Naniniwala ka ba sa mga hula na mangyayari sa oras na magpantay ang iyong paa? Mapupunta daw sa langit o impyerno, di kaya'y sa purgatoryo. Mayroon din ang reinkarnasyon na kung saan Ikaw ay lilipat sa ibang katawan at magkaroon ng bagong buhay.
Nakakakilabot ngunit paano kung Ikaw ay isang reinkarnasyon lamang? Anong nangyari sa nakaraan mong buhay? Sino ang nakasama mo sa mga panahong iyon?
+++
Naglalakad ako sa pasilyo nang may humawak sa aking kamay. Isang kakaibang lalaki na nakabalot sa itim na kaputsa.
Hinila nya ako palabas sa isang pinto.
Tila mahika ang bigla nyang paglitaw mula sa isang lagusan.
Pumikit lang ako saglit ay nawala sya sa aking paningin. Tila pamilyar ang pangyayaring ito.
Sa harap ng simbahan, pagdaan ng kalesa-
Teka... Kalesa?
Nasaan ako?
Habang naninibago ay may nakita akong magkasintahan. Sa harap ng parke at kumakain ng sorbetes.
May ibibigay sanang kahon ang lalaki ngunit ito'y nabaril.
Wala akong ibang makita kung hindi ang naghihingalong lalaki.
"Hanggang sa muli, E-correi."
+++
Kasabay ng huli nyang hininga ay ang aking biglaang pagbangon. Sino iyon?
Ako'y hindi na makatulog ng maayos dahil sa araw-araw na panaginip. Araw-araw, Iba't ibang tao, Iba't ibang panahon at Iba't ibang bangungot.
Kay hirap ilista sa tubig.
Masaya ang pagsasama ng bawat magkasintahan ngunit kailanman ay hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na mangako at magtapat sa harap ng altar, magkaroon ng pamilya at magkaroon ng mahabang buhay.
Ngunit paano kung totoo ang nabanggit ng matanda kahapon?
"May mga tao na binigyan pa ng pagkakataong mabuhay para magawa ang mga bagay na hindi pa nila naranasan. Itutuloy nila ito sa ibang buhay, ibang panahon, ibang mukha. Iyon ang sarkosi."
"At isa ako sa mga taong iyon."
"Kilalanin nyo ang inyong sarili. Baka isa ka rin sa mga kagaya ko."
"Ngunit ang pagiging sarkosi ay isa biyaya na may lakip na sumpa sa kadahilanang hindi mo maaalala ang mga pangyayari sa nakaraang buhay mo."
"Mapalad ang iba dahil may iilang ala-ala pa sila na nababatid sa pamamagitan ng panaginip."
"Ang lalaking kapiling nyo sa nakaraang buhay ay maaaring makita nyo ulit ngunit ang tsansa na kayo'y itinadhana ay mababa."
Pilit ko mang itanggi na ito'y paniniwala lamang o kwentong bayan, Wala na akong makitang ibang dahilan o ibang rason sa mga nangyayari sa akin.
Pero kahit anong pruweba pa ang ihain sa akin, hindi ako maniniwala.
May katipan na ako. Higit pa sya sa sapat. Kaya kung sino man ang ginoo sa aking panaginip ay hindi ko sya hahanapin. Sapat na sa akin ang aking nobyo.
"Ybrahim." Tawag ko sa kanya.
"Magandang hapon, Mahal ko." Malambing na sabi ng aking kasintahan. Hinawakan nya ang aking kamay at hinalikan ito.
"Ano't napakaaga mong umuwi?" Pagtataka ko. Kadalasan ay pasado alas-sinco pa ito
nakakauwi."Nais ko lang ayain ang aking kasintahan. May nais akong puntahan kasama sya. Maaari ba iyon, Binibini?" Sagot nya sa akin.
YOU ARE READING
Sarkosi
FanfictionSaksi ng Nakaraan. Dalawang nag-iibigan. Sino sila? Bakit Pamilyar? Paano kung Ikaw ay reinkarnasyon lamang? At may isang taong nakatadhana sayo? Hahanapin mo ba? O ika'y makokontento?