-One-

14 0 0
                                    

December 2019


My name is Lauren Elizabeth X. Ignacio, Lexi for short. I was born in 2000, and I grew up in Fortsville, Manila. I live with my mother, Laura, who is a full time mother, and wife to my father, Eliseo, who is a businessman, and my 18year-old brother, Eliseo Lawrence. Fourth year, HRM student sa Esteves College. Sa taas ko ba naman kasing 5'5, hindi ba ako magiging qualified sa kursong 'to? Ako yung tipo ng taong magtago man, makikita't makikita mo pa rin, parang walking tower e. Nakakailang minsan, kasi parang yung iba natatakot nang i-approach ako, akala tatapakan ko. Higante lang? :D



"Lexi sige na kasi, isama mo na ako." Right now, nag-aayos ako ng sarili. Black shirt na may skull, skater skirt, and white sneakers.


"Eli, mag-ate ka naman sakin, wag Lexi lang, baka isipin nila wala kang right conduct. At hindi ka pwedeng sumama, baka sirain mo lang ang moment ko."


"Parang mas kuya naman ako sayo e. Sige na Lexi, isama mo na ako sa gig na yan, lilibre kita!" Oo nga pala, kung matangkad ako, mas matangkad ang kapatid kong 18 years old, MVP ng basketball sa ForstVille University at tinitilian ng mga girls, wala e, pogi raw kasi.


"Talaga lilibre mo ako?" Magic word kaya yun.


"Oo. Isama mo lang ako." May magagawa pa ba ako? Nauna pa 'tong magbihis sakin e. At for sure nakabili na rin siya ng ticket n'ya, hindi 'to nagpapahuli e.


"Okay. Just please behave. Ayokong manaway. Gusto ko mag enjoy. Alam mo namang minsan lang to."



Tonight is the night na maririnig ko na naman nang live ang favorite band ko, ang "Pepper Onion Garlic" (Diba? HRM na HRM student lang!). Makikita ko na naman silang magperform on stage. This is like the 5th time around. Ganto kasi ako ka-fan ng mga tugtugan nila, cool lang, nakaka-rock! Hindi sila ganun kasikat, kumbaga, kung may 500 na tao na ang dumating ayos na. Nung 14years old ako, kasama ko pa yung mga pinsan ko na manood, nung nag 16 na ako hanggang ngayon, ako nang bahala sa sarili ko. Malaki na kasi ako at ako nalang ata saming magpipinsan ang hindi nagsasawa sa kanila.



"Bakit ba kasi hindi nalang yung girlfriend mo ang isama mo? Sino nga yun?"


"Wala. Wala na akong girlfriend."


"What? Wala agad kayo? Yung pinakilala mo 5days ago? Ano ba yan Eli, ginagawa mo lang laro laro?"


"Hindi. Sige, antayin na kita sa baba. Dalian mo."



Umiiwas ba 'yun? Mamaya ko nalang siya gigisahin. Masyadong masaya ang puso ko para madurog lang pag nalaman kong malungkot ang kapatid ko. Pero sa totoo lang, ilang babae na ang pinakilala ni Eli sa amin. Hindi ko na nga matandaan yung mga pangalan nila e, minsan kasi linggo lang, pinakamatagal na ata niya yung isang buwan. Hindi ko alam kay Eli kung nangloloko ba siya, ini-enjoy ang kabataan, o sadyang wala lang makitang perfect para sa kanya, though wala naman talagang perfect.


(Amnesia-5sos)


"Lexi are you readeeehhh?"


"Gosh Sofia, ang sakit sa tenga ah! Sama raw si Eli boy."


"Ay bakit? Pag wala siyang kasama satin siya sasama, ganun?"


"Ewan ko e, may problema ata. Hayaan na natin, para naman may kausap din si Clarence."


"Whateveeeeer! So what? My car?"


"No, mine." I check myself in the mirror, red lipstick lang okay na. Walang make-up, allergic e. I put my ombre hair into a messy bun, panigurado naman kasing magugulo rin 'to mamaya sa kakatalon at tulakan.

"So Eli, what forced you to join? Wala na kayo ng gf mo?"


"Nakarating kagad sayo? Si Lexi talaga chismosa."


"Hey, hey! Sinabi ko kasing sasama ka, didn't say na break na kayo, sinabi ko lang na may problema ka ata. Gusto mo bumaba?" Nagdadrive na ako ngayon, papunta sa ForstVille Park kung saan gaganapin yung event.


"Okay. Stop then." Bigla naman akong kinabahan, tototohanin talaga?


"Joke lang, ililibre mo pa ako e!" I can feel his pain in his eyes and in his voice. Ano kayang nangyari? Kung ga'no ako kaexcited makita yung favorite band ko, ganun naman ako kaexcited matapos agad yun para makausap at macomfort si Eli. I'm still his ate, kahit na hindi naman talaga ako nagtatanong pagdating sa love life niya.


"Ayy intense. Sige, shut up na nga ako."


"Pasensya na, ayaw ko lang kasing pag-usapan muna."

Finally! The most-awaited night!

WonderstruckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon