Nakangiti na naman ako ngayon na parang aso habang nanonood ako ng performance ng paborito kong P-pop boygroup na MWEZI sa isang kilalang tv show. Grabe napakapogi talaga nila habang sumasayaw, ang gagaling at ang hot, shit. Si Kiel talaga yung tinututukan ko, siya bias ko eh. Ewan ko ba kahit anong gawin niya kinikilig ako, kahit yata nangungulangot siya well let's see di ko pa siya nakikitang nangungulangot eh. Ah by the way ipapakilala ko muna kung sino sila.
Ang MWEZI ay binubuo ng limang myembro, una si Yeshua Tamayo ang lead vocalist, lead dancer, visual, leader at ang pinakamatanda sa grupo, pangalawa si Larry Israel ang lead rapper at dancer siya ang bunso, pangatlo si Ace Ortega ang main rapper, lead dancer at vocalist din. Pang-apat ay si Carl Gomez ang lead dancer at vocalist ng grupo. At ang panglima ay ang aking bias, Kiel Castillo siya ang main vocalist, main dancer at center ng grupo.
Ang group name nilang MWEZI ay nanggaling sa Swahili language na ang ibig sabihin ay moon at ang kanilang fandom name ay ASTER na isang greek word na ang ibig sabihin ay star.
Saka ko na ipapaliwanag kung bakit yun yung napiling nilang pangalan may tumatawag kase saking bida-bida eh, nagmumuni muni yung tao eh.
"Hello?"
"Sis, punta tayo MOA." Si zoey, bestfriend ko.
"Ano naman gagawin natin do'n? Alam mo istorbo ka alam mo namang pag ganitong sembreak namin kung hindi ako nanonood ng videos ng MWEZI nanonood ako ng K-drama eh."gigil na sabi ko dito.
Paliramdam ko ay umikot ang mata nito."Hay naku Lyra, nag e-exercise ka pa ba? Puro ka MWEZI, pag magkasama tayo wala kang bukambibig kundi Kiel at yung mga kagrupo niya." Pakialamera.
"Eh ano nga kase gagawin natin sa MOA?"
"Magshoshopping tayo malamang. Gusto mo ba ilibre kita ng merch ng MWEZI mo? Basta samahan mo lang ako." May silbi maman pala pangiistorbo niya.
"Oh sure, sabe mo yan ha? Bye, magaayos lang ako. Sunduin mo na lang ako dito sa bahay." Di ko na siya pinagsalita at binabaan ko na.
Naglalagay ako ng kunting make-up sa mukha ng biglang may kumatok. Hindi ko pa man binubuksan ay pumasok na ito, kumatok pa siya.
"Hoy bilisan mo! Maganda ka na naman na wag ka na mag make-up."
"Yeah, right. Pero mas maganda ka pa din kaya dapat mas maganda ako sayo kahit ngayong araw lang."
"Asa."
Pagkatapos ko magayos ay kinuha ko ang aking cellphone, dadalhin ko 'to kase baka may maglive sa MWEZI di ko pedeng mamissed yon.
Pagkarating namin sa MOA ay namili na nga itong si Zoey, sinamahan ko lang takaga siya wala naman akong bibilhin nagtitipid ako eh di naman ako mayaman unlike Zoey mayaman sila. Well di siya gaanong mayaman pero sapat para mabili niya halos lahat ng gusto niya.
Pagkatapos niya mamili ng mga damit niya, sapatos, pabango etc. hinila niya ko sa bilihan ng mga merch. Pero pinatalikod niya lang muna ako kase surprise daw yung ibibigay niya kaya sinunod ko na lang.
Habang hinihintay si Zoey ay nagtaka ako sa mga taong nagkakagulo parang may artista o ewan, may narinig akong naguusap na isang sikat na P-pop boygroup daw yon kaya napatakbo din ako ng wala sa oras di man lang ako nagabalang magpaalam kay Zoey.
What if MWEZI na 'to, kaya di ko sasayangin tong pagkakataon na 'to. Baka ngayon ko na sila makikita sa dalawang taong fan ako nila.
Naabutan kong may nagtutumpukang maraming tao doon kaya nakisiksik ako papunta sa harap hanggang sa makita ko na kung sino ang pinagkakaguluhan nila at halos maiyak ako ng makumpirmang ang matagal ko ng hinahangaang group nga iyon, MWEZI.
Hindi ako makapaniwalang nakikita ko sila ngayon ng libre, di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ang gwagwapo nila lalo sa personal grabe, ang tatangkad pala talaga nila. Halos mahimatay naman ako sa gulat ng tumingin sa akin si Yeshua at ngumiti, buti na lang talaga nagmake-up ako. Pulang pula na ata ako ngayon, shit.
Tiningnan ko si Kiel, at grabe sobrang gwapo niya lalo. Yung mga mata niya sobrang gaganda nito, ang mga mata niyang yan sana kahit isang beses lang ay mapatingin sa akin. Ang buong mukha niya ay perpekto, hindi ako magsasawang pagmasdan ito. Ang lakas ng tibok ng puso ko nung muntik na siyang tumingin sa akin, I think yung katabi ko yung nginingitian at kinakawayan niya, napakalapit mo na pero bakit ganon di pa din kita maabot, di mo pa din ako pansin.
Pero mapapansin mo din ako ngayon. Sinigaw ko ang pangalan niya ng paulit ulit, kahit na mapaos ako wala akong pake basta mapansin niya ko worth it na worth it yon.
Pero wala talaga hanggang sa makaalis na sila ay hindi man lang ako napansin ni Kiel, kahit isang sulyap lang ay di niya ko nabigyan.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako masaya ngayon na nakita ko na sila lalo na si Kiel. Bakit kase hindi man lang niya ko tiningnan.
Bakit hindi ako katulad ng ibang fans na halos himatayin na sa tuwa at kilig kapag nakita na nila idol nila. Bakit imbes na tuwa yung mararamdaman ko, lungkot tuloy? Ang sakit sakit. Gano'n na ba ako ka OA.
Ano ba naman yan Lyra di ka lang tiningnan eh, 'wag ka magalala mapapansin ka rin niya.
Bumalik ako kung saan ko iniwan si Zoey at buti na lang nandoon pa siya. Habang papalapit ako ay tinitingnan niya ko ng nagtataka.
Tiningnan ako ni Zoey ng may pag aalala sa mukha. "Bat di ka ata masaya? Di mo ba nakita yung MWEZI mo?"
"Nakita ko sila malapitan pa nga eh pero di man lang ako tiningan kahit isang beses ni Kiel. Tiningnan naman ako ni Yeshua nginitian pa nga eh pero parang hindi sapat, yung sulyap talaga ni Kiel gusto ko."
"Ikaw ha nakakahalata na ko, solo stan ka lang ata eh, di mo naman talaga ata mahal yung ibang members, si Kiel lang."
"Hindi ah, mahal ko silang lahat. Di ko lang talaga alam kung ano nangyari saken."
"Hay ewan ko sayo. Yung regalo ko pala sayo, ito oh"
"Omyghad lightstick ng MWEZI? Ano ibig sabihin nito?"
"Yes, ililibre kita ng VIP ticket sa concert ng MWEZI mo." Yinakap ko siya sa sobrang saya.
"Thank you so much, sis! Omg thank you talaga, this is it baka this time pansinin na ko ni Kiel."
"Welcome, sis. Just enjoy it, you deserve it btw."
Kumalas ako sa yakap at pinunasan ang sariling luha. This is the best day of my life, really. Just wait Kiel you will soon to know that I exist. Just wait, love.
BINABASA MO ANG
I Admire The Moon
RomanceThis is the story of Lyra who admire the moon so much as she admire her idol, Kiel. Is there a chance that a famous dancer and singer from a P-pop boygroup MWEZI will fall inlove with her? Or that will be just one of her fantasy?