Drop 3: Luna

1K 22 0
                                    

Hermes' Thirst

Itinago ko ang kopita ng dugo ni Luna at ang singsing..

Iyon na lamang ang natitirang alaala sa akin ng pinakamamahal ko.

Napapikit ako ng mariin upang pigilin ang mga luhang nagbabadyang lumabas... hindi ko alam kung bakit nya ito ginawa sa mag-ina ko... hindi man nya ako binigyan ng pagkakataong ipagluksa ang kamatayan ng mag-ina ko kapiling ang katawan ng mga ito...

Hindi ko rin matanggap na ang mismong matalik kong kaibigan ang gumawa nito sa kanila...


Ang mismong sumira sa pamilya ko...

Hindi ko sya mapapatawad... hinding hindi !

Dinampot ko ang vase at ibinato yon kung saan...


Maya-maya pa ay puno na ng kalat ang buong silid...


Dumudugo rin ang aking mga kamay

Wala akong paki-alam!


"H-hermes... a-asaan si Luna? T-totoo ba? Totoo bang... wala na siya?" Nagpipigil ng luha si Hope habang tinatanong iyon..

Magkaibigang matalik sila ni Luna..

Sabay sila nitong lumaki...

Napansin kong naroon din si Erika at Cielo Marie na bakas ang pagkasawi...sa kalungkutan...

Tumango lamang ako.

Kasabay niyon ang tila pagguho ng aking mundo...


Nagtuluy-tuloy ang agos ng mga luha...


Nadinig ko ang hesterikang pagiyak ni Hope...

Maging ang mahihinang hikbi ng dalawa.


"Paanong? Bakit ? Anong nangyari?! Anong nangyari Hermes?! Bakit nagkaganito? Bakit?!" Halos hindi malaan ni Hope kung ano ang itatanong.

Alam ko...

Hindi matatanggap nito ang katotohanan...

Hindi ko dapat ipaalam na siya ang pumatay sa mag-ina ko... hindi ko maaaring mabigyan sila ng hinala sa mga plano ko.


"Nang magtungo tayo sa bulwagan sa Hilaga.... may...may nakapasok ba masama at makapangyarihang bampira... at... at ... pinatay nya... pinatay niya si Luna... wala akong nagawa... hindi ko naprotektahan ang mahal ko...hindi ko nagawang protektahan ang pamilya ko... " then... I lost it..


I cried infront of these girls.


Damn it! Sobrang saket.. halos mamatay na ako sa sakit... pero... kailangan kong magpatuloy...

Para maipaghiganti ko ang magina ko.

Luna's Thirst

Habang naririnig ko ang bawat daing at paghihinagpis ng lahat ng malalalpit sa akin...lalo na ang sa pinakamamahal ko...

Hindi ko mapigilang lumuha...

Hindi ko alam kung bakit kailangan kong magtago...

Hindi ko alam...kung bakit kailangan kong sundin ang kagustuhan ni Seth...

Sucker's Love 4: Revenge Thy Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon