Trigger Warning: Self-harm
Two lines.
"Do you want to unwind? Let's go to beach," marahang yaya ni Charlynn nang makitang nakasalampak ako sa sofa.
"May pasok na tayo in two days," sagot ko sa kaniya.
"Edi absent tayo?" Sabi niya. "Come on! Ang tagal na nating plano 'to."
"Wala ako sa mood lumabas," sagot ko sa kaniya.
Naupo siya sa kabilang sofa saka roon sumalampak. Hindi ko alam kung bakit ako ang ginugulo ng isang 'to pero pakiramdam ko after nilang makita na umiyak ako sa balikat nilang dalawa no'ng nakaraan, binabantayan na nila ako.
Of course, I'm trying to hide everything from them.
Kahit mahirap... Kahit gusto kong magsumbong...
"Wala ka bang trabaho?" Tanong ni Gabriella matapos ilapag sa harap namin ang niluto niyang French Fries.
"I want to focus on my studies for this year," sagot ko.
"Wow! Akala ko ang pag-aaral ang gagawin mong part time e," natatawang sagot ni Cha.
Inirapan ko lang siya. "Bakit ba nandito kayong dalawa? Wala ba kayong gala with your boyfriends?" Tanong ko.
Si Gabriella ay naupo sa kabila pang sofa matapos ilapag ang beer sa table. Nakasalumbaba ako sa harap ng television na nagpa-play ng Kdrama.
"Busy ang jowa ko. Miss na miss ko na nga e," nakangusong sabi ni Cha.
"Maraming trabaho sa opisina. May malaking project sina Cartier sa Cebu," sagot ni Gabriella bago inuman ang beer.
"Nag-uusap na ba kayo ni Kuya Carlo?" Tanong sa akin ni Charlynn.
Saglit ko siyang nilingon. Pinanood nilang dalawa ni Gabriella ang reaksyon ko kaya napairap ako.
"Ayaw ko muna siyang makita. Sinabi ko naman na sa kaniya," sagot ko.
Kinuha ko ang bowl ng French fries dahil hindi naman pinapansin ng dalawa. Nilantakan ko iyon habang nanonood ng television. Nasa gano'n kaming sitwasyon nang bumukas ang pintuan ng apartment. Pumasok si Cartier na sinundan ni Carlo.
Mabilis na kumalabog ang dibdib ko nang mahanap niya ang paningin ko. I slowly put the bowl back on the table saka ko inayos ang buhok ko.
"I'm sleepy..." Paalam ko saka mabilis na tumakbo paakyat ng kwarto ko.
Narinig ko pang sinigaw ni Charlynn ang pangalan ko pero hindi ko na nilingon. Kung kaya kong magpanggap na maayos sa harapan nila, sa harap ni Carlo...hindi. Pakiramdam ko kapag nakikita ko siya, iiyak lang ako hangga't hindi ko nasasabi sa kaniya ang lahat.
Nagising ako sa pamilyar na panaginip. Mainit ang sulok ng mga mata ko nang dumilat ako. May mumunting pawis din na namuo sa noo ko. Nanginginig kong binuksan ang ilaw sa lampshade ko bago ako tumakbo papunta sa bathroom at doon nagsuka. Namimilipit ang sikmura ko nang bumaba ako ng hagdan. Kumuha ako ng tubig sa ref saka iyon ininuman.
"Are you hungry?" Halos mapasigaw ako nang sumulpot sa harap ko si Carlo.
Magulo ang buhok niya. Suot niya pa rin ang pangtrabaho niya at mukhang hindi umuwi. Nagba-badya na naman ang luha sa mata ko kaya mabilis ko siyang iniwan doon.
Bumalik ako sa kwarto saka kinuha ang hoodie at wallet ko. I'm so hungry. May pagkain sa refrigerator pero hindi ko iyon gusto. I want something with suka.
Akala ko bumalik sa pagkaka-tulog si Carlo pero hindi. Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa at pinanonood ako. Mukhang alam niyang babalik ako.
"Where are you going?" Tanong niya nang makitang kinuha ko ang susi ng sasakyan namin.
BINABASA MO ANG
Why Do You Love Me (Pontevedra Series #2)
RomantizmFate. What is fate? According to my research, it is to be destined to happen, turn out, or act in a particular way. Iyon na ang dapat na mangyari e-nangyari na e. May magagawa pa ba? It is what it is kaya tatanggapin na lang? Para bang kahit anong...