Hello guys.. this is my second attempt. Hindi ko na tapos ang unang story ko so i am hoping this time i get to finish it to the end. Please don't forget to Vote if you find the story interesting.
======================================================
Tooo tu tut !! tooo tu tut !! tooo tu tut!!
Napabalikwas si hiro sa kama... tiningnan nya ang kanyang CP - 2:45 am.
Alas tres ng madaling araw ang pasok nya, meron pa syang kinse minutos para makapag hilamos at sipilyo.
Nagmamadali siyang tumayo at nag log out sa sleeping lounge ng opisina at nagtungo sa CR. Last day of work nya for this week then off na nya. Limang araw na sya nag ii-stay sa office at hindi umuuwi sa kanila.
Si Hiro Villaverde ay isang customer service representative sa isang BPO sa northgate, Alabang. 23 yrs old at nakatira sa grand parents nya.
REWIND...
Naghiwalay ang parents nya mula ng nabulag ang isang mata ng daddy nya dahil sa pagwowork sa barko. Mas pinili ng dad ni hiro ang pera kesa sa pagopera sa mata nito. Sa barko nagwowork ang daddy ni hiro...sa luxury liner, kaya maalwan ang buhay nila nung bata pa sya. Sunod lahat ng layaw, lahat ng damit at laruan na magustuhan ay naibibigay sa kanilang magkapatid. Pero nung huling sampa ng dad nya sa barko ay nagka problema sa mata ang dad nya at napilitang bumaba. Retinal Detachmant and diagnosis ng doctor. Bumigay ang isang ugat sa isang mata ng dad nya dahil sa kakabuhat. Sagot naman ng company ang surgery sa isang sikat na ospital sa maynila kaso.. imbes na doctor ang umopera ay mga Medical intern or istudyante na siyang dahilan kaya lalong lumala at tuluyang nabulag ang isang mata ng ama ni hiro. Mas pinili na lang ng dad nila ang pension kaysa maaus pa ang mata nito. Kulang kulang isang milyon ang nakuha ng dad nya kapalit ng isang mata pero sa loob ng anim na buwan ay naubos lamang na siyang pinagmulan ng away at rason ng paghihiwalay ng parents ni Hiro.
Bitbit si Hiro at ang kanyang kapatid ng mom nila nung iwan nito ang dad nila, Pero after a few months ng dinalaw sila ng dad nya ay sumama si Hiro dito dahil nga PAPA's boy ito at spoiled sa ama.
Dahil sa sma ng loob ay binenta ng dad ni hiro lahat ng gamit na naipundar nila at sa lolo at lola nya sila nag stay, Mula noon ay Ang grandparents na nya ang gumagastos at nagpaaral sa kanya sa highschool.
Matalino at may utak naman si Hiro, mejo may pagkatamad nga lang at pagka emotional. Masyado naapektuhan sa paghihiwaly ng parents nya at hindi makasundo ang kanyang lolo. Mabait naman ang lolo nya.. un nga lang.. ang feeling ni hiro na ang tingin sa kanya ng lolo nya ay parang ama nya.. failure or blacksheep ng family kaya dinitiktahan sya kung ano dapat nya gawin sa buhay.
After highschool... naexcite si Hiro kasi mararanasan na nya ang college life. Pero ang sabi sa kanya ng lolo nya na He needs to work if he wants to continue in college. Or mag sakristan sya sa Don Bosco Technical Institute para libre ang ang 2 years technical course.
Sa isip ni Hiro... "nope.. ayaw ko ng technical course lang. ayaw ko mag automotive. I have brains to be just a mekaniko!."