Vampire 2 ( May 13,2015)

1.6K 66 12
                                    

Sino nakapanood na ng EXO Next Door episode 11? Nakakakilig kamo. Maisingit lang.xD

Ipopromote ko din sana ung one shot story na napagtripan ko sana basahin niyo. His Secret ung title. Click the External link ^__^

* * * * *

Hindi talaga ako makapaniwala sa pinagsasabi ng dalawang babae sa harap ko. Wizards and Vampires? They're only myths. How could they be real?

Tumingin ako kay Lucia. Mukhang totoo nga sila. Pero bakit ako nandito? I have to call mom later. Naiwan ko sa room ko ung phone ko.

May tatlong lalaki na pumasok sa pinto ng canteen at biglang nag-iritan ang mga tao este wizards daw at vampires .

One guy caught my attention. Sobrang puti niya parang si Elizabeth. A pair of crimson eyes, a red kissable lips, messy hair that looks good at him.

"Sino sila?" tanong ko kila Elizabeth at Jessicah

"Some famous jerk." Sagot ni Jessicah

"Wag kang maniniwala diyan kay Jessica. Yeah they're famous. That guy is Glenn Jerald Mendez, ang gwapo niya 'no? Ung isa naman si Kent Jerson inis na inis diyan si Jessicah ewan ko ba. Ang pinakahuli at talagang huli si Clyde Collins, kuya ko."

"Kuya mo siya?" Nanlalaking mata na tanong ko sa kaniya.

Kuya niya pala ung dinescribe ko kanina.

"Yeah di kapani-paniwala pero kuya ko talaga siya pero masungit yan."

Ok, tinanong ko lang kung kuya niya talaga bakit kailangan niya pang sabihin na masungit yun.

"We better go, magsisimula na ang klase." Yaya ni Elizabeth

"Wala siyang klase, remember?" Sabi ni Jessica

"Oo nga pala, sige see you tomorrow!" Sabi ni Elizabeth at umalis na sila.

"Saan tayo sunod na pupunta Lucia?"

"Gusto mo sa locker mo?" Sabi niya.

"May locker ako dito?" Namamanghang tanong ko.

Sinundan ko na lang si Lucia. Naglalakad na kami ngayon sa hallway ng school. Andami kong nakikitang mga locker at sobrang gaganda nila. Sa labas pa lang yan ahh paano na kaya ung loob.

"Ito ang locker mo." Sabi ni Lucia at binuksan ung pinto ng locker ko.

"Wow! Ang ganda naman nito. Mas sosyal pa ata 'to sa locker namin sa school eh."

"Ayan ung school uniform niyo. Pwede mo na siya suotin bukas." Sabi ni lucia

Kulay black na long sleeves siya tapos brown na palda.

"Saan mo sunod na gustong pumunta?" Tanong ni Lucia

"Di ko nga alam eh." Sagot ko

"Gusto mong pumunta sa Archway Market? Tamang-tama konti lang tao dun ngayon."

"Ano yun?" Tanong ko

"Basta sumunod ka na lang." Sumunod na lang ako sa kanya pero habang naglalakad kami sa hallway nilelecturan na niya ako.

"Since hindi natin alam kung ano ang kapangyarihan mo either wizard o vampire ka kailangan nating mag-ingat okay?" Sabi niya kaya tumango ako.

"Una sa lahat wag kang mangingialam kung may makita ka mang binubully dahil hindi mo sila kayang labanan, isa pa freshman ka lang." Sabi niya ulit

"Oo na, alam ko naman eh." Joke lang hindi ko talaga alam yun ahahah

"B*tch! Ang landi mo kahit boyfriend ko nilalandi mo." Rinig kong sigaw ng isang babae kaya napatingin ako may apat na babae ung tatlo mukhang magkagrupo tapos ung isa ata hindi ko alam. Yun ata ung sinasabihan ng bitch nung babae eh.

Falling Inlove with a Vampire [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon