Simula

3 0 0
                                    

Isang linggo mula nung magsimula muli ang pasukan. Ilang taon simula ng nagkapandemya ay ngayong taon lang ulit nagkaroon ng skwela ang mga estudyante. Bilang kulehiyo ay paiba iba ang iskedyul ng magkakaibigang sina Leona, Melissa at Asianna. Bakanteng oras nila at napagdesisyonang tumambay muna sa may likuran ng school building upang magpahinga sa kakatapos lang na klase.

"Asi samahan mo na kaming bumili muna ng tubig sa canteen" pag kuha ng atensyon ni Leona kay Melissa na naka upo na sa may parang itlog na umupan na lumulutang.

"Kayo nalang, masakit na ang paa ko sa paglalakad" itinaas ni Melissa ang paa at saka pumikit

"O sige, hintayin mo kami bago ka kumain ah" paalam nila at saka naglakad papuntang canteen

Ang canteen ay makikita sa ika apat na floor ng kanilang paaralan katabi nito ang sa kaliwa ang gym at sa kanan naman ang computer lab. Madali lang ito makita saogkat ito lang naman ang parte na tila wala halos pader at puro salamin ang nakapalibot dito.

Nang makabili ng maiinom at agad ding bumaba ang dalawa upang balikan ang naiwan nilang kaibigan, sila ay pababa na ng marinig nila ang takbuhan paputang likod ng school building, kung saan sila galing kanina. Ano ang nangyayari? Tumingin sila sa isat isa at sabay na tumakbo pababa ng hagdan

Pagbaba ay nakita nila ang kumpulan ng mga tao at sari sari ang binubulong

"Sino ang may gawa niyan"
"oh my god "
"Ipatawag niyo si dean"
"Tumawag kayo ng ambulansiya"
"What the hell happened"

Pilit na sumisiksik ang dalawa sa pagitan ng mga tao at dahil madaming tao at hindi masyadong maluwag ang hallway papunta rito ay nahirap ang dalawa.  Nang makalapit ay nabitawan ng dalawa ang hawak nilang inumin.

Tumambal sakanila ang kanilang kaibigan.  Nakabitin sa kinauupuan niya lang kanina. Imbes na ang mala itlog na upuaan ang nakabitin ay naging kaniyang ulo, ang mga mata niya na nakadilat at parehong deretso ang tingin sa mga mata ng tao na tila ba buhay pa ito at nagmamakaawa.
Ang kanyang wala ng dugong dila ay nasa lapag lang tila ito ang unang ginawa upang hindi siya makasigaw. Ang dalawang kamay ay wala na at gamit ang sariling dugo mula sa ulo ay nakasulat ang salitang "Una"

Nagsisimula nanaman siya

________________________________

This story is only base on the autho's product of imagination and a fiction. Any resemblance to real people, living or dead, and actual event are purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNKNOWNWhere stories live. Discover now