Chapter 36

43 2 0
                                    

© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-29-2018)


--

"ALLY, BALITA ko may pinuntahan kayo ni Gab a day ago?" bungad na tanong sakin ni Abby as I put my bag on my armchair. Back to school na naman ulit, at kararating ko pa lang at may agad na siyang tinanong sakin.

"Pinuntahan? Saan naman?" pagsisinungaling ko. Geh, tignan lang natin kung saang level na ang pagka-tsimosa mo.

"Kay Karen, sa sementeryo. Tama di ba?"

My eyes widened, as in. "Ohh, sure ka ba?"

"Oo, bakit niyo naman naisipan na dalawin yun, at kayong dalawa pa?"

I only bit my lip, nagpo-process ang utak ko sa sagot. "Hmm... Wala lang. Siya naman ang nag-yaya sakin."

"Oy Ally, baka iba na yan ah!" biro niya sakin, bago niya ako akbayan.

"What do you mean by iba?" pagtataka ko.

"Hmm... parang may something na kayo na di ko alam."

"Wala no?" depensa ko. "Paano naman?"

"Sus Ally. Pag lang nag-iba yan," she challenged me na nakaturo sakin ang kanyang hintuturo. "Hay nako..."

I only sighed. Oh, ano naman ngayon kung niyaya ako ni Gab sa pagdalawa namin kay Karen nung isang araw? Wala namang masama dun di ba? At kung may masama lang, sila na ang nag-iisip na may malisya yun. Duh!

Bumalik na lang ako sa upuan ko at inayos ang mga gamit ko. Napa-upo ako at naka-tunganga. Ayoko munang magbuklat ng libro for some reviews, tinatamad kasi ako. Wala muna ang panlasa para diyan.

"Hey! Ally!" somebody called me. Napalingon ako sa likod, si Gab pala. Pinatong niya sa tabing upuan ko ang kanyang bag. Saka siya umupo sa tabi ko.

"Hello," I only answered. Napatungo ako.

"Buti at di ka nilagnat," sabi niya.

"Hindi naman, matibay yata ang immune system ko," sagot ko bago pa tumawa. "Joke, nagka-sinat naman ako ng isang araw. At ngayon, pinapainom pa rin ako ng mga gamot, kontra flu."

Tumango na lang siya, "Ako nga rin eh. Nga pala, may assignments tayo?"

"Oo."

"Ano?"

"English pati Math," sagot ko. "Bakit, kokopya ka?"

Napatawa siya, "Hindi ako nangongopya, Ally. Hindi ako tulad ng mga ka-tropa ko." Buti naman. At kung ganun ka, masasapak na lang kita.

"Saang page?"

"Page 102 sa English, sa libro. A and B. Sa Math, yung Written Math, page 138 numbers 21-25."

Tumango na lang siya at saka binuklat ang kanyang mga gagawing assignments. Ako naman, naisipan ko pang kunin ang libro kong The Fault in Our Stars sa bag ko. Magbabasa muna ako for a while. Tapos naman na yung mga yan eh. Pampalipas oras lang.

Mga konting linya palang sa Chapter 1 ng libro ang nabasa ko, kumalabit si Gab sakin. Nawala na tuloy ang narration ng babaeng bida sa binabasa ko. Napatingin ako sa kanya.

"Ally, alam mo ba kung paano i-simpilfy to?" tanong niya sakin as he pointed the given problems sa assignment. Bigla akong napakamot ng ulo. Okay, maiwan muna kita sagit diyan, Hazel. Babantayan ka lang muna ni bookmark.

I now took my attention on Gab's problem. Halos luluwa na ang mata ko sa kaa-analyze ng tanong na nasa notebook niya. Napakuha pa ako ng libro ko pati notebook para makita ang method na ginamit ko sa assignment ko. There, yun naalala ko na.

Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon