Chapter 4
KM's POV
"em-em oh, say aaaaah"
sabay subo nya sakin nung cake pero hindi ko binuka yung bibig ko para isubo yung cake.
"Sya na naman yung iniisip mo"
napatingin ako sa kanya. Kita ko sa mga mata nya na ang lungkot nya.
"Haaaay"
napabuntong hininga sya.
Tumayo sya at naglakad. Di ko alam kung saan sya pupunta.
Pero nagulat ako nung sinuntok nya yung pader.
"A-aldwin.."
tapos ay sinuntok nya ulit yung pader. Sinuntok nya yun ng sinuntok ng mahalata kong nagdudugo na yung kamao nya.
"Dwin-dwin tama na, tama na yan"
pinigilan ko sya. At mabuti na nga lang tumigil na sya.
Nabigla ako nung humihikbi sya.
Umiiyak sya..
"KM, mahirap ba ?"
di ako sumagot.
"Mahirap ba yung hiling ko sayo ? Mahirap ba ? km, kahit magpanggap ka lang naman na mahal mo ko eh"
bigla syang humarap sakin at kita ko yung mga matang nyang lumuluha at puno ng lungkot.
"Km please.. Please.. Kahit magpanggap ka lang na mahal mo ko. Please km yun lang naman"
nagulat ako nung bigla syang lumuhod sa harap ko.
Desperado talaga sya.
"bes tumayo ka dy-"
"Yan na naman yang bes na yan eh !"
bigla syang sumigaw kaya natahimik ulit ako.
"Please km, kahit isang buwan- 28 days lang, yun lang km, kahit 28 days ka lang magpanggap na mahal mo ko, yun lang naman km, 28 days lang naman"
di ako nagsalita. Ewan di ako makapagsalita.
Bigla syang tumayo at tumingala, at natawa, tinakpan nya ng braso nya yung basang mata nya.
"Haha. Sorry ah ? Sorry kung napakadesperado ko. Mahal lang kasi kita"
Pagkasabi nya nung mga huling salita, nagbreak yung boses nya.
Dahil dun napaluha ako.
"S-Sorry.. Sorry aldwin, Sorry kung di ko magawa, sorry. Sorry talaga"
Sabi ko habang umiiyak, bigla naman sya lumapit sakin at pinunasan yung mga luha ko.
"Shhhh, wag ka na umiyak, ayokong umiiyak ka"
"Sorry aldwin, pero hindi ko kaya."
Hindi ko talaga kaya. Nakokonsensya ako sa tuwing sumasama ako kay aldwin at magpanggap na mahal ko sya.
Natahimik sya, at tumalikod sakin.
"Hindi mo kaya ? Ok. Hindi mo kaya eh. Mas mabuti sana na mawala nalang ako, kesa maramdam ko tong sakit na to"
Nabigla ako sa sinabi nya. A-ano daw ?
"Magpapakamatay nalang ako tutal papunta na din naman don yung mangyayari sakin"
"Hindi !"
bigla ko sya hinawakan sa braso.
Kilala ko si aldwin, pag sinabi nya, gagawin nya at yung sinabi nya yung magpapakamatay sya, seryoso sya at ayokong mangyari yun.