi siya sa akin.

He raised his eyebrow at me, "Oh? Bawal ba akong umupo rito?"

Inirapan ko nalang siya at kumain na. I will order a stove today for Tita Mirriam, naaawa kase ako sa kaniya kapag nagluluto siya sa ulingan. I can't even imagine my Mom doing it kung nasa ganitong sitwasyon din kami.

Buti nga at hindi ako nawawalan ng allowance sa atm ko. Siguro nilalagyan pa rin iyon ni Mom kahit na wala ako sa bahay. That only matters to them. Money.

Tinuloy ko na ang pagkain ko. Tulala ako habang sumusubo ng kanin at nang may naramdaman akong parang nakatitig sa akin ay nag-angat ako ng ulo. I looked at Anglo and he's looking at me too. Nakakunot pa ang noo niya habang sumusubo ng pagkain habang nakatingin sa akin, "What's your problem?"

"Wala lang. Ang ganda mo pala."

Halata sa mukha ko ang gulat nang sabihin niya iyon pero hindi ko na pinahalata dahil baka may masabi na naman siya. Tumikhim ako bago nagsalita, "T-Thanks?"

He just smirked from what I said then he suddenly stood up when he saw his Mother. Kinuha niya sa kamay ni Tita Mirriam ang hawak nitong pinggan at pitsel bago dumiretso sa kusina. Tinignan ko ang kabuuan ng bahay nila. Halos kasing laki lang 'to nang maid's quarter namin.

Ang saya-saya nila kahit ganitong buhay ang mayroon sila. Alam kong hindi sapat yung pagtitinda nila ng bananaque atsaka ang pagtrabaho ni Anglo sa lahat ng gastusin nila. Kailangan pa ni Tito Noel ng gamot every week.

"Hindi ka pa tapos, Avi?"

I shifted my glance at Anglo when he called me 'Avi'. It's so special to me, ni walang nagsubok na tawagin akong ganoon dahil hindi rin naman pumasok sa isip ko na magandang nickname ang Avi. But now that Anglo's calling me that, it makes me feel so special.

Kidnapper's PuppetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon