Tristan's POV
"Yooooon! Double kill!" Sigaw ko. Naglalaro kasi kami ng DOTA. 2v2 kami ng tropa ko.
"P*ta naman oh! Kainis!" Si ryan yan. Kalaban namin. Nakipag pustahan pa para lang mapatunayan kung sino mas magaling xD
"Hahahaha! Sabi ko kasi sayo mas magaling ako sayo!" Ayaw kasi maniwala eh xD
"Pano ba yan tol? Talo kayo? Yung pusta?" Wala na eh talo na talaga sila.
"Wala madaya naman tol! Isa pang round!" Di talaga matinag tong panget na'to.
"Last na to ah? Gabi na susunduin ko pa girlfriend ko sa bahay ng kaklase nya" sabi ko. May thesis kasi si kathie eh. Wala pa akong natatanggap na text na galing sa kanya.
"Sige! Basta galingan na natin dito tol!" Sabi ni ryan sa kakampi nya.
At ayun nagpatuloy kami sa paglalaro.
*beep*
From: Babe ko :*
8:10 PM
Babe pasundo na ako :*tapos na po kami gumawa ng thesis babe :* see you :* iloveyou :*
To: Babe ko :*
8:20 PM
Wait lang babe :*
From: Babe ko :*
8:21 PM
Sige po :)
"Yeah! Mukhang matatalo na namin kayo!" Sabi ni ryan na tuwang tuwa
"Loko! Wag kang excited! Matatalo ulit kayo!" Sabi ko masaya sya eh.
*beep*
From: Babe ko :*
9:04 PM
Babe asan ka na po?
Saglit lang. Di naman makapag antay tong isang to! Matatalo kami ng tuluyan nito eh.
Nasa kalagitnaan na kami eh.
*beep*
From:Babe ko :*
9:18 PM
Babe busy ka naman eh :(
Psh. Ang kulit naman ng babaeng to! Di tuloy ako makapag concentrate. Biwset!
*beep*
From: Babe ko :*
9:27 PM
Busy ka nga ata. Sige wait pa din kita :* iloveyou babe :*
Nakng! Ang kulit. Di ba nya alam yung salitang wait? Sa sobrang asar ko pinatay ko na lang phone ko.
After 1 hr
"Nice game tristan! Panalo na naman!"
"Syempre! Ako pa?" Akala ko talaga kanina matatalo na kami. Buti na lang nakapag focus ako.
"Sige mga pre sunduin ko lang girlfriend ko. Una na ko" at ayun umalis na ako sa shop.
Habang naglalakad ako ang daming nagkukumpulan na tao sa gitna.
At dakilang chismoso ako kaya nakisilip ako. Habang papalapit ako ng papalapit kinakabahan ako. Di ko alam kung bakit. Kaya di na ko lumapit. Nilagpasan ko na lang.
"Kaaaaaaaaathie!" Nagulat ako kasi papalapit sa madaming tao yung kaklase nya.
Kaya nilapitan ko yung kaklase ni kathie