Dear You,
Siguro para maintindihan ng lahat, at para na rin ma replay ko ang mga nangyari sa isip ko, magsimula tayo sa nakaraan.
Nagkakilala tayo sa isang game. Isang school war game na may maraming anime girl lolis na gustong-gusto mo.
Naalala ko may mga alliance sa game na yon at alliance mo ang number 1 sa game city na napasukan ko. So yun, sa kagustuhan kong ma-belong sa mga pinakamalakas, kinontak ko yung leader nila -- ikaw.Naalala ko dinedma mo pa ako kasi ayaw mo ng mga mahihinang players. Eh paano ba naman kakasimula ko lang sa larong yun kaya of course ang liit pa ng power level ko. Pero naks grabe yung ugali mo noon. Yung tipong "I dont talk to 'weak' strangers" ganon. Ang cold mo at di ka friendly sa totoo lang. Haha peace~
di yumao, naging magkaibigan din tayo. Ang ganda pala ng friendship circle mo no? nandon sina Kaito at Eri na magkasintahan at yung isa pang lalake na nakalimutan ko na ang pangalan. Ang saya natin nun, puro lang teasing, attacking, harvesting para makapaglevel up.
Hanggang sa naging tayo.
Masaya naman. From that war game, umabot tayo ng PUBG. Naglalaro tayo with the group. Nakapabilang narin ako sa circle mo kasi nga rin syota mo ato at close din tayong lahat sa group.
Kaso, dun din nagsimula ang mga malilit na problema.
Naging super seloso ka to the point sa seneselosan mo lahat ng tao na close ako -- to the point na pinapili mo ako kung ikaw o yung halos brother ko na sa game. Na slight therapist ko rin tbh. Hindi ako nagdalawang-isip na piliin si Bro kasi hindi ko maintindihan bakit sa lahat ng tao dinamay mo pa siya sa issue mo kahit na wala talaga kaming anything beyond brotherhood. Importante siya sa akin kasi tinuturin kona siyang pamilya ko. At alam ko nasaktan kita ng sinabi kong siya ang pinili ko. Huli na man para sabihin to, pero I'm sorry.
Nagsimula ka ring mag-track kung nasaan ako gamit ang Google account ko na nasa phone mo.
Aaminin ko, natakot ako. Parang lowkey stalking kasi yun para sa akin.Pero pinagpatuloy natin ang tayo. Dahil din siguro secretive akong tao. Kaya napagdesisyonan nong e monitor ako ng ganun.
Mas lumaki ang problema nang pinagbintangan ako ni Eri na nilalandi ko daw si Kaito. Kasi nag-usap kayo at sinabi mo kay Eri kung paano kami nag-aasaran ni Kaito habang naglalaro tayo ng PUBG together,
Dahil sa nangyari, nagkawatak-watak ang 'Happy Tree Friends' -- yung grupo nating lima. Nalaman ko na di naman pala ako tinuring kaibigan ni Eri. Na ahas daw ako. -- ang sakit nun. Masakit kasi alam ko at alam mo at alam ni Kaito na wala kaming ginawang masama, na ni minsan hindi pumasok sa aming dalawa na magcheat. Masakit kasi nawalan ako mabuting kaibigan. At kaagapay ng sakit na naramdaman ko nun ang galit ko para sayo.
Bat ganon? Bat hindi mo sinabi sa akin na mag mga pagdududa ka?
Bat kay Eri pa?Galit na galit ako sa yo.
Ayoko na.
Di ko na matandaan kung gaano tayo katagal o gaanong kaikli, ang alam ko lang, pagkatapos nun, Wala nang 'Tayo'.
BINABASA MO ANG
What's Left Unsaid
Non-FictionThis is just a compilation of my random everydays -- kahit di naman everyday magsusulat haha. Wala naman sigurong magbabasa nito. But incase meron, sisimulan ko bawat entry ng greeting: "Dear You" Bakit Dear You? --- ewan ko din bakit. Wala akong i...