Lily's Point of View
Lily was a little girl
Afraid of the big, wide world
She grew up within her castle walls
Now and then she tried to run
And then on the night with the setting sun
She went in the woods away
So afraid, all aloneThey warned her, don't go there
There's creatures who are hiding in the dark
Then something came creeping
It told her, don't you worry justFollow everywhere I go
Top over the mountains or valley low
Give you everything you've been dreaming of
Just let me in, ooh
Everything you want in gold, I'll be the magic story you've been told
And you'll be safe under my control
Just let me in, ooh
Just let me in, ooh~Ako ay narito ngayon sa aking higaan, nagbabasa ng isang nobela habang inaalala ang isang awit na aking napakinggan noong ako ay bata pa lamang.
Noong paslit pa lamang ako at wala pang alam sa mundo, ngunit wala padin naman akong kaalam-alam sa mundo, sinubukan kong tumakas sa palasyo upang makita ang paligid. Takot na takot ako noong mga oras na iyon ngunit nakatakas naman ako.
Napunta ako sa isang kakaibang lugar na kung saan ay sa pagkakaalam ko ay kagubatan. May mga maliliit ding lapastangan ang nais na dumapo sa aking balat at paulit-ulit itong nagbabuzz buzz ngunit mabuti na lamang ay nailigtas ako ng isang ginoo.
Hindi ko na gaanong maalala ang kanyang wangis ngunit sa pagkakaalam ko ay siya ay matangkad, may magagandang mga mata at may kaakit-akit na boses lalo na kapag siya ay kumanta.
Flashbacks
"Binibini, ano ang iyong ginagawa sa lugar na ito? Maaari kang mapahamak. Gabi na kung kaya't umuwi ka na sa iyong tahanan." Wika niya. Ibinaluktot niya ng kaunti ang kanyang binti upang maging magkasingtangkad kami at iniabot ang kanyang kamay sa akin.
"Pasensya na ginoo ngunit sinabi ng inang reyna na hindi ako maaaring sumama sa mga taong hindi ko kilala lalo na sa mga mukhang hindi mapagkakatiwalaan." Sabi ko ngunit napangiti ito at napahalakhak.
"Anong nakakatawa sa aking winika?" Pagpapatuloy ko at halata namang nagpipigil ng tawa ang ginoong natatakasan na ng bait. "P-pasensya na binibini ngunit natatawa lamang talaga ako sa iyong mukha." Sabi niya dahilan upang mapakunot ang aking ulo at hindi sinasadyang nasipa ang ginoo.
Napatigil naman ito sa kakatawa at biglang nanigas. Hinawakan din niya ang kanyang ibaba at mukhang lalabas na ang mata sa sobrang pula ng kanyang mga mata
"Ayan ang nakakatawa!" Sabi ko at agad na napahalakhak at pumala-palakpak pa. "N-natutuwa lamang a-ako dahil sa iyong m-murang edad ay g-ganyan na kayo m-mag-isip. Ngunit b-binibini.. hindi ka dapat.. naninipa ng.. ng itlog ng isang l-lalaki." Sabi niya pero napatingin lamang ako sa kanyang mukha at napataas ang isang kilay.
"Itlog?" Sabi ko habang nakalagay ang aking mga kamay sa baywang. Nagagalit ba siya dahil nabasag ko ang dala niyang itlog? "Pasensya na ginoo kung nabasag ko ang iyong dalang itlog ngunit hindi ko lang talaga mapigilang masipa ka dahil sa sobrang inis ko. Ngunit.. hindi ba dapat ay inilalagay mo ang itlog sa isang lalagyan hindi sa loob ng iyong pang-ibaba?" Tanong ko dahilan para manlaki ang kanyang mga mata.
Sinenyasan niya ako na nagsasabing sandali lang dahil mukhang nasasaktan padin siya pero pagkatapos ng ilang sandali ay umayos na din ang kanyang pakiramdam.
"Binibini.. mukhang bata ka pa para sabihin ko ang bagay na ito sa iyo ngunit ang ibig sabihin ng itlog na aking sinasabi ay ginagamit upang magkaroon ng mga anak. Ngunit kung mabasag man ang itlog na iyon, maaaring mahirapan na akong maghanap ng magiging asawa at anak." Sabi niya.
Kaya pala ingat na ingat si Prinsipeng Kuya noon dahil sabi niya, hindi maaaring makita ng isang babae ang pag-aari ng lalaki lalo na't kung ito ay bagong tuli dahil kung hindi, ito ay mangangamatis. Itinaas ko ang aking kanang kamay at nagsalita.
"Ganun ba? Umm pasensya na ha? Hayaan mo. Ako, si Lily Whitlock, ay pinapangakong pakakasalan ang ginoong nasa aking harapan." Sabi ko ngunit napatitig lamang ang ginoong ito sa akin.
"Hindi ka ba naniniwala? Alam mo kasi, kapag ako ay nangako, hindi ko ito pinapako." Napangiti naman ito at biglang ginulo ang aking buhok.
"Pangako yan ahh?" Sabi niya at tinugunan ko naman ito.. ng "Pangako".
Pagkatapos nun ay naglibot-libot din kami sa paligid. Nakakita ako ng napakaraming insektong umiilaw na lumilipad at makukulay na halaman. Ilang oras na din ang nakakalipas at kinausap ako ng ginoo.
"Binibining Lily, mag-uumaga na. Sa tingin ko ay kailangan mo ng bumalik sa iyony pinanggalingan." Sabi niya dahilan upang tumulo ang aking mga luha.
Lumuhod naman ito upang maging kasingtangkad ko at pinunasan ang aking mga luha. Sa mga oras na iyon, bigla akong nakaramdam ng napakalakas na tibok ng aking puso. Nakaramdam din ako na para bang may mga paru-parong lumilipad sa aking tiyan.
"Oh? Huwag kang umiyak binibini. Magkikita pa naman tayo ehh. Pangako iyan." Sabi niya at itinaas sng kanyang kanang kamay.
"Sigurado ka? Ngunit sigurado akong mahirap ang iyong sinasabi." Sabi ko pero napailing lang ang ginoo. "Walang mahirap sa taong nag-iibigan." Sabi niya at napakunot naman ang aking noo. "Nag-iibigan? Ano yun?" Tanong ko pero napabuntong-hininga lamang ang ginoo.
"Basta. Kung gusto, may paraan. Alam kong magkikita ulit tayo." Sabi niya at napangiti naman ako. Sana nga.
"Ginoo, maaari mo ba akong handugan ng isang awitin?" Sabi ko at napatango naman siya. Sa mga oras na iyon, alam ko nang siya ang ginoong nais kong makasama sa aking paglalaro, pagkain ng sorbetes, sabay na matulog at iba pa.
End of Flashbacks
Ang mga awiting iyon ay hindi na mawala sa aking isipan. Mula noon, hanggang ngayon.
Hindi man natupad ang aming pangako sa isa't-isa noon, hahanap ako ng paraan upang matupad ito ngayon.
*********************
Prologue- Unlocked!!Thanks for reading Behind the Walls!
BINABASA MO ANG
Behind The Walls
FantasiI'm always wondering.. what's behind the walls? Once upon a time, sa mundo ng Pixxylaide, may isang prinsesang napagkaitan ng kalayaan sa hindi malamang dahilan. Isa siyang babaeng puno ng ngiti at imahinasyon. Mahilig magbasa ng mga kwento at madal...