Grocery.
"I am not the same girl you used to know," giit ko. "I am not the same girl that you loved!"
Tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha ko pero bumibilib ako sa aking sarili dahil buo pa rin ang boses ko kahit na sa loob-loob ko...durog ako. Hindi ko alam kung ilang beses ko na bang binaba ang sarili ko ngayong araw pero pakiramdam ko sobrang baba ko ngayon.
"I still love you, and I don't think that I will stop loving you," wala sa sariling sagot niya.
Pero si Carlo, pilit niya akong itinataas. Pilit niyang inaangat ang pagkatao ko.
"Carlo!" Naiiyak kong saway.
"I will court you if you want me to prove you that I love you—"
"That's not what I want!"
"What do you want, then? You want me to leave you?" Mariin niyang tanong bago umiling. "I won't. Dito lang ako sa inyo ni Rouge. Dito lang ako sa inyong dalawa ng anak ko."
"Oh my gosh, Carlo!" Sobrang frustrated na ako sa mga sinasabi niya ngayon.
Hindi niya ba ako naiintindihan?
"We should rest now. Lalabas pa tayo bukas," malamig niyang sabi bago tumayo at halikan ang aking noo.
Nahilot ko ang sentido ko nang lumabas siya ng kwarto. Tinabunan ko ang katawan ko ng comforter bago inayos ang buhok ni Rouge. Ilang minuto akong tumulala sa ceiling bago ako dalawin ng antok.
Tagaktak ang pawis ko habang pilit na tinatanggal ang mahigpit na tali ng lubid sa aking kamay. Kita ko ang pamumula ng aking pulso pero wala akong pakialam doon. Gusto ko lang makaalis.
"Carlo!" Malakas na sigaw ko sa pag-asang darating siya sa harap ko.
"Rei..."
Mabilis na tumulo ang luha ko nang marinig ko ang boses niya. Sunod kong naramdaman ang marahang pagtapik sa aking balikat kaya napabangon ako at mahinang napatili.
Mahigpit kong kinapitan ang comforter bago mariing niyakap ang aking tuhod. Tulala ako nang ilang minuto bago ko naramdaman ang pagpatak ng luha ko.
"I'm so sorry," I heard Carlo whispered.
Mariin akong pumikit. This sucks! Hindi naman na ako masyadong nananaginip nang gano'n pero kapag nanaginip ako, nahihirapan akong matulog ulit. And I will breakdown... And will try to harm myself again.
Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa harap ko, tanda na may naupo. Pilit kong kinakalma ang sarili ko habang nakatingin kay Rouge na tulog na tulog sa gilid ko. Damn!
Hinawakan ni Carlo ang kamay ko kaya binalingan ko siya. Marahan niyang hinaplos ang kamay ko habang malungkot na nakatingin sa akin.
"Reisha, do you want to visit a doctor?" Marahan niyang tanong.
Pumatak ang luha ko sa tanong ko bago marahang tumango. Mahina siyang nagpakawala ng buntong-hiningang bago ako hinatak palapit sa kaniya. Mahigpit niya akong niyakap matapos no'n na para bang ayaw niyang makawala ako sa kaniya.
"Is it okay that I am here inside your house or are you uncomfortable?" Tanong niya.
"I-it's fine," mahinang sagot ko.
Ang ayaw ko lang talaga sa kaniya ngayon, ay ang pagtatalo namin tungkol sa kay Rouge.
"If only I could take away your pain..." He whispered. "I am very willing to suffer than see you hurting like this."
Hinaplos niya ang buhok ko habang nakasubsob ako sa kaniyang dibdib. Marahan niya akong inangat saka ako pinaupo sa kaniyang hita bago muling binalik sa gano'n ang pwesto namin.
BINABASA MO ANG
Why Do You Love Me (Pontevedra Series #2)
RomanceFate. What is fate? According to my research, it is to be destined to happen, turn out, or act in a particular way. Iyon na ang dapat na mangyari e-nangyari na e. May magagawa pa ba? It is what it is kaya tatanggapin na lang? Para bang kahit anong...