Chapter 17: Demon

19 2 0
                                    

Wala nang nagsalita sa amin pagkatapos non. Hindi ko rin alam kung ano pa ang sasabihin o kung paano magrereact. Tinuon ko na lang ang tingin sa bintana hanggang sa nakarating na kami sa tapat ng bahay.

Pagkaparada ay walang imik niyang inunlock ang pintuan ng sasakyan. Huminga ako nang malalim at mabilisang tumingin sa kanya.

"Thanks again..." Pagkatapos ay lumabas na kaagad ako. Hindi ko na kakayanin kung magtatagal pa ako ng kahit isang segundo sa loob kasama siya.

Hindi ko na rin nilingon pa ang sasakyan niya. Narinig ko na lang na umandar ito nang nakalapit ako sa pinto namin.

Dad was still in the living room when I came in.

"Hinatid ka ni Schreider?"

Huh?

"Ah, yes po."

So Reider didn't lie? He really did inform dad...

"Good. Magpahinga ka na."

"Opo."

Pagkaakyat ko sa kwarto ay binagsak ko kaagad ang katawan ko sa kama. Napatingin ako sa flip book na nasa side table ko at napasampal sa magkabila kong pisngi.

Hindi ko siya matimpla.

Why was he being so aggressive? He's supposed to be like a rock! Rigid! Expressionless!

He wasn't supposed to be so forward and this random!

Nababaliw ako sa mga pinagsasabi niya. Hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.

Why did my systems react to him like how they usually reacted with Spade?

Speaking of Spade... kailangan ko nga pala siyang i-text.

Babe, i'm homeee

Ilang minuto lang ay nagreply din siya kaagad.

Good. I'll call

I waited for his call and answered on the first ring. "Hey babe..."

"Who is he, Jillia?" Malalim at seryoso kaagad ang boses niya. Ni hindi man lang niya ako binati.

Napalunok ako. "I already told you. He's my classmate."

"..."

"He's also the president of Ice Age, and the only son of dad's college buddy," I added hastily when he didn't say anything. Parang may hinihintay pa siyang sabihin ko.

"And my seatmate?" I added, also unsure of myself. "We were also partners during the immersion."

Well, technically, I'm not lying... Everything I said was the truth...

He heaved a sigh. "Who is he, Jillia?"

What did he mean who? Sinabi ko na lahat.

"He's my friend, Spade," sagot ko.

"And who is he?"

Cupid's OutlawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon