Napatayo ako sa kinauupuan ko.
"L-lalaki lang ako. M-madaling matukso. Lalo na kung palay na ang lumalapit sa manok. Pero napigil ko naman 'yung sarili ko. Hanggang halik lang. Walang nangyari sa'min. Wala talaga. K-kahit gusto niya. Kaya please, patawarin mo na ko," umiiyak na sabi nito. Halos lahat ay napasinghap sa sinabi niya.
Sinungaling! Sinungaling ka Kevin! Kahit gusto ko? Grabe! Anong sinasabi mo?! Parang sasabog na ang ulo ko sa mga nangyayari. Naghalo-halo na lahat sa utak ko. Gusto kong maglupasay! Gusto kong magwala! Gusto kong sumigaw! Pero wala akong lakas.
'Yung luhang kanina ko pa pinipigil, wala na, pumatak na. 'Yung tapang na gusto kong ipakita sa lahat, natibag na. Hindi ko malaman kung anong dapat kong maramdaman. Lumapit sa puwesto ko si Kevin na may pagluhod pa sa harapan ko.
"Claudine, p-please umamin ka na lang din! Humingi ka na lang din ng tawad--"
Kusang umangat yung kamay ko para sampalin siya.
"Ako umamin? Anong aaminin ko?! Humingi ng tawad?! Para saan?! Sinungaling ka! Alam mong hindi ko 'yun ginawa! Ano bang kasalanan ko sa'yo? Bakit mo 'to ginagawa sa'kin? Ano sabihin mo?!" umiiyak na sabi ko saka ko siya pinaghahampas. Hanggang sa may pumigil sa kamay ko at ako naman ang sinampal.
"Ericka?!"
"Wala na ba talagang ikakapal pa 'yang mukha mo? Sa halip na humingi ka ng tawad ikaw pa ang may ganang magpakabayolente? Maayos kang nilapitan no'ng tao tapos ganyan 'yung gagawin mo?" galit na sabi nito.
"Kasi puro kasinungalingan lang 'yung sinasabi niya. Kahit kailan hinding-hindi ko magagawa 'yun sa'yo! Kilala mo 'ko Ericka, hindi ako ganoong klase ng tao. "
"'Yun din ang akala ko Claudine, akala ko kilala kita. Hindi pala. Nagkamali ako," saka ito bumaling kay Kevin. "Kevs, tumayo ka na diyan. You're forgiven."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Ericka, this is unfair! Bakit siya lang? Bakit side niya lang ang pinapakinggan mo? Bakit mas pinapaniwalaan mo pa siya?"
"Bakit hindi?! Bago pa 'ko nagkamaling kaibiganin ka, kami na! At saka ano pa bang dapat paniwalaan sa mga sinasabi mo, eh patong-patong na nga ang ebidensya laban sa'yo! Kaya tama na! Kung ayaw mong umamin, manahimik ka na lang!" saka nito hinila ang kamay ni Kevin at umalis.
Para akong itinulos sa kinatatayuan ko, so isa lang pala akong pagkakamali para sa kaniya. Ang sakit. Sobra! Magkapatid na ang turingan namin sa isa't isa. Sa lahat ng naging kaibigan ko, siya 'yung pinakamahalaga sa akin. Hindi ko akalain na aabot kami sa puntong ito.
"Ano Claudine, kaya pa? Oo, Claudine. Ito na nga 'yon. 'Yung sinasabi ko sa'yong payback time noon. Ang sakit 'di ba?" bulong ni Dhemy. "Sabi sa'yo Claudine, hindi mo gugustuhing kalabanin ako. Kasi gagawin ko talagang impyerno ang buhay mo."
"Walanghiya ka Dhemy, bakit ba ayaw mo pa rin akong tigilan? Ano pa bang gusto mo ha?"
"Ano pang gusto ko? Wala na, durog ka na eh. Yun lang naman ang gusto ko, Claudine." she smirked then left me.
Lahat ng mga mata nakatingin sa'kin. 'Yung tinging nang-uusig. Bakit ako yung talo? Wala naman akong kasalanan. 'Di ba dapat ako 'yung manalo kasi ako naman ang nasa tama? Pero bakit hindi 'yon ang nangyari? Bakit?
"Ano?! Hindi ka pa rin aalis? Hindi ka ba nahihiya? Kitang-kita na 'yung tunay na kulay mo, Claudine. It's so embarrassing I used to call you my friend. Pati si Ericka tinraydor mo. Malandi ka." si Jhena, isa sa mga naging kaibigan ko.
"Mas nahihiya ako sa sarili ko kasi sa dinami-dami na ng pagkakamaling nagawa ko sa buhay ko, hindi ko akalain na pati sa pagpili ng mga kaibigan nagkamali pa rin ako. Sabi ninyo nagkamali kayong kaibiganin ako? Mas malaking pagkakamali na naging kaibigan ko kayo! Ni isa sa inyo walang nakinig sa mga paliwanag ko. Mga makasarili kayo. Alam ko lalabas din ang totoo. At pag nangyari 'yon, sana 'wag kayong usigin ng mga konsensiya ninyo gaya ng pang-uusig ninyo sa'kin ngayon."
BINABASA MO ANG
Then They Collide...
RomanceShe's vulnerable... He's in vain... Two complete strangers coping with the cruelty of their fates. Until destiny plays with them, their souls switched but got no clue whose body they are in, where their bodies are, and how to get back to their own...