Volcano.
Mabilis akong napabangon nang mapanaginipan ang pamilyar na pangyayari. Kahit na air-conditioned ang kwarto, pawis na pawis ako. Kasabay nang paghigpit ko ng hawak sa comforter ang pagbangon ni Carlo. He gave me a glass of water na agad kong pinangalahatian nang bumangon ako.
"Luwas tayong Manila, okay?" Marahan niyang bulong. "Let's have you check, R-Rei."
I nodded before closing my eyes for a silent prayer. Ni hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko kung hindi lang ako niyakap ni Carlo. My silent crying became loud. Humagulgol ako sa balikat niya at ang tanging ginawa niya lang ay hagurin ang likod ko para aluhin ako na siyang kailangan ko.
Nang bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin, tinitigan niya ako. He wiped my tears that made me cry for another reason again.
What the heck did I do to deserve him? Bakit ganito niya ako kamahal? Hindi ko maintindihan!
"The day that I was in Tingloy for a shoot—"
I saw how Carlo shook his head while looking at me.
"Let's not talk about it if you're not ready," he whispered before wiping my tears.
"No. I want to talk about this," pagpupumilit ko.
Pakiramdam ko sasabog ako kapag hindi ko nasabi kung kanino man ang sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko kailangan niya ring malaman. Hindi ko naman sasabihin kung sino pero gusto kong sabihin sa kaniya. Gusto kong i-kwento sa kaniya ang lahat.
"After the shoot, nakatulog ako sa byahe pauwi. I found myself inside a room nang magising a-ako. Nakagapos ako. And..." Mariin akong kumapit sa comforter. "And someone violated m-me," sabi ko.
Tiningnan ko siya habang tumutulo ang luha ko. "Hindi ko alam kung ilang araw iyon. N-Nagigising lang ako kapag sinasaktan niya na ako nang p-pisikal."
Mariin kong naipikit ang mga mata ko habang inaalala ang nangyari. Matagal na iyon. Halos tatlong taon na pero sariwa pa rin sa akin ang pangyayari. Sariwa pa rin sa akin lahat at tandang-tanda ko ang lahat kahit na pilit kong kinalilimutan iyon.
"Nanlaban ako while calling your name. I was screaming your name but h-he show me your picture with a girl. You know what entered my mind back then?"
Mahina akong tumawa.
"Na it's okay if you cheated on me basta p-puntahan mo ako," humalakhak ako. "I called all the saints that I know to fucking hear my prayers but..."
"Rei," he interrupted.
"Carlo, I don't want you to think that I did cheat on you..." Halos histerikal kong saad.
Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Baka nga naisip niyang nagloko talaga ako o may ibang kinikita habang maayos ang relasyon namin. Ayaw kong isipin niya iyon! I failed to tell him my feelings but I don't want him to think na may iba.
"Truth is, I was raped. I was v-violated. I was forced in bed even though I don't want it."
Binalingan ko siya saka siya mahinang tinulak. Mahina kong pinaghahampas ang dibdib niya pero nakatingin lang siya sa akin. Unti-unting nanlabo ang paningin ko habang nakatingin sa malungkot niyang mga mata. He tried to hold my hand pero iniwas ko iyon sa kaniya bago siya muling tinulak.
"Do you hear me?" Umiiyak kong tanong. "Na-rape ako, Carlo! Nabuntis ako ng lalaking sumira sa pagkatao ko!"
Hinawakan niya ang kamay ko, tila pinapakalma ako.
"Fuck! Ayaw kong ganito ka sa akin! You know how much I hate it when you show me how weak I am."
"You're not weak, Rei..." He whispered. "You are so s-strong."
BINABASA MO ANG
Why Do You Love Me (Pontevedra Series #2)
RomanceFate. What is fate? According to my research, it is to be destined to happen, turn out, or act in a particular way. Iyon na ang dapat na mangyari e-nangyari na e. May magagawa pa ba? It is what it is kaya tatanggapin na lang? Para bang kahit anong...