Villary's Point of View
Pfttt! Bakit ngayon pa nagtraffic? Malelate na ako. "Cardz, gamitin mo na." Sabi ko but I think, hindi niya ako naririnig.
"HOY CARDZ!! SABI KO GAMITIN MO NA!" Sigaw ko dahilan para magulat si Cardz, na driver namin. Napalingon siya sa aking direksyon at napagtantong napuyat pala ito kaya hindi ako marinig.
"Ahh opo. Pasensya na po.." Aligaga niyang sabi at pinindot na ang magical button at hindi nagtagal ay biglang lumipad ang van na aming sinasakyan.
Sa sobrang bilis ng pagtaas nito ay nakalimutan kong magseatbelt. Bigla akong nalaglag sa aking inuupuan at biglang nauntog sa salamin ng van. Sa sobrang lakas ng aking pagkauntog ay nabasag ito at sa hindi malamang dahilan, bigla akong lumusot sa basag na bintana dahilan upang.. malaglag ako!!
"Cardz!!! Tulong!!!" Sigaw ko habang unti -unting nalalaglag mula sa van. Jusko po ayoko pang mamatay!!
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Pakiramdam ko, gusto kong sumuka. Parang naiwan din ang kaluluwa ko sa taas. Parang kinikiliti ang tyan ko pero may kasamang kabag, super kinakabahan dahilan alam kong ito na ang huli kong hantungan.
"Somebody help me!!" Sigaw ko pero as if naman may makakarinig sa akin. Hanggang ngayon ay nalalaglag padin ako at sinusubukang maghanap ng paraan para hindi mamatay.
Sa bandang huli ay sumuko na din ako. Siguro nga ito na ang katapusan ko. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata at dinama ang presence ng paligid. Kung hindi mo iniisip na malapit ka ng mamatay, mararamdaman mong masarap din sa pakiramdam nito lalo na sa hanging yumayakap sa akin ngayon.
Maya-maya lang ay biglang tumahimik ang paligid. Nawala din ang tunog ng hangin na kanina ko pang naririnig habang ako ay nalalaglag. Pakiramdam ko din ay tumigil ang aking paglaglag.
Patay na ba ako? Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at nakakita ng babaeng kamukhang-kamukha ko. Nakalutang din ito at nakatingin lamang sakin.
"Anong nangyayari?" Tanong ko pero nakatingin lang ito sa akin. Paano ako nagkaroon ng kamukha? Kailan pa ako nagkaroon ng kakambal?
"Vanessa." Sabi niya dahilan upang magtaka ako. Kailan pa naging Vanessa ang pangalan k-
"Vanessa anak, kumain ka na."
"Opo mama.""Vanessa Van, pakopya naman dyan oh!"
"Ayy sorry wala sa vocabulary ko yan ehh.""Van, pwede ba kitang ligawan?"
"Huh?"
"Joke lang naman hahahaha.."Ang mga ala-alang iyon ay biglang nagpakita sa aking isipan. "A-ano ba talagang nangyayari? Nababaliw na ba ako?" Sabi ko habang nakahawak sa aking ulo. Kahit kailan, hindi ko pa nararanasan ang mga pangyayari na iyon. Para bang.. may mga ala-alang pumapasok sa aking utak pero hindi ito sa akin.
"Oo baliw ka na. Pasensya na Villary kung gagawin ko ito." Sabi niya at dahan-dahan na lumalapit papunta sa akin habang ako naman ay palayo ng palayo pero bigla niyang hinila ang aking kamay dahilan upang maging sobrang lapit namin sa isa't-isa.
Tumitig siya sa akin ng ilang segundo at tinignan ang aking labi. Lalo pa siyang lumapit sa akin at ipinagdikit ang aming mga labi. Sa sobrang gulat ko ay hindi ako makagalaw. Narealize ko nalang din na napapikit na ako. The heck? First kiss ko yun ahh.
Pagbukas ko ng aking mga mata, bigla siyang naglaho at nagsimula nanamang gumalaw ang paligid at patuloy nanaman akong nalalaglag.
"WAHHHHH!!!!"
Elija's Point of View
1. Focus
2. Feel the presence of the nature.
3. Go with the flow.
4. Try to communicate with every living things."Elija! Ano nanaman bang ginagawa mo dyan?" Biglang nawala ang aking focus nang bigla akong hawakan ni James sa aking balikat. "Ano ba James? Nag-eensayo ako dito ehh tapos bigla ka nalang sasabat." Sabi ko dahilan para matawa naman si James.
"Maiksi lang ang buhay Elija. Huwag ka masyadong mapressure sa magic skills mo. Tignan mo ako. Just chilling." Sabi ni James at biglang inakbayan ang babae na nasa tabi niya.
"Yeah kaya hanggang ngayon, mahina ka padin." Sabi ko pero mukhang hindi nagustuhan ni James ang aking sinabi. "Yeah kaya hanggang ngayon single ka padin." Sabi naman ni James. Nananadya ba toh?
"Tsk. Dadating din ang para sakin.. maghintay ka lang." Sabi ko at napahalakhak naman si James. Natawa din ang babaeng kasama niya. "Ahh oo hulog ng langit ang babaeng yun dahil nagkagusto siya sa tulad mo." Sabi niya at nagpaalam na.
Aalis na din sana ako pero bigla akong may narinig na taong sumisigaw. Agad akong tumingin sa langit at napansin na may babaeng nalalaglag.
"Susmaryosep anong gagawin ko??" Agad akong naaligaga at nagpalakad-lakad upang makaisip ng paraan. Hinanda ko ang aking binti at braso at saktong masasalo ko na sana siya ngunit biglang napatigil ang kanyang paglaglag.
Napatingin ako malapit sa puno at nakitang may babaeng nakakulay pula at ginamit ang kanyang kapangyarihan para mapatigil ang paggalaw ng babaeng nalalaglag. Dahan-dahan niya itong ibinaba hanggang sa maiapak na ng babae ang kanyang paa sa sahig pero pagkatapos bitawan ng babae ang shooting star girl ay nawalan ito ng balanse ngunit buti na lamang ay nahawakan ko siya.
"Baliw ka ba? Sa tingin mo ganun ka kalakas para mabuhat ako?" Sabi ng babae at agad na bumitaw sa akin. At talagang ako pa ang sinisisi niya?
"Ikaw na nga ang tinutulungan dyan, ikaw pa ang nagrereklamo." Sabi ko pero tinarayan niya lang ako at biglang sinampal ang kanyang sarili.
"Teka nga. Paano ka ba nalaglag mula sa taas? Atsaka bakit dumudugo yung ulo mo?" Tanong ko pero patuloy padin ang kanyang pagsampal sa kanyang sarili. "Lumusot ako sa bintana." Sabi niya pero hindi padin malinaw sa akin.
"Ah.. ano pasensya na ahh. Salamat din pala kasi sinubukan mo akong iligtas. Oo nga pala. Kilala mo ba yung tumulong sakin? Hindi ko kasi nakita yung mukha niya." Sabi niya dahilan upang magtaka ako. Kanina lang ay susungit-sungit siya pero ngayon ang bait?
"Hindi ko din kilala ehh pero sa pagkakaalala ko, nakakulay pula siya." Sabi ko at tumango naman ito. "Alis nga dyan. You're blocking my way!" Sabi ulit niya at itinulak ako pagilid.
She must be crazy. Kailangan niyang mapunta sa mental.
********************
Chapter 1- Unlocked!Thanks for reading The Great Villainess- Chapter 1!! See you next time.
BINABASA MO ANG
The Great Villainess
FantasyOne pleasant day, a high school student died from being murdered but ends up transporting into the world of "Secrecy". One of her favorite novels when she is still alive. At first, she doesn't have an idea that she is a character in a novel but end...