: Eyes
Alunsina's POV
Kriiiiiiiiing...
"That's all, class. Please review for our quiz
tomorrow. Goodbye, class." Sambit Ng aming guro sa asignaturang Ingles."Gosh, what's happening to her?"
"She's weird,"
"Duh! 'di ka pa ba nasanay? She's always weird,"
"Yeah, but she's weirder eh,"
"Maybe nagpa-pasikat lang sya"
"HAHAHA Show-off!"
Rinig kong bulungan nila ngunit nakikinig ko parin.
Kanina pa sumasakit ang kanang mata ko kaya't pilit ko itong hinahawakan upang mabawasan ang sakit pero hindi gumana. Halos mamilipit na ako sa sakit nito. Hindi ko alam kung bakit sumakit ito ng ganito. Nagising ako kaninang umaga na kumikirot ito.
'di kaya, dahil ito sa ininom kong alak kagabi? Kaarawan ko kasi kahapon, labing-walong taon na ako. Mag-isa na lamang ako sa bahay kaya't uminom nalang ako ng alak upang ipagdiwang ito. Pero imposibleng dahil ito sa alak. Ilang beses na akong uminom ng alak ngunit hindi ko pa nararanasan ang ganitong sakit.
Wala akong ina, wala akong ama, wala akong kapatid, wala akong kaibigan, wala akong kamag-anak. Lumaki akong may nag-aalaga saakin. Isang matandang hindi ko kaanu-ano, si lola Suling. Itinuring niya akong tunay na anak niya. Masaya ako kahit sya nalang ang nakakasama ko sa buhay, ngunit bigla din syang kinuha ng panahon. Namatay sya noong labing-apat na taong gulang ako, marahil siguro ay sa edad nya.
Mula noon, natutunan kong mabuhay ng mag-isa, sa kabutihang-palad, nakayanan ko ito.
"Good morning, class." pumasok na ang susunod naming guro sa panibagong asignatura. Matematika.
"Good morning, sir!" Bati pabalik ng mga kaklase ko.
Hindi ko na kaya ang sakit. Habang tumatagal, mas lalo itong sumasakit.
Kinuha ko ang bag ko at tumayo para lumabas.
"Where are you going, Miss Asuncion?" tanong ni sir nang dumaan ako sa harapan nya. Mag-papaalam naman talaga ako.
"Im sorry, Sir, I'm not feeling well. ah-!"daing ko nang kumirot ito lalo. This time, dalawang kamay ko na ang naka-hawak dito.
"What's the problem, miss Asuncion?" Lumapit sya sa akin at sinubukang alisin ang kamay ko'ng nakatakip sa kanang mata ko. Bigla nalang akong tumakbo papunta sa Comfort room.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at itinukod ang dalawa kong kamay sa sink.
Nagulat ako nang makita ang kanan kong mata na umiilaw ng kulay pula at ang paligid nito ay parang may mga mapupulang ugat. Sinubukan kong pumikit-pikit, nagbabakasakaling hindi ito totoo. But it's no use. Its still the same.
Pumatak nalang bigla ang luha ko dahil narin sa takot at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Ngunit nagulat ako ng kaibang likido ang umagos mula sa kanan kong mata. Teka, likido nga ba ito? Hinawakan ko ito ngunit hindi man lang nabasa ang kamay ko. Para syang tanso na likido ngunit mas transparent lng ito at hindi nakakabasa.
Uuwi na ako. Oo, tama, Uuwi na muna ako.
Dumungaw muna ako sa Hallway kung may mga tao, nang makita kong wala, nagmadali akong lumabas at kinuha ang bike ko at nag-pidal pauwi.