Halos ilang minuto na akong nakatulala sa kawalan habang diretsong nakatingin sa ibabaw ng kisame ng aking kwarto na parang tanga. Inaatake na naman ako ng insomnia na kadalasan, umaatake lang kapag may bagay na bumabagabag sa aking isipan, bagay na kahit anong pilit kong iwaksi sa aking isipan ay parang linta na malakas ang kapit sa mga ugat ng utak ko.
Bumangon ako at binuksan ang cabinet kung saan nakalagay ang aking sleeping pills pero pag- check ko, wala nang laman ang isang stab nito. Napabuntong- hininga na lang ako. Inabot ko ang phone na nasa ibabaw ng aking study table. Saktong alas dose ng gabi ang oras na tumambad sa screen pag- open ko.
Nagdesisyon akong lumabas at tumungo sa kusina. Pagbukas ko ng pinto ng aking kwarto ay tahimik na ang kabuuan ng bahay pero nakabukas pa ang ilaw ang kwarto ni Liam. Maaaring nagpupuyat na naman sa ML ang isang ’yon.
Pagbaba ko ng hagdan ay dumiretso ako sa kusina at nagtimpla ng isang basong gatas.
Naubos na pala ang sleeping pills na binili ko noong nakaraang buwan. Hindi ko namalayan dahil halos isang buwan na rin mula nang huli akong atakihin nitong insomnia ko. Bibili na lang siguro ako bukas para may maiinom ako in- case.
Kasalukuyan akong naghahalo ng aking gatas nang biglang tumunog ang aking cellphone at pangalan ni Clever ang nabasa kong nakasulat sa screen.
“Ba’t kaya napatawag nang ganitong oras ang isang ’to?” tanong ko sa sarili bago damputin ang cellphone kong nakapatong sa ibabaw ng mesa.
“Hello?” Sagot ko sa tawag.
The very first thing I heard was the panting sound from the other line.
My brows furrowed.
What is he doing this late at hinihingal siya nang ganito?
“Pinuno, magandang gabi.”
There were series of panting breaths again before he continue.
“I’m sorry for calling you this late. Nagising ba kita?”
“No. Not at all. It’s fine. Ang totoo niyan, hindi ako makatulog kaya nasa kusina ako ngayon para magtimpla ng gatas,” I explained.
“Oh, bakit ka nga pala napatawag? May problema ba?” tanong ko.
I heard some strange noises again from the other line. I can’t exactly tell what was it because it is kind of far from the phone. More like faint noises which I can’t exactly described.
“Oh, okay,” Clever shortly replied.
“Ano bang ganap diyan? Ba’t ka hinihingal? Tsaka ba’t may mga weird sounds ako na naririnig?”
Hindi ko na napigilan ang sarili sa pagtatanong. Eh paano naman kasi nakaka- curious kaya!
“Ah, I’m sorry about that. Nasa gym kasi ako ngayon. Hindi rin ako makatulog kaya naisipan kong magwork- out na lang. Wanna see? Let’s vc,” aya niya.
“Okay lang. No ne—”
Bago ko pa man matapos ang pagsasalita para sana sabihing hindi na kailangan ay bigla na lang namatay ang tawag at muling tumunog ang phone ko para sa panibagong tawag. Sinagot ko na lang dahil hindi niya pa nasasabi sa akin ang dahilan ng kaniyang pagtawag.
“Hi! Nasa gym ako ngayon. Look.”
Inilibot niya ang camera sa kabuuan ang gym para ipakita sa akin na nasa gym nga siya.
Sunod- sunod akong tumango.
“Oo na! Oo na. Naniniwala na ako. Balik tayo sa tanong ko kanina. Ba’t ka napatawag?”
YOU ARE READING
Entangled With You
De TodoCentury of years ago, the war between angels and demons had arisen. In a majestic palace of Heavenly Realm, Cyfrin, the Goddess of Love was entrusted by the Supreme Creator to protect the Kardia Temple where the Red Strings of Fate was located. Duri...