Lexine Effect

1.9K 55 7
                                    

Now I'm kind 'a focusing on writing this story so guys I need you to be more patient if I update too slow. I hope you can bear with me. And comments or feedbacks and a nice virtual pat on the back would make it better, if you please. :(

***

Chapter Eight

Lexine Effect

(Lexine’s POV)

                 “I don’t know how else I’m going to tolerate you anymore, Bryce! Geez, hindi na ikaw ang dating Bryce na nakilala ko. Your presence annoys me this days! What happened to you?”

            Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sigaw ng pamilyar na tinig na iyon. And as if on cue, nakita ko si Ana na padabog na kinukuha ang bag niya sa alalay niya. Bryce was there but his back is on me pero para safe nagtago pa rin ako sa may tagong pasilyo sa may gilid na malapit sa entrance ng building namin.

                 “I am this Bryce, Ana, nothing changed.”

                 “Oh yeah really? Ewan ko sa’yo! D’yan ka na nga!”

                 “H’wag mo’kong tatalikuran habang kinakausap pa kita! Ana! Bumalik ka dito, isa!” sigaw niya sa papalayong babae na hindi man lang nagawang lingunin siya.

            Nakita kong nag-clench ang fist niya bago siya tumalikod at naglakad na rin palayo. Napabuntong hininga ako. Nahihirapan na masyado si Bryce. Kilala ko ‘yon eh. Hindi pa siya kahit kailan nagka-gano’n. Once lang. Nung inilayo ko ang sarili ko sa mga Gonzales.

                 “Oy, Ate, sinong pinagtataguan mo d’yan? H’wag mong sabihing may nahabol na naman sa’yong groupies? Ano ‘yan, meteor garden lang ang peg? Laging harass?”

            -____-

            Binatukan ko nga ang gagang si Sheena na bigla-bigla na lang sumusulpot sa kung saan-saan. “Gaga hindi. Nag-eavesdrop ako kanina kina Ana at Bryce. Tsk, nag-away sila. Bakit kaya? Wala namang ginagawang masama si Bryce ah.”

            Nanlaki ang mata ni Sheena at nag-cross ng arms. “At ngayon naman pinagtatanggol mo na si kuya Bryce? Seryoso, Ate?”

                 “Tange, hindi sa gano’n. Pero alam ko ‘yon, hindi na nambababae si Bryce. Matino na ‘yun, sigurado ako do’n. Kaya anong posible niyang gawin para magalit ng gano’n si Ana sa kanya na kulang na lang eh sampalin siya? Pagod na masyado si Bryce para dagdagan pa ang mga isipin niya na dulot ng pag-aaway nila ni Ana.”

            Tinitigan ako ng kapatid ko. Para siyang nag-iisip at hindi ko alam kung bakit o kung para saan. May nasabi ba akong mali? o.0

            Tas maya-maya nag-sigh siya. “Kung ano man ‘yang pakulo n’yo ni kuya Bryce, kung ako sa inyo ititigil ko na. Naku kayo talaga. Mahirap kayang laging may pinipigil noh.”

                 “Ano bang pinagsasasabi mong bata ka?” =___=

            She frowned sabay hawak sa magkabilaan kong balikat. “Minsan, kahit minsan lang, Ate, maging selfish ka naman. Intindihin mo muna ‘yang sarili mo bago ang iba. Ikaw rin malay mo, kakaasikaso mo sa iba, may mga bagay na hindi ka nakikita kaya puro ka lang tamang akala at hinala. Sus.”

            Natigilan ako do’n. Anong ibig niyang sabihin? Di ba nga dapat hindi ka selfish? Pero… “Pa’no sila?”

                 “Ate, deserve mo ring maging happy. Kahit ngayon lang kung pwede, h’wag mo na muna isipin ang iba. Go with the flow.”

He Says, She SaysWhere stories live. Discover now