"HAYYYY THIS IS LIFE!" malakas na sigaw ni Shaira habang papasok kami ng hotel..
"Hoy Shaira manahimik ka nga! Nakakahiya sa mga nakakakita satin oh. Parang ngayon ka lang nakapasok sa Hotel!" Singhal ni Nicole.
"Sorry naman daw, eh nasan ba daw yung mga boys? Grabe miss ko na si Ernest my labs!" Sabi ni Shaira habang nakapout. Tsk feeling cute.
"Nagtext si Baek sakin na sa dalampasigan daw sila, nandun na din na daw yung mga barkada ni Chanyeol." Sabi ni Lhiera.
"Pakitanong nga kung nandun si Ced?" Sabi ni Angelie.
"Malamang nandun yun," sabi ko ng naka kunot ang noo.
"Eh baka naglilibot na yun! At tumitingin sa mga babaeng naka swim suit! Naku mapipingot ko talaga ang tenga ng lalaking yun pag nagkataon!" Sabi ni Angelie na halatang gigil na gigil na.
"Trust him na lang ok?" Sabi naman ni Nicole.
"Tara na nga sa room natin! At para makapagpahinga na tayo! May jet lag pa ako guys!" Sabi ko na parang nanghihina na.
"Okay!" Sabi nila ng sabay sabay...
---
"Guys tara na miss ko na yung baby ko eh! Baka kanina pa naghihintay yung mga yun sa baba!" Sabi ni Nicole with matching papadyak padyak pa.
"Nicole wag atat ok?! Di naman mawawala ang mga boyfriend niyo eh!" Sabi ko ng may pagka irita.
"BITTER!" sabi nila ng sabay sabay.
"Heh!" Sabi ko.
"Hay nako Riency, wag kang mag alala papakilala kita sa mga friends ni Yeolie! At para magkalovelife ka na! Baka tumanda kang maaga hahaha!" Si Nicole
"TRUE!" sabi naman nung tatalo.
"Shut up ok?! Tara na baba na tayo gutom na ako! At baka nalunod na yung mga jowa niyo!"
"ODE WOW!"
---
Pagkarating na pagkarating namin sa Dalampasigan sinunggaban agad nung apat yung mga jowa nila. Hayyssst ang lalandi grabe!
"Ah babe asan yung mga kaibigan mo?" Tanong ni Nicole kay Chanyeol.
"Ah ayun sila babe oh! Wait papakilala ko sila sa inyo" sabi ni Chanyeol sabay takbo.
"Grabe gwapo kaya sila?" Shaira.
"Ano ba yan shaira may boyfriend ka na lumalandi ka pa, hot kay sila?" Lhiera.
Tsss tignan mo tong si Lhiera, lumalandi daw si shaira eh parehas lang naman sila tsk. Mabuti na lang at umalis yung mg jowa nila at kinuhan kami ng pagkain. Infernes Gentleman ang mga gago. Tsk.
Natahimik kami ng dumating si Chanyeol kasama ang mga kaibigan niya, may isang babae at limang lalake! Shit! Shit! Shit! Yung isa kilala ko siya...
"Uhm guys mga kaibigan ko since elementary, si Sehun" sabi niya sa isang matangkad at maputing guy with sharp jaw line ang cute niya shit.
"Si Kai" yung guy naman na medyo pango ang ilong at kayumanggi ang kulay. Grabe ang sexy niyang tignan.
"Si D.O." yung guy na may bilog na bilog na mata na hindi katangkaran at may heart shape na lips. Shit sarap halikan! Ay ang lande!
"Si Suho at Carina, magfiance na sila" grabe parang ang babata pa nila para magpakasal, pero gwapo yung Suho makinis at maputi siya pero ang pandak! Yung girl naman medyo chubby but she's pretty. (A/N: singit ako hehehe walang samaan ng loob fiance ko na si JunMyeon :P)
"At si Chen" oh shit eto na nga ba! Grabe ang gwapo talaga niya lalo na sa suot niyang polo na nakabukas ang tatlong butones! Ay grabe pwedi bang himatayin?
Nabigla ako ng bigla siyang lumapit sa mukha ko at may binulong na nagpapula ng pisngi ko.
"Ehem miss Riency natulala ka na naman sakin pangalawang beses na yan" sabay smirk
Shit! Nakakahiya! >.<
~~~
Bitin? Hahaha thank you sa mga votes at comments! :)
_snail
BINABASA MO ANG
LAFS(Love At First Sight)
FanficRiency Lumibao ay isang babaeng hindi pa nararanasan ang magmahal at mahalin. At ng dumating ang kaniyang Mr.Right nasi Kim Jongdae o mas kilala bilang Chen ay hindi niya na ito pinakawalan pero pinaglaruan sila ng tadhana. Maging happily ever after...