Maghahapon na ng makauwi ako sa bahay at nadatnan ko si Danica na nagdidilig ng halaman sa Garden.Gusto ko siyang lapitan at kausapin para balaan sana siya kaso hindi ko alam kong paano.Hindi pa niya ako napapansin at pinanonood ko na lang siya.
"Krystel bakit?"
Finally at napansin niya rin ako.
"Ah a-ano ,ah wala tapusin mo na yan at magluluto lang ako"
Siguro wag ko munang sabihin sa kanya yong nakita ko hangga't hindi ko pa alam yong totoong dahilan kong bakit naghalikan yong dalawa.I trust Zowin,at alam kong hindi siya makikipaghalikan nalang ng basta basta kasi mahal na mahal niya si Danica.
Papasok na sana ako ng magsalita ulit si Danica.
"Nagiwan ng sobre ang ate mo,nakita ko lang sa Gate paguwi ko kaya dinala ko nalang sa kwarto natin.Tingnan mo na lang doon"
Pumunta na naman dito si ate ? Kahit alam ko kong ano ang laman ng sobreng iyon dali dali parin ako tumakbo papunta sa kwarto ko para tingnan ang sobreng iyon.
Hindi nga ako nagkamali.Hindi na siya nagsawa sa kakabigay ng pera sa akin kahit alam niyang hindi ko din naman gagamitin.Kahit papaano,iniisip niya din pala ako.
Binuksan ko yong drawer ko at inilagay doon yong sobre.Marami na din palang naipon na sobre dito.Kahit hindi na ako magtrabaho makakapagaral na ako hanggang sa makapagtapos ako kong gagamitin ko ito.Pero kong maaari ayoko sanang gamitin ang pera galing sa kanya.Gusto kong paghirapan ang perang gagamitin ko.
Nahiga muna ako sa kama at nagpahinga.Umidlip muna ako kasi pakiramdam ko sobrang pagod na ako kahit wala namang masyadong ginawa.
Aarrggghhh ! Nagising ako dahil may yumoyugyog sa akin.Dahan dahan kong minulat yong mga mata ko.
"Kain na,ako na yong nagluto kasi nakatulog ka naman" Danica
Time check :
8:00 PM
Halos tatlong oras din pala akong natulog.
"Naku sorry ikaw na naman yong nagluto" Ako
"Ano ba okay lang,mukhang pagod ka nga.Tsaka isa pa gusto ko din namang ipagluto si Zowin"
"Andito si Zowin?"
"Kanina,kakaalis lang"
Bigla ata akong nainis ng marinig ko ang pangalan ni Zowin.AH basta,hindi parin kasi ako makaget over sa halikan nila kanina.kating kati na nga itong bunganga ko na sabihin kay Danica yong halikan nila pero pinipigilan ko lang.Tatanungun ko muna si Zowin kong bakit niya hinalikan yong malanding Hancel na yon.
"Baba na at kakain na tayo"
Aalis na sana si Danica pero tinawag ko muli siya nang nasa tapat na siya ng pinto.
Sasabihin ko na ba sa kanya? Konsensya ko pa kong lokohin siya ni Zowin.
"Hmm?" Danica
"Ah ano kasi"
Ano na? Bakit hindi ko masabi? Krystel sabihin mo na kasi para wala ka nang iisipin.
"Ano?"
"Ah ikaw nalang ang kakain,pagod kasi ako at gusto ko nang matulog"
Tumango na lang siya.Napatitig nalang ako sa kisame.Bukas na bukas tatanungin ko na talaga si Zowin.May Gig naman siguro sila bukas sa Coffee shop kaya magkikita rin kami.
BINABASA MO ANG
You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)
Teen FictionIsang Ordinaryong pagmamahalan ang meron sila.Gaya ng ibang love story ang istorya ng pag-iibigan nila.Maraming susubok sa kanilang samahan.Sa lahat ng pagsubok nila,iisa lang ang itinatak nila sa kanilang isipan.Understanding,naniniwala sila na kap...