The gushing waves of the ocean is like a hymn in my ears. I woke up when I suddenly heard someone's humming beside me. Malabo pa ang rehistro nito sa mga mata ko ngunit kilala ko na agad kong sino ito.
"Marshall, ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko habang nakapikit pa ang isang mata at tamad na tamad pa bumangon.
"Pangalawang araw ko na aking, mahal," sagot nito sabay hinaplos ang mukha ko kaya nagising na rin ang diwa ko at napabangon na lamang ako.
"Anong oras na ba?" tanong ko sa kaniya habang kinukusot ang mga mata sabay hikab.
"Alas sais ng umaga," sagot nito. Dumayo ang tingin ko sa glass window. The warm blue atmosphere is slowly devouring by the warm welcome of the sun rise.
"Masyado pang maaga, Marshall, inaantok pa ako," litanya ko at saka walang enerhiyang napahiga muli.
Marshall let out a chuckle. "Paumanhin, mahal ko. Ngunit kailangan kong samantalahin ang oras na ito," giit nito at medyo bakas ang lungkot nito sa mukha niya, marahil ay nalulungkot siya dahil ito na ang pangalawang araw niya na makakasama ako sa buong araw. Nakaramdam din ako ng awa at konsensya kaya kahit na gusto ko pang humiga sa malambot na kama ay hindi ko na lamang tinuloy.
Nagsalitang muli si Marshall, "May inihanda na akong umagahan. Nais ba kitang maanyayahan?" Tumango ako bilang pagsang-ayon.
"Maliligo at mag-aayos lang ako ng sarili. Hintayin mo na lang ako," saad ko at nginitian ako nito bilang tugon. Pumasok na agad ako sa banyo at humarap sa salamin. I looked closely into my rare salty white eyes. Sa totoo lang napakaganda ng mga mata ko. It is visualized as a white-gray with black orb and surrounded by tiniest dark shade of black is one of the most rare eye color a person could have and luckily, I have one. Hindi ko alam kung kanino ko minana ito, eh hindi ko naman kilala ang mga magulang ko. Wala rin naman akong alam na may lahi ako. I took a deep breath at saka naghilamos na pagkatapos nito ay maliligo na rin ako.
Pagkatapos ng ilang minuto kong pag-aayos ay agad akong bumaba na, nakasuot lamang ako ng usual na puting silk na bestida at nakawagayway lagi ang medyo umaalong kulot na buhok.
"Ano pala ang gagawin natin ngayon, Marshall?" tanong ko naman rito habang naglalakad kami papalabas ng mansion.
"Matutunghayan mo mamaya," wika nito kaya napatango na lamang ako.
Ilang minuto rin kami naglakad at ngayo'y narito na kami sa ilalim ng isang malaking puno. Ano'ng mayroon? Bakit kami napahinto rito?
"Tumingala ka mahal ko," sabi ni Marshall kaya nabalot ako ng pagtataka ng isang sandali at saka marahan na tumingala at doon nasilayan ko ang isang tree house kaya namangha ako at napuno ng galak ang puso ko. I may not remember pero nararamdaman ko na 'yong batang ako napakasaya ngayon.
YOU ARE READING
Corpse Mistress (A NOVELLA)
Paranormal"I know I am married, but I don't know who I married." Trinity Giuliani, an agnostic woman who doesn't know love, woke up with three husbands yet unknown to her existence. Doubts devoured her as she questioned who her husband really is. A doctor who...