Julianne
It's weekend!
At dahil weekend naisip kong dalawin si Lola Meldy ngayong umaga. Hindi ako sumama sa mga lakad nina Mommy at Daddy at ang mga kapatid ko naman ay may mga sariling lakad din.
Kasama ang mga PSG na bantay ko ay tumungo kami sa bahay ni Lola. Tagal na rin noong huli kaming nagkita.
Nagsuot ako ng lilac colored dress na inorder ko sa online ukay-ukay tapos inayos ko ang mahaba kong buhok at kinulot ng konting-konti lang.
Namiss ko lang kasi siya kaya dadalawin ko siya.
Paghinto ng sasakyan namin sa loob ng gate ng mansion ni Lola ay binuksan ni Ms. Diana ang pinto at nauna siyang bumaba sa akin.
Inalalayan niya ako pababa ng sasakyan at marahan akong naglakad papasok sa entrance ng bahay.
May isang manang na nagwawalis sa may entrance ng sala ang sumalubong sa akin.
"Magandang umaga po Manang Delia! Kumusta po?"- at niyakap ko siya.
"Ms. Sabrina naku mabuti at dumalaw ka... Sinong kasama mo?"- tanong niya habang hawak niya ang kamay ko.
"Ako lang po Manang. Hindi po ako sumama kina Daddy kasi sabi ko dadalaw ako rito. Si Lola po kumusta?"- tanong ko naman habang dahan-dahang naglakad papasok sa loob.
"Ayun nasa sala at umiinom ng tsaa habang nagbabasa mg dyaryo. Halika at puntahan mo siya doon. Matutuwa yun dahil dumalaw ka"- at sinamahan niya ako papunta kay Lola Meldy.
When we reach her place sa sala, I called her.
"Hi Lola!"- and she looked at me and she smiled.
Binaba niya ang dyaryo na kanyang binabasa sa tabi niya.
"Hello Sabrina..."- binesa ko siya at niyakap nang lapitan ko siya.
Hinarap ko siya habang hawak ko ang dalawang kamay niya.
"Namiss ko po kayo kaya dumalaw po ako"- sabi ko at napangiti siya.
Cute niya ihhh.
"Ay ganun ba? Ikaw lang ba? Sinong kasama mo?"- at marahan akong umupo sa tabi niya.
"Ako lang po Lola. Sina Daddy at Mommy may lakad po tsaka po sina Kuya Sandro at Kuya Simon pati si Vinny may mga lakad din. Sinasama nga po ako nina Daddy kaso sabi ko dadalawin ko kayo kaya nandito po ako"- tugon ko sabay ngiti ko sa kanya.
"Kumain ka na ba? May pagkain sa kusina. Delia paghain mo muna si Sabrina"- at napatingin naman ako kay Manang.
At bumaling ulit ako kay Lola.
"Nag-almusal na po ako Lola. Mamaya na lang po ulit kapag nagutom ako. Sige po Manang Delia mamaya na lang po"- tugon ko sabay tingin kay Manang Delia.
Ayokong magpa-VIP.
Iniwan na kami ni Manang Delia sa sala para makapag-us
"Sigurado ka Apo? Parang namayat ka na yata eh"- bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Sure po ba kayo Lola? Namayat na ako? Di nga po?"- at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Hmm hindi ako sigurado Apo. Pero parang oo eh... Kumakain ka ba sa tamang oras?"- seryosong tanong niya.
Syempre hindi... Minsan nga nalilipasan ako dahil sa pagre-review para sa board exam.
"Hmm minsan po nakakaligtaan ko pong kumain sa oras dahil nag-aaral po ako para sa exam. Pero dahil tapos na po ang exam eh kakain na po ako sa tamang oras. Pero hindi po marami kasi mananaba na naman po ako. Nagbabawas po kasi ako..."- sabi ko at napababa siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
Daughter in Malacañang: The Descendant Book 2
FanfictionTuluyan nang nakauwi sa piling nina Bongbong at Liza ang kanilang anak na halos dalawampung taong nawalay sa kanila. At sa pagkakataong natagpuan na nila ang pinakamamahal na anak, ibubuhos nila sa kanya ang taos puso nilang pagmamahal bilang mga ma...