Hayaan niyo na.

91 5 0
                                    


"Truth or dare?"

"Dare."

"Woaah! Lakas loob. Hahaha Ohsge nga. Ah teka ano kaya hmm." Nagisip sila ng ipapagawa sa akin. Bulungan dito, bulungan diyan.

Ewan ko kung bat ako nag dare haha sguro nga lakas loob pero wala ako nun ehh trip ko lang sguro. Hay magulo talaga akong tao pasensya na.

Actually, highschool days namin ngayon at dahil walang sporty sa mga cells namin magkakaibigan, eh di eto naglalaro kami ng spin the bottle sa labas ng room namin. Dapat nga sinusulit namin tong Highschool Days dahil gagraduate na kami pero walang chance, di kami sporty hahaha

"Oh Nadine, mag papicture ka kasama si Jay dali!"

"Hahaha oo nga. Tamang tama andun si Eli para mag selos!"

Kita mo tong mga to. Ang sasama ng ugali. Well, si jay crush ko pero ibang usapan pagdating kay Eli.

-

Eli.

Siya yung tipong tahimik lang pero ma-appeal. Seatmate ko siya nung freshmen. Dun ata nadevelop ehh medyo pafall din kasi to. Ako naman tatanga tanga ayun, nahulog na. Nagsimula sa one sided lang, di nagtagal ayun M.U na daw kami. Sguro nadala ng panunukso ng barkada. Okay na sana ehh. More than friends, less than lovers pero may problema pa din. Maraming karibal. At wala kong lakas ng loob makipagkumpetensya. Di ako yung tipong babaeng ipaglalaban yang pagibig na yan.

-

"Sige na Nadine!"

"Oo na! Eto na gagawin na." Tumayo na ko nun then sinamahan ako ni Mikee, siya kasi yung kukuha ng picture. Wag kayo may gusto din to kay Eli. Hays

So yun medyo nahiya ako. Shy type kaya ako. Pero nakapag picture din naman kami ni Jay. Ayos lang naman ehh, nakakahiya lang talaga ang dami kayang tao dun. Pero sguro kung kay Eli di ko kaya. Ewan, nanghihina ako pag andyan siya. Ang oa lang talaga.

At as expected ng mga kaibigan ko, nagselos nga siya.

From: Eli

Di mo naman kailangan gawin yung dare.

Nag wo-worry ako at the same time natutuwa. Nagwo-worry kasi baka mag away kami. Natatakot ako na baka magalit siya. Hindi nga ko malakas. Mahina ako. Takot ako.

Sabi nga ng mga kaibigan ko, ang lakas ko daw, matapang kasi nakaya ko daw siyang mahalin ng di nageexpect ng kapalit. Pero ang di nila alam, ang hina ko. Natatakot ako na baka di niya masuklian yung binibigay ko. Na baka madisappoint ko sarili ko. Na baka di niya ko kayang mahalin tulad ng pagmamahal ko. Ang dami kong what ifs. Ang dami kung insecurities. Pero lahat lang nun tinatago ko lang.

Natutuwa ako na sa simpleng selos niya, nararamdaman kong mutual din kami ng feelings. Siguro hindi equal pero magkalapit. Kung sa Math pa yan, round-off na lang. ✌️ hahaha

To: Eli

Dare lang naman ehh. Atsaka alam mo namang crush ko siya.

From: Eli

Sge bahala ka

Eto yun ehh ayoko ng galit siya sakin. :(

"Oh Nadine, anyare sayo?"

"Nagalit si Eli."

"Hala, anong sabi?"

"Bahala na daw ako. Sge lang hayaan niyo na."

"Hayaan niyo na."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon