***
Subrang lakas ng ulan at nagugutom na ako, tapos pag bukas ko pa ng mini ref ko dito sa condo walang laman, nakakainis, nakalimutan ko pa lang mamalengke kahapon, wala na ring kanin dito sa kaldero ko, haysttt.
Kaya no choice ako kundi pumunta sa mini store sa katapat ng condo ko. Hindi naman kalayuan pero malakas talaga ang ulan kaya nakakatamad bumaba, dala-dala ko ang wallet at payong ko, nagsuot na rin ako ng jacket dahil subrang lamig.
Pagpasok ko sa mini store ay basang-basa na ako kahit may payong naman, wala ding masiyadong tao dahil gabi na nga tapos malakas pa ang ulan.
Naghanap ako ng pwede kong kainin at lutuin ng mabilisan, bakit kase kinalimutan ko pang bumili kahapon eh. Kumakalam na talaga ang sikmura ko kaya minadali ko na ang paghahanap, lahat ng pagkain na madaanan ko ay kinuha ko na.
Matapos mapuno ang cart ay mabilis akong pumunta sa cashier, pero walang tao doon, sumasakit na talaga ang ulo at tiyan ko sa gutom.
"Tao po!" Sigaw ko pero wala atang tao. "Tao po!" Sigaw kong muli, nakakainis bakit ngayon pa walang cashier dito kung kailan gutom na ako?
"Sorry miss, akala ko wala ng tao eh," tarantang pumasok sa counter 'yong lalaki.
"Pakibilisan po, nagugutom na ako," reklamo ko.
"Bakit hindi ka kase kumain?" Aba't nanghihimasok pa nga siya sa buhay ko.
"Ano bang pakialam mo?" Inirapan ko siya pero tinawanan niya lang ako, pansin kong dahan-dahan niyang pina-punch ang mga binili ko kaya nakakaasar tumingin. "Can you please be faster? I'm starving." Nagpapadiyak-padiyak pa ako dito dahil sa inis, napahawak ako sa ulo ko dahil masakit na talaga siya.
"843 po lahat," nilalagay niya na ngayon 'yon sa paper bag, kinuha ko naman ang pera sa wallet ko at binigay sa kaniya ang 1,000 pesos.
Binigay niya naman sa'kin ang resibo at ang barya ko, mabilis ko 'yong kinuha at tatakbo na sana palabas, kaso kulang ng piso ang barya.
"Kulang ang barya ko ng piso, dapat 157, 156 lang binigay mo." Pinakita ko pa sa kaniya ang pera at resibo.
"Ang piso? Sorry, para piso lang," bulong niya pa na akala niya ay hindi ko narinig.
"Excuse me? Mahalaga ang piso, kung walang piso di mabubuo ang isang libo," pagmamatigas ko.
"Here," inabot niya sa'kin pero iniwas niya at nilagay sa tenga niya. "Kunin mo sa'kin kapag nagkita tayo ulit, sabi mo kase mahalaga sa'yo, kaya ang mahalaga pinapahalagahan at hindi pinababayaan." Kumindat pa siya sa'kin bago pumasok sa staff room, gusto ko sana siyang habulin kaso may nakalagay na 'for staff only'.
"Aghhhhhh." Sigaw ko at inis na lumabas ng mini store, kung hindi lang ako nagugutom baka mapatay ko pa siya.
Biruin niyo na lahat 'wag lang ang babaeng gutom.
Mabilis akong pumasok ng condo at nagluto ng noddles dahil 'yon ang lang madaling lutuin. Habang hinihintay 'yon maluto ay binuksan ko ang tv ko para manuod ng Netflix.
Palipat-lipat ng chanel ang ginagawa ko dahil walang magandang movie, nakakainis, puro na lang love story, ano bang magagawa niyan sa buhay ng tao? Lalong lalo na sa mga istudyante? Istorbo lang nga 'yan sa pag-aaral eh, hindi nakakapag focus dahil sa love na 'yan.
Kaya kahit madaming nanliligaw sa akin ay ponapatigil ko dahil ayaw kong mahulog sa kanila, kailangan kong maka-graduate dahil gusto ko pa maging Architect balang araw.
Arch. Chasty Valdez, ang ganda pakinggan kapag 'yan na ang tawag sa akin ng mga tao, tapos pupurihin nila ang mga gawa ko kase magaganda.
Nang maluto ko na ang noddles ay akala ko makakakain na ako ng maayos, hindi pa pala dahil tumawag si Mommy.
["Chasty, how are you?"]
"Mom, I'm fine, how about you and Daddy?"
["Tulog na ang Daddy mo sa subrang pagod, ikaw? Bakit hindi kapa natutuloy?"]
"I'm studying, I need to review my lesson, we have an exam tomorrow," paliwanag ko.
["Ow, I'm sorry to disturb you, sige na, I hang up."] Mabilis niyang pinatay ang tawag at napairap naman ako.
Plastic.
I'm not stupid, alam kong nagpapanggap lang siya na concern sa akin kahit wala naman talaga, nakakainis lang isipin na pinaplastic ako ng sarili kong pamilya.
Kumain na ako ng noddles dahil gutom na gutom na talaga ako, kasama noon ang burger at sa wakas nawala rin ang sakit ng tiyan at ulo ko.
Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil kailangan kong pumasok, I'm third year college, Architecture ang kinuha kong course, kahit na galit ako sa pamilya ko ay sila pa rin ang nagpapaaral sa akin, binibigyan nila ako ng allowance kada buwan, yung condo ko ay binili na din ni Daddy para sa akin, nagpakalayo layo na ako sa kanila dahil ayaw ko na silang makasama sa bahay, baka kahit doon ako nakatira ay mas gugustuhin kong lagi na lang nasa bar at umiinom mag-isa.
"Cafeteria tayo Chas?" Yaya ni Pria.
"Kayo na lang muna, marami pa akong kailangang tapusin," sabi ko ng hindi tumingin sa kanila, ang dami ko pang kailangang asikasuhin bago kumain kahit gustong-gusto ko ng kumain huhunesss.
"Mamaya na 'yan, makapaghihintay naman 'yan eh, ang tiyan mo hindi," napatingin naman ako sa kaniya. Tama kailangan ko munang kumain.
Tumayo na ako sa upuan ko at kinuha ang cellphone at wallet ko bago sumama sa kanila. Kailangan ko munang kumain kase kung hindi baka wala rin akong maisip kapag gutom ako, mamaya pa naman 'yong exam namin kaya kailangan munang may laman ang tiyan ko para kahit papaano ay may masagot ako sa exam.
"Ang dami namang tao," reklamo ko, bakit kase ang daming tao ngayon? Gusto ko ng umalis dahil hindi ko na kaya ang amoy kaso nagugutom na talaga ako.
"Excuse me?" Pinapatabi ko pa yung iba para lang makadaan ako, naiwan na ako ni Pria dahil sa subrang crowded ng cafeteria. "Hey!!" Sigaw ko sa lalaking sumingit ng pila.
"Bakit, may angal ka?" Inis akong tumingin sa kaniya habang nakatakip ang ilong. Ang baho ng hininga, ang itim-itim na nga hindi pa marunong mag toothbrush.
Inirapan ko na lang siya at nagpagdesisyonan na lumabas na kang kisa makipagsiksikan dito, nakakadiri, halo-halo na ang amoy.
Tumalikod na ako para lumabas, kaso sa kasamaang palad ay na natisod ang paa ko kaya na out balance ako.
Napasigaw ako at hindi alam ang gagawin, hinintay ko na lang na tumama sa sahig ang likuran ko dahil huli na ang lahat, pero hindi ko yun naramdaman dahil isang braso ang sumalo sa'kin.
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko, isang piso sa tenga ang una kong nakita, mabilis akong tumayo at inayos ang sarili, humarap naman sa'kin yung lalaking sumalo sa'kin.
"Mag ingat kase sa susunod," natatawa nitong sabi at kinamot ang tenga niya. Nagulat ako ng makilala kung sino siya.
"Thank you," wala sa loob kong pasasalamat, inilahad ko ang kamay ko sa kaniya para kunin ang piso, aba kailangan ko pa yun.
"Ano?" Hindi ko inaalis ang palad ko sa harap niya, napangiti naman siya ng maisip kung ano ang mine-mean ko. Kinuha niya ang piso sa tenga niya at pinitik yun pataas pero nasalo niya rin ng bumaba.
"Hindi pa pwede," nakangiti niyang sabi, saka ko lang napansin na maganda ang kaniyang mga ngiti, how come that this jerk has a good features?
"At bakit!?" Inis kong tanong, akala ko ba ibibigay niya kapag nagkita kami ulit? Sarao niyang sapakin ng paulit-ulit.
"This is not the time, kapag nagkita na lang tayo ulit," binalik niya sa tenga niya yung piso at muling ngumiti, humakbang na siya patalikod, bago ako talikuran at kumindat pa siya.
That jerk, yung piso ko!
__________________________________
____________________
BINABASA MO ANG
When The Rain Drops (Young Love Series #7)✓
Roman pour Adolescents[COMPLETE] Paano kung bawat pagpatak ng ulan iba't ibang scenario ang magaganap sa buhay mo? Makakayanan mo kayang harapin lahat ng problemang meron ka kapag nalaman mong hindi naman talaga siya ang para sa'yo? Sa bawat pagpatak ng ulan, iba't ibang...