Photographs

127 3 1
                                    

Photographs

(c) berlstephendutosme, 2013

Ano nga ba ang isang photograph? Marahil ito lamang ay isang simpleng larawan pero sa lahat ng larawan mayroong nakatagong lihim ng nakaraan, lihim ng kabiguan at kasayahan. Sa bawat larawan ay isang alaala na gusto at ayaw nating balik-balikan. Ang isang larawan ay yung alaala na nagpapatatag sa ating katauhan dahil yun mismo ang nagbibigay sigla at buhay sa atin dahil hindi lang ito isang simpleng bagay na makikita kahit saan, ang isang larawan ay isang simbolo ng mga alaala sa buhay na ating napagdaanan.

**

“Ma, asan na ba yung box ko? Hindi ko mahanap-hanap.” Sigaw ko sa aking mama mula sa kwarto.

“Andyan lang yan, anak. Wag atat. Hanapin mo ang hinahanap mo gamit ang iyong mata, hindi ang bibig.” Sumbat ng nanay ko sa akin pabalik.

Naku, baka nawala ko o nakalimutan ko kung saan ko nilagay yung box nayun. Napakaimportante pa naman nun sa akin. Dapat hindi ko yun mawala o ano man dahil yun na lamang ang aking pinanghahawakan.

Ano nga ba ang hinahanap ko? Oo, box ang hinahanap ko pero hindi siya ordinaryong box na mabibili sa bangketa, dahil sa box na yun nakalagay lahat ng alaala ko, mga lumang photographs o larawan kasama ang aking minamahal at yun na lamang ang tangi kong pinanghahawakan dahil wala na siya sa aking piling.

“Anak, nahanap mo na ba?” Tanong sa akin ni mama.

“Hindi pa, ma. Sigurado ho ba kayong hindi niyo nakita nung nag-general cleaning kayo sa kwarto ko kamakailan?”

“Hindi talaga anak eh. Pasensya. Umakyat ka nalang sa attic baka nandoon.”

“Okay, ma.”

Tumungo ako papunta sa attic naming, doon lahat itinambak lahat ng mga gamit na hindi na nagagamit at yung may sentimental value sa buhay naming, naaalala ko pa nung huli akong umakyat ditto, yung tinulungan ko si Mama upang ilipat lahat ng mga alaala ni Papa sa attic.

Bakit ba kamo? Kasi namatay ang ama ko sa isang aksidente, ayaw ni mama na maalala yung masaklap na nangyari sa aking ama. Kaya, napagdesisyunan niya na ilagay na lamang lahat ng mga bagay na makakapagremind sa kaniya kay Papa. 3 months na rin ang nakalipas simula ng mawala sa piling namin si Papa, at sigurado ako na hindi pa makayanan ni Mama ang sakit na nadarama sa tuwing maaalala niya yung masasayang araw nila ni Papa.

Nandito ako ngayon sa attic, halungkat at halungkat lang yung mga pinag-gagagawa ko rito.

Nang makita ko ang isang box na mayroong nakalagay na pangalan ko at pangalan niya. Maalikabok ang paligid nito kaya inihip ko ito at tinapik-tapik ang mga alikabok para mawala. Naupo ako sa isang sulok ng attic, binuksan ko muna ang isang maliit na bintana para makalanghap ng hangin at ilaw.

Sa aking pagbukas, mga larawan ko, larawan niya, at larawan naming dalawa sa higit isang taong naming pagsasama. Nakita ko yung unang larawan namin bilang maggirlfriend/boyfriend. 365 days in a year but we never failed to take a picture of those sweet memories we have, right now, all I have in this box is a thousand and one photographs with memories of love, hope, sadness, triumph and trial.

“Sana okay ka na ngayon, at masaya sa piling ng iba.” Sabi ko na halatang punong-puno ng sakit ang mga salitang binitawan ko.

Binuhat ko ito at pumunta na sa aking kwarto.

“Nakita mo na, anak?”

“Opo, ma. Nandoon lang po pala sa isang sulok sa attic. Sige, ma. Mauna na ako.” Sabi ko habang nakayuko ako.

PhotographsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon