Third Person
Another day for Marcos family and for their duties. Julianne discard her embarassment feeling after her alcohol behavior. Halos sa pamilya niya ay alam na ang nangyari dahil mismong mga magulang niya ang nagkwento sa mga ito at hindi nila naitago ang pagkagulat. Si Madam Imelda naman ay nagulat man pero natawa rin sa huli. Halos parang nagmana si Julianne kay Sen. Imee pagdating sa pagiging hyper at kalog nito.
Makalipas ang ilang araw ay back to normal na si Julianne sa trabaho at naghahanda para sa darating na birthday ng kanyang ama dahil doon niya planong isagawa ang challenge sa kanya ng pangulo.
No choice siya dahil tumanggi man siya ay sigurado siyan gustong marinig ng ama niya ang kanyang pagkanta.
And speaking of Ace, wala na rin siyang magawa kundi aminin sa sarili na tila nga bumabalik na naman ang damdamin niya para sa binata. Kahit na itanggi niya pa iyon sa harap mismo ni Ace ay hindi na niya mababawi yun dahil dinig ng lahat ng mga nakasaksi sa kanila ni Jelay ang confession na iyon.
Pero hindi niya sigurado kung talagang in-love na naman siya sa binata. Sa tuwing magkikita sila o hindi man sadya ay ramdam niya ang kabog ng dibdib niya.
But she can handle it lalo na at hindi siya pwedeng basta-basta na lang maniwala sa nararamdaman niya.
Mahirap na kung umamin siya sa binata eh baka maulit lang yung dati at masaktan na naman siya.
Tunay kasing first love never dies para sa kanya si Ace...
Pero sa kabila nito ay hindi niya pinababayaan ang duties niya as public official sa loob ng Malacañang. Ayaw niyang sayangin ang opportunity na binigay sa kanya.
At bukod dito, mas nakilala siya ng mga Pilipino hindi lang sa pagiging active sa social media dahil sa pagpo-post ng mga mahahalagang balita sa administrasyon ng kanyang ama at sa mga dance at music covers, kundi rin sa kanyang kakayahan sa pagpapamalas pagdating sa larangan ng sports katulad ng arnis at archery.
Mas hinangaan pa siya ng malaman ng Marcos supporters na dati siyang member ng ROTC cadet class noong nag-aaral pa ito noong college at ginawaran ng award as cadet officer.
Minsan ay isinama siya nina Pres. Bongbong at Cong. Sandro sa grupo ng mga sundalo para sa shooting range practice at nagulat ang mga kasama nila nang magpaputok siya ng iba't ibang klase ng baril.
She has a full of concentration to it at talagang namangha ang kanyang ama at kapatid.
Sa kabila ng kanyang ipinamalas na kakayahan sa larangan ng sports, national security at entertainment, maraming mga kaliwang netizens ang walang sawang ginagawan siya ng issue kahit na hindi totoo para lang pumangit ang imahe niya.
Pero binansagan siya ng kanyang fansclub bilang Unbothered Presidential Daugther
Akala ng iba ay maarte siya dahil sa tuwing makikita siya sa mga formal gatherings ng kanilang pamilya at mga kaibigan na naka-post sa social media ay maganda siyang manamit dahil sa mga dress niyang mala-señorita ang datingan ng itsura.
Di nila alam na galing lang sa ukay-ukay ang mga formal attire na sinusuot niya.
Simple pero nagagawa niyang bongga at maganda ang kanyang sarili dahil gusto niyang maging maganda ang impression sa kanya ng mga tao.
Pero sa mga simpleng araw naman at walang okasyon ay puro tshirt at jogging pants lang ang suot niya sa bahay at kapag lalabas para mamili.
Minsan nga wala pa siyang suklay ng buhok at tanging mga daliri niya ang ginagawa niyang panuklay sa buhok niya.
Ganun siya... Simple but gorgeous, depende sa sitwasyon.
At kung ano ang ilang mga bagay na nakasanayan niya noong nasa ibang pamilya siya ay hindi niya binabago.
BINABASA MO ANG
Daughter in Malacañang: The Descendant Book 2
FanfictionTuluyan nang nakauwi sa piling nina Bongbong at Liza ang kanilang anak na halos dalawampung taong nawalay sa kanila. At sa pagkakataong natagpuan na nila ang pinakamamahal na anak, ibubuhos nila sa kanya ang taos puso nilang pagmamahal bilang mga ma...