I still feel like I'm in cloud9! Hindi pa rin ako makapaniwalang kinamayan at kinausap ako ni Harries, yung lead vocalist ng banda! Isa kasi yun sa dream ko, ang makipag-kamay sa kanilang lahat. 1 down, 4 to go!
We're rocking, singing, waving and dancing nang biglang bumaba si Harries sa stage at nakipagkamay sa mga fans. Ang layo ng pwesto namin pero talagang nakipagsiksikan kami makamayan lang siya, and luckily more than that pa ang nangyari!
"Oh, hi!" He smiled showing his perfect white teeth with braces.
Sobrang nagulat ako, sina Sofia, Eli at Clarence sigaw ng sigaw! Starstruck, grabe! I just waved my hand, akala ko kasi yun lang sasabihin niya, may kasunod pa pala.
"What's your name?"
"Le-Lexi. Oh my God! Is this real?" I touched his face, it's embarrassing, I know, but who cares? I'm a fan and I'm lucky that he noticed me, sa tangkad ko ba namang to?
"I'm real." Natatawa niyang sabi. "Well, enjoy the night Lexi." And for the last time he smiled and went back on stage.
Gusto kong magsisisigaw sa tuwa, si Harries yun e! Pero hindi ko naman siya crush, yung mga kanta nila ang crush ko. Kung si Sofia siguro ang kinausap niya siguradong uupo nalang yun sa sulok at tutulala, crush na crush niya kasi si Harries kahit may Clarence na. Wala e, crush lang naman.
"Lexi, kakain na." Si Eli kinatok yung pintuan ng kwarto ko.
"Sige Eli susunod na ako." Anong oras na ba at bakit ang sakit ng ulo ko? Ugh!
Tinignan ko yung laptop, nakabukas kasi, hindi ko ata napatay kagabi. Shinut down ko 'to tapos bumaba na. Nag-uusap sina mama at papa kung anong gagawin sa birthday ko, next week na kasi. Ang sabi ko nga sa kanila wag nalang kami maghanda, kumain nalang kami sa labas, pero ayaw nila e, huling taon ko na raw kasi sa pagiging teen kaya hindi pwedeng hindi maghanda, next year nalang daw sila hindi mag-aasikaso kasi graduate na ako nun at for sure raw may sarili na akong pera pang handa. Ang laki kasi ng tiwala nila sakin kaya ganyan sila kasigurado. Iniisip nila pag graduate ko may maganda kagad akong trabaho, na pwede na akong mag-asawa kasi kaya ko ng bumuhay ng pamilya.
Well, okay lang naman samin ni Eli kapag hinahandaan nila kami, pero mas marami pa yung business partners ni papa at kaibigan ni mama sa mga bisita namin, though okay lang naman kasi naging kaibigan na rin namin yung mga anak ng mga kaibigan nila. Yung iba nakakasama pa namin, yung iba naman kapag may okasyon lang kaibigan. Yung tipong sa araw lang na yun kayo magkakilala, kapag lumabas na kayo ng party e who you na.
Bumalik ako sa kwarto matapos kumain. Ang sakit pa rin ng ulo't mata ko kaya gusto ko munang matulog ulit.
"Lexi papasok ako ha?" Si Eli boy. Oo nga pala, gusto ko rin siyang kausapin tungkol sa problema niya.
"Ano? Nakita mo na ba yung hinahanap mo?"
"Huh? Anong hinahanap ko?"
"Anong 'ano'? Baka sino?" Confusing. Anong pinagsasasabi nito?
"Tigilan mo nga 'ko dyan Eli boy at yung problema mo ang pag-uusapan natin. Ano bang nangyari sa inyo ni..." Sinusubukan kong alalahanin yung pangalan nung babaeng pinakilala niya samin 5 days ago. Yes, 5 days ago palang, pero parang hurt na hurt na 'tong kumag kong kapatid.
"Sige ikukwento ko, pero after ko, ikukwento mo rin sakin kung nakita mo na ha?" Ano ba'ng sinasabi niya? Hindi naman ako nabagok para makalimot ah? Pero nag-nod nalang ako. "Sa'n mo ako gustong mag-umpisa?"
BINABASA MO ANG
Wonderstruck
Teen FictionAng tagal naghintay ni Lexi sa araw na makikilala niya ang isang taong ang tagal niyang hinanap. Pero pa'no kung magpakita ito sa kanya kung kailan hindi na siya naghahanap?