Sa bahay kame ni lyn pumunta para gawin yung proj namen, kung kailan malapit na christmas break tsaka naman nag bigay ng proj.
Nauna na kame ni lyn sa bahay niya, sunod nalang daw yung iba.
"Dun ka muna sa sala, mag papalit lng ako ng damit" sabi ni lyn sa akin
"Oh sino yung kasama mo?" tanong ng isang lalaki kay lyn
"Wala hindi mo kilala" inis na sabi ni lyn nung nakita niya yung lalake
"Wag mo na lang siya pansinin,masyadong papansin yan!" sigaw niya sa akin galing sa kwarto niya
"Wag ka maniwala dun, papansin daw ako, papansin ba ako sa tingin mo?" sabi sakin nung lalake
"Siguro" sabi ko sa kanya at tinalikuran siya
"Ay"
"Kaklase kaba niya?" tanong niya
"Hindi pa ba obvious?" pilosopong sabi at itinuro sa uniform ko
"Ay sorry naman bulag lang" sabi niya sa akin
Napangiti ako ng unti at tinuon na lang yung pansin ko sa aming gagawin na project
Naramdaman ko na lumalim yung sa gilid ko at tumabi sa akin yung lalake
Siguro kapatid ni lyn tuh, magkamukha sila pero mas matangkad lang yung lalaki na tu
"Bka naman matunaw ako sa tingin mo, alam ko naman na gwapo ako pero kung gusto mo pa ako titigan, wag ka na mahiya at lumapit ka nalang sa akin" sabi niya sa akin na may pa smirk pa
Aba kapal ng mukha neto, kaplan korean nga
"Ay pwede pala, pumwesto ka ng maayos para picturan naren kita sayang naman effort mo sa pagsasalita, kawawang nilalang" nilabas ko yung sipon ko at tinutukan sa kanya
"Oh pose ka naman dyan"
...........................................................................................................................
"Masakit ang ulo ko sa project na toh" sabi ni lyn at biglang hinampas yung sarili nya sa unan
"Sasabog na ata bungo ko dito" pagrereklamo ko dahil ang hirap naman ng project na binigay ni maam, ramdam ko may tumitibok sa gilid ng ulo ko
Nagpahawak nalang ako sa ulo ko at nag dasal na lang sa utak ko na sana wag muna ako kunin ni lord, kailangan ko muna magpayaman.
Kakapuyat ko toh
May biglang kumatok sa pinto at napatingin kami
"panget oh pag kain" inabot ng lalake kay lyn
"salamat kuya" sabi ni lyn na may ngiti na abot tenga nung nakita yung pagkain
ah kapatid niya pala, kaya pala magkamukha
Nilagay ni lyn sa gitna namen yung pagkain at nauna na siya kumuha
"anong ginagawa nyo?" tanong ng kuya ni lyn
"pruyekt" sabi ni lyn nang may pagkain pa sa bibig
"ah okay, ikaw na maglinis niyan mamaya" turo ng kuya niya sa lalagyan ng pagkain at umalis na
"lagay na nga tayo ng mga idea baka hindi pa natin ma simulan" bangit ko kay lyn at nag isip ng idea para sa project namen
"ANG TANGA NAMAN NUN, BAKIT LANG SIYA NATUNGANGA!" sigaw ni lyn sa screen dahil nanood nalang kami ng movie
Hindi na namin sinimulan yung project pero nakapag lagay naman na kami ng idea at kung paano namin si simulan, okay nayun
Nag kwentuhan muna kasi kami hanggang sa naisipan na lang namin manood
"PRE GALAW GALAW HINDI MAGKAKAGUSTO SAYO YUNG BABAE KUNG WALA KANG GAGAWIN, BUTI PA YUNG HALAMAN NA GALAW!" sigaw ni lyn ulit sa screen na may kasama pang hand movement
wala naman ako maintindihan sa pinapanood namin bigla nalang nag iba ng channel utak ko
Nag imagine nalang ng kung ano ano, kanina na imagine ko na isa akong artista tapos nasa interview kami tinatanong kami ng host about sa movie ko daw, tapos bigla daw nag tanong yung host kung wala ba daw na mamagitan sa amin nung Co star ko
Ibang scenario naman toh, ansa isang movie naman ako, gumagala lang daw muna ako sa labas tapos bigla ko nakita yung mga Madrigal, tinitingnan ko lang yung ginagawa nila, tapos si mirabel kumakanta sumusunod ang mga bata, iniba ko na daw yung tingin ko at nag libog ako sa lugar, tapos nakita ko si camilo inaalagaan yung baby
Change scenario ulit ansa isa akong manhwa, anak ako ng mayaman, nag tratrain daw ako kung paano gumamit ng sword, tapos may dumating na gwapo na Knight tutulungan niya rin ako mag train, tapos nag sparring kame, bigla daw ako na out of balance tapos sinaloa ako nung Knight, magkalapit ang mukha namen at...
"hoy ruby saang lapok na ng mundo lumipad ang utak mo!" pag gulat sa akin ni lyn na hindi ko namalayan na tapos na pala yung movie
"ano ba namang klaseng male lead yun, walang ka kwenta kwenta" pag reklamo sa akin ni lyn
"inaantok na ako" pag bulong ko sa sarili ko
"dito ka na lang matulog sabihin ko na lang kay mama na pasabi kay tita na dito ka matutulog" sabi ni lyn
"sige sige, pahiram ng damit mo magpapalit lang ako" pag pa alam ko kay lyn
"kumuha ka lang diyan" sabi ni lyn at lumabas na sa kwarto niya para sabihin sa mama niya na dito ako matutulog
tamad na nga lumabas tamad naren umuwi