Ang Author 9: unfair si Adviser

2.3K 157 4
                                    

Ang nakita at naramdaman niyang emosyon ay agad niyang idinagdag sa kwentong tila talaarawan. Nakagawa siya ng tatlong parts naglalaman ng mga naganap sa buong maghapon maging sa pagsapit ng gabi.

Inedit niya ang pictures bago inilagay sa ipa publish na chapter. Nang masigurong di na masyadong makikila ang mukha ng mga kapitbahay niya ay pinablis na niya ang mga ito.

Nakangiti niyang itinapat sa dibdib ang cellphone at umusal ng piping panalangin.

Alumpihit man at natutuksong tignan kung may nagbasa na ay pinigilan niya ang sarili. Mayroon siyang dalawang dahilan.

Una, kung wala pang nagbabasa ay masasaktan siya. Hindi siya makakatulog dahil sa pagdaramdam.

Ikalawa, kung may nagbasa naman ay matutuwa siya. Hindi din siya makakatulog dahil mag iisip pa siya kung paano naman ang gagawin niyang pagsasalaysay sa magiging karanasan kinabukasan.

Kaya naman nagpatugtog na lamang siya ng soft music para pampaantok.

Nagtagumpay naman ang dalagita dahil ilang sandali pa at mahina na itong naghihilik.

Kinabukasan pagkagising ay hindi pa rin muna niya tinignan kung ano na ang nangyari sa kwentong ginawa niya. Bukod sa dalawang dahilan gaya kagabi ay talagang kinakabahan kasi siya. Mas matindi pa ang kabang nararamdaman niya sa resulta ng reads ng story niya sa Wattpad kesa sa resulta ng mga periodical test niya.

Nagawa na niya ang lahat ng dapat gawin. Nakahanda na siya para umalis nang magpasyang pumasok sa loob ng banyo at tignan kung ano na ang lagay ng kwento niya.

Matapos i turn on ang wifi at puntahan ang letter W sa screen ng kanyang cellphone ay ipinikit pa niya ang mga mata. At saka dahan dahang idinidilat.

Dilat na dilat ang mga mata niya at napanganga pa sa nakita!

"Yes! Yes!", bigla niyang sigaw.

May nagbasa at bumoto pa sa gawa niya! Nagmamadali niyang tinignan ang kanyang kwento. Masayang masaya siya sa nakita. Higit na marami ang nagbasang wala sa notification niya. Mga silent reader.

Masiglang masigla ang pakiramdan niya.

"May nagbasa ng gawa ko! May nakapansin! Ganito pala ang pakiramdam na may ibang mga tao na nakaka appreciate ng gawa mo! Ganito pala ang feeling! Wow! Super saya! Parang ang galing galing ko na!", tuwang tuwa niyang sabi.

Tok! Tok!

Katok sa pintuan ng kanilang comfort room ang nakapagpahinto sa pagse celebrate niya.

"Wilma anak! Anong nangyayari sayo diyan?!", sumisigaw na tanong ng kanyang nanay habang kinakatok ang pintuan.

"Wala naman, inay! May pinapraktis lang akong dialogue sa elective namin!", pagsisinungaling niya.

Pagkatapos ipamulsa ang cellphone ay agad na niyang binuksan ang pintuan at lumabas.

Masiglang masigla ang kanyang pagkilos nang lumabas ng bahay. Napansin agad siya ni Nica. Nakaupo ito sa mahabang bangko na nasa gilid ng dingding sa may labas ng pintuan at naghihintay sa kanya.

Hindi muna kumibo si Nica. Nag antay pa ito na makalayo sa bahay ng kaibigan bago nagtanong.

"Magtapat ka nga sa akin, bakla ka. May ka M.U. ka na ano?", tanong nito. Lumingon pa ito at sinuguro na wala silang kasunod na nakarinig.

"Ano?! Puro ka naman kalokohan eh. M.U..., M.U. ka diyan!", nag gagalit galitang sagot ni Wilma.

"Asus...,sus..,sus..., showbiz ang bakla. Deny pa more, neng!", pabaklang sabi ni Nica.

"Alam mo, bakla? T.H. (tamang hinala) ka! Hindi ba pwedeng masarap lang ang tulog at maganda ang gising kaya nakangiti? O kaya ay masarap ang ulam namin at may dagdag akong baon?", natatawang sabi ni Wilma sa kaibigang nagkibit balikat na.

"Kunsabagay may point ka diyan. O Zhazha Padilla di na kita ia ask why at baka maiRita Avila ka pa ngayong Umagang kay Ganda!", sagot nito at ikinawit na ang kamay sa braso ng kaibigan at nakingiti na rin na naglakad.

Lihim na nagpasalamat si Wilma dahil hindi na nangulit pa ang kaibigan. Baka kung hindi ito tumigil sa kauurirat ay maipagtapat na niya ang tungkol sa Wattpad story na ginawa niya.

Hindi pa niya dapat sabihin ang tungkol sa ginagawa niya. Saka na lamang kapag talagang mahusay na siya at marami na ang tagasubaybay.

Nakarating ang dalawa sa eskwelahan. At gaya ng iba pang mga nadatnang mga kaeskwela ay nakisali rin ang boses ng dalawa sa mga nagkukwentuhan sa loob at labas ng room.

Nakitayo si Wilma at Nica sa corridor. Gusto kasi ni Wilma makakita ng magandang pangyayari para sa susunod na update niya.

Bahagyang siniko ni Nica ang kaibigan nang matanaw na paparating ang kaeskwelang si Lyra at ang dalawa nitong alalay.

"Bakla! Paparating na si Panday , ang alalay ng Panday at ang alalay ng alalay ng Panday!", pagbibigay impormasyon ni Nica. Pasimple nitong inginuso ang mga paparating.

"Hayaan mo sila. Huwag mo na tignan at baka akalain eh tagahanga ka pa nila.", kantyaw ni Wilma.

"Haler...! Tagahanga my face!", paarteng sagot ni Nica.

Natawa naman si Wilma sa ginawang pagpapaikot ng mga itim sa mga mata ng kaibigan. Hindi nito pinapansin ang ginagawa niyang pagsusulat. Maliliit ang mga letra at abbreviation pa ang nakasulat sa scratch notebook niya. Sinadya niya ang ganun upang kung may makakita man ay hindi mababasa, mabasa man ay hindi maiintindihan.

Palibhasa ay palagi naman siyang sulat ng sulat kung kaya balewala na kay Nica ang makita siya sa ginagawa. Abala ito sa pang ookray sa mga nakikitang kapwa estudyante.

Saglit pa at dumating na ang kanilang adviser na siya rin nilang guro sa first subject kaya nagpasukan na silang lahat sa room.

Naging aktibo at tila nagpapaimpres na bumawi si Lyra sa recitation.
Palibhasa ay paborito ng adviser, puring puri ng guro ang karibal ng dalagita. Hindi nagpahalata si Wilma. Nagtataas pa rin ng kamay sa mga tanong ng guro kahit puro si Lyra lang at ang ibang estudyante ang tinatawag.


Misteryo sa WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon