Chapter 15

206 8 2
                                    

Nectarine:

Hey, I’ll be leaving sooner. Take care.

Hindi ko kayang pigilan ang simangot nang nabasa ang mensahe niya. Pupunta siyang Cebu ngayong araw at tatagal siya roon ng tatlong araw. Ibig sabihin lamang noon ay hindi ko siya makakasama o makakausap.

Susunduin niya kasi iyong pinsan niya raw na babae pero mags-stay pa muna siya for three days dahil inaya siya ng iba niyang pinsan mag-snorkle. Ini-enjoy na yata ni Nectarine ang bakasyon dahil next week ay magsisimula na ang klase niya.

Ako:

K. Ingat.

Nectarine:

K lang? I’m leaving, you know.

Ako:

So? Anong ine-expect mong sabihin ko?

Dahan-dahan kong ininom ang kape sa mug habang hinihintay ang sagot niya. Mamaya pa ang pasok ko dahil nalipat ako sa night shift nitong nakaraan. Mag-isa ako ngayon sa apartment.

Nectarine:

Like ‘I’m going to miss you’ because I won’t be with you for three days.

Lah, asa naman siya! Kung siya nga hindi masabi sa akin ang mga salitang iyon, ako pa kaya sa kaniya? Naniniwala ako na kung hindi niya gagawin, hindi ko rin gagawin. Fair ang ganoon.

Ako:

Iw ha?

Nectarine:

So, you won’t miss me, Reticentelle?

Bakit ba ang bilis niya sumagot? Naghihintay na lang siguro siya ng boarding. Nasa airport na siya sa mga sandaling ito.

Ako:

Tatlong araw ka lang mawawala. Baka ako pa ang ma-miss mo ‘uy.

Sure ako na siya ang makaka-miss at hindi ako. Kapag nga narito siya sa apartment, kailangan ko pa siyang itulak palabas para umuwi na siya dahil gabing-gabi na. Kung hindi ko siya pipilitin, baka sa apartment na namin siya matulog.

Pero noong nalipat ako sa night shift, hindi na siya pumupunta rito. Doon siya sa convenience store tumatambay kahit madaling araw na. Umuuwi siya ng 3AM tapos babalik before six ng umaga dahil out ko na ‘yon. Sinusundo niya pa rin ako.

Ang ending ay buong maghapon kaming walang communication dahil pareho kaming tulog. Ako sa apartment, siya sa bahay nila. Ang katuwiran ni Nectarine ay hindi rin naman niya ako makakausap sa maghapon dahil kailangan kong magpahinga at matulog kaya sasabayan niya na lang ako sa pagpupuyat para pareho kaming tulog tuwing may liwanag.

Ganoon ang naging routine namin sa loob ng limang araw.

Nectarine:

I’m sure it is not going to be me. You know yourself. You can’t survive a day without seeing my face.

Kapal ng mukha.

Ako:

Nahiya naman ako sa ‘yo na nakabantay pa sa convenience store.

Nectarine:

I was doing that because I want to make sure that you are safe.

Palusot pa siya. Paano naman ako hindi magiging safe roon? Wala ngang ginagawa dahil bibihira ang customer sa madaling araw. Ang sabihin niya lang ay hindi siya mapapanatag nang hindi nakikita ang mukha ko.

Ako:

Wala nang maniniwala sa ‘yo kapag ‘yan ang ginawa mong palusot.

Nectarine:

Later It Ends (Alimentation Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon