Margaret POV
"WHAHAHAHA! Uhugin, uhugin. Iyakin, iyakin~. Bleeh~ Bleeh~ Pangangasar ko kay Jacob.
Nakakatawa kasi siya eh. Ang laki laki na iyakin pa din. Uhugin pa. HAHAHA! Kalalaking tao.
"Alam mo, Margaret? Maganda ka sana. Kaso yang ugali mo. Ang sama!" Sabi nito at iniwan akong mag-isa habang tulala sa kinakatayuan ko.
***
10 years later,
"Ahmm. A-angela, nakita mo na ba si Jacob?" Tanong ko sa kasama kong babae na may pag-aalinlangan. Siya si Angela, kababata ko. I mean, namin pala ni Jacob.
Bata pa lang kami lagi ng kami yung magkakasama. Kapatid na nga halos ang turing namin sa isa't isa eh. Kaso, 'di kami masyadong magkasundo ni Jacob.
Masama daw kasi ang ugali ko. Lagi ko siyang inaasar. Pero... Kaya ko lang naman nagagawa yun para magpapansin sa kanya.
Mahal ko si Jacob. Hindi bilang kapatid o kalaro. Kundi bilang isang lalaki. Bilang siya.
"Ahhh... Hindi eh. Bakit mo naman siya hinahanap?"
Muntikan na akong mapatalon sa gulat ng biglang magtanong si Angela. Kita naman kasing nagde-daydream ako dito eh. Tapos bigla siyang e-entrance.
Bastusan lang?
At nakangisi pa talaga siya habang sinasabi niya yun ah. Ano na naman kaya naiisip nitong babae na 'to.
'Tanga. Bastos nakahubad.' sa isip ko naman at gumaganun na talaga pati utak ko ah. Marunong na din mamilosopo. Aba! Matindi.
Isa pa 'to. Di ko alam kung kanino ba talaga 'tong utak na 'to eh. Laging kontra sa'kin.
"W-wala naman. Masama na pala magtanong ngayon. 'Di mo man lang ako na-inform." Sarcastic kong sabi sa kanya with pahampas-hampas effect pa. Para bongga 'di ba?
Oo, alam din naman ni Angela na may gusto ako kay Jacob. Kaso baka isipin na naman niya na patay na patay ako kay Jacob.
'Bakit hindi ba?' Ay! Lintek.
Pwede ba magpa-tanggal ng utak?
Nakakainis kasi eh. Laging nakikisawsaw.'Osige. Para mamatay ka na.' Tsk. Bwiset talaga eh. Kung manahimik na lang kaya siya ng hindi na kami nag-aaway 'di ba?
"Hindi naman. Defensive much. HAHAHA! Alam mo, Margaret. Okay lang yan. Ganyan talaga 'pag nagmamahal." Ano na naman trip nito?
"Wag mo nga ko idamay dyan sa kakornihan mo! Kung ano-ano na naman pinagsasabi mo eh." Sabi ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay. "Tsaka tara na. Punta na tayong ng Canteen. Gutom lang yan eh." Dugtong ko saka hinila yung kamay niya papuntang canteen.
Pero, habang nag-lalakad ako. May naririning kaming bulong-bulungan ni Angela. Parang kami 'ata yung pinag-uusapan.
Alam ko naman kung bakit eh.
*Flashback*
"JACOB!" Sigaw ni Angela sa kanya ng makita namin siyang nakikipag-suntukan sa tatlong mga lalaki.
"Excuse me po." Sabi namin at pilit pa din na nakikisiksik sa madaming tao na nanunuod kina Jacob. Tsaka 'di man lang ba nila naisip na awatin? Tsk! Tsk! Ang dami-dami nila eh. Aish.
Hindi niya kami pinansin ng medyo makalapit na kami. Kaya naman pumagitna na si Angela sa kanila. Pero nakakatakot siya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito at hindi ko nagugustuhan ang nangyayari sa kanya.