6 New Life

531 44 8
                                    

[Mila POV]

Four (4) years later...

"Ate, tubig nga po." Sabi ng isang customer.

"Sandali, kukuha ako."

Abala siya sa pagaasikaso ng mga kumakain sa tinatrabauhan niyang kalenderya. Maliit lang itong pwesto at dahil nasa tapat ng ito ng shopping mall sa bandang likuran, halos lahat ng mga empleyado nandoon ay sa kanila kumakain. Meron din naman ibang kalenderya katabi nila pero hindi naman kumokonti ang kumakain sa kanila.

"Heto ang tubig." Ibinigay niya ang tubig na nakalagay sa plastic na baso.

"Salamat, Ate."

Dalawang taon na siya nagtatrabaho ditto. At ang kalahating taon naman ay ginugol niya sa pagpapagaling. Hindi niya alam anong nangyari ng mga panahon na iyon basta pagmulat ng kanyang mga mata ay nasa isang ospital siya at may dalawang tao na nagpakilala na asawa at anak niya. Naaksidente daw siya sa sinasakyan niyang SUV papauwi.

Nalilito siya sa mga nakikita at naririnig niya dahil wala siyang natatandaan at mismong pangalan at pagkatao niya at hindi niya alam. Pinaliwanag naman ng mabuti ng "asawa" niya kung sino siya at anong totoong nangyari kaya iyon ang pinaniniwalaan niya sa huli. Nagkaroon din siya ng malaking peklat sa kaliwang bahagi ng pisngi hanggang sa tenga.Maraming kumukutya at hindi gusto na makita ang peklat niya kaya nagususot siya ng bandana para itago ito lalo na nagtatrabaho siya sa kalenderya bilang tagaluto.

Siya daw si Mila Magtabog. May asawa siya na si Daniel at may isa silang anak na babae si Clara. Siya lang ang nagtatrabaho sa pamilya dahil ang asawa niya ay baldado at nasa bahay lang. gayunman, responsible itong asawa at ama. Pag nasa bahay lang ito, ito ang naglilinis ng bahay at misan, gumagawa ito ng basahan para may konti din kita. Mabait at kalmadong tao si Daniel. Kapag galing siya sa trabaho, pinaghahanda siya nito ng pagkain at pinapalakas nito ang loob niya pag nakakaramdam ng lungkot.

Ang anak naman nila na si Clara ay masayahing bata. Sampung taong gulang ito at mahilig maglaro kasama ng mga kaibigan nito sa labas. Maayos naman ito sa pagaaral pero minsan nakakatanggap siya ng mga reklamo galing sa mga guro nito na masyadong matapang at nakikipagaway sa mga kaklase. Pero mabait at mapagmahal ang kayang anak. Iyon lang ang importante sa kanya. Mahirap man ang buhay, at least masaya at kompleto sila.

Naabutan na siya ng hapon sa pagtatrabaho. Siya ang nagluluto ng mga pagkain pero para magka-extra income, suma-side line siya bilang serbidora at tagahugas ng pinagkainan. Nakakapagod pero kapag nasa kusina siya at nagluluto, parang gumagaan ang kanyang pakiramdam at parang alam na alam niya ang kanyang ginagawa. Ewan niya kung bakit.

"Heto ang sweldo mo, Mila." Inabutan siya ni Aloing Fernanda ng swledo ngayong araw.

"Salamat po, Aling Fern. Teka, dinagdagan po ninyo ang swledo ko?"

"Oo . Marami-rami ang kumain ngayong araw at ikaw na din ang nagaasikaso ditto. Sana makatulong iyan sa pamilya mo."

"Sobrang malaki po ang tulong nito sa amin. Maraming salamat po!"

"Oh, heto din dalhin mo itong mga pagkain para hindi ka na gagastos para sa hapunan ninyo."

Tinanggap niya ito. May paksiw, sinigang, at gulay. "Siguradong magugustuhan nila to paguwi ko."

"Mabuti naman. Oh siya, umuwi ka na baka hinihintay ka na ng asawa mo."

"Oo nga po. Maraming salamat po ulit, Aling Fern. Aalis na po ako."

Ang saya naman. Hindi lang malaking pera ang mauuwi niya pati na din pagkain para mamaya.


[Mila POV]

Faded Memories (Sequel of Mister Billionaire's Secret Wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon