Isaiah
“Schau, Don Dimitri. Ich und Ihr Sohn haben keine Affäre, wir haben keine Beziehung. das ist nicht das, was du denkst.”
*look, Don Dimitri. me and your son have no affair, we don't have a relationship. that is not what you think.*
Giit kong sabi sa kaniya. natawa siya sa sinabi ko.
“Beruhige dich, ich sage nichts über dich und meinen Sohn. Ich wollte Sie fragen, ob Sie eine Affäre mit meinem Sohn haben.”
*calm down, I don't say anything about you and my son. i wanted to ask you a question if you have an affair with my son.*
Sabi niya sa akin.
“Ich möchte, dass er eine glückliche Familie aufbaut. Ich möchte sehen, wie er ein sehr schönes Mädchen heiratet, eine Frau und nicht das gleiche Geschlecht.”
*I want to see him build a happy family. I want to see him marry a very beautiful maiden girl, a woman and not his same sex.*
Naintindihan ko ang sinabi niyang iyon dahil ni re-record ni google voice recorder ang boses ni Don Dimitri at tinatranslate iyon sa English.
Nasaktan ako sa nalaman ko.
Parang ang baba ng tingin ni Don Dimitri sa akin. parang pinapamukha niya sakin na walang magkakagusto sakin na Isang lalaki dahil Isa akong bakla.
“Ich verstehe, was Sie sagen, Don Dimitri.”
*i understand what your saying, Don Dimitri.*
Sabi ko sa kaniya, I looked at him na kalmado lang pero sa likod ng mukhang ito ay ang pagkasampal niya sa akin ng katotohanan na babae ang gusto niya para kay Sir Timothy.
Wala akong nararamdaman sa anak niya, ang sa akin lang kung bakit ako nasasaktan sa sinabi niyang iyon kanina ay dahil pinapamukha niya sa akin na walang magkakagusto sa akin na kagaya ng anak niya dahil Isa lang akong hamak na bakla na galing sa mahirap na angkan at bansa.
“Entschuldigen Sie mich kurz, Don Dimitri.”
*excuse me for a while, Don Dimitri.*
Sabi ko sa kaniya. tumango ito sa akin.
Tumalikod na ako sa kaniya at saka lumabas ng kwarto niya at dali-dali akong pumasok sa loob ng kwarto at pagpasok ko doon ay bigla kong sinarado ang pintuan ng kwarto ko at umiyak ng umiyak habang nakasandal ako sa likod ng pintuan.
Hindi ko alam kung bakit, sobrang sakit kase na parang hinamak nila ang pagkatao ko. at para akong prostitute dito dahil binigay ko ang sarili ko sa lalaking iyon para lang hindi niya ako saktan at Gawin sa akin ang ginawa niya kay Ella.
Napaupo ako sa sahig at napatakip ng dalawang kamay ko ang mukha ko at humagulhol ako sa pag iyak. nag sama-sama ang sakit at pangungulila ko sa pamilya ko na malayo sa akin. palagay ko ay hindi ko na kakayanin pa nandito ako.
Pero paano ang kagustuhan ko na mabigyan sila ng magandang buhay lalo na ang dalawang kapatid ko na umaasa sa akin? ngayon pa ba ako susuko? nandidito na rin ako at lumalaban ng mag Isa sa Buhay.
pero paano ko kakayanin lahat ng ito? kung ang inaalagaan ko ay pilit niya akong pinakikisamahan pero ang totoo ayaw niya sa akin dahil bakla ako. ang anak naman niya ay Isang serial killer at rapist din.
Wala na ba akong magiging kakampi rito?
Matapos ko umiyak ay pinunasan ko ang mga luha sa mga mata at pisngi ko. tumayo ako at saka naglakad papunta sa CR at naghilamos ng mukha ko.
BINABASA MO ANG
THE MISTRESS (Transgender) (Revenge)
RomanceGraduate ng Caregiver si Isaiah sa Isang kilalang training center, hindi na niya natapos ang kaniyang pag ko-kolehiyo dahil gusto na niyang tumulong sa kaniyang Ina na single parent. may dalawa siyang kapatid na nakakabatang babae. kinuha siyang ca...