Unang Yugto

22 2 0
                                    

"What kind of answer is that?!" Sir Velasquez is shouting in front of our class.  May tinatanong kasi siya ngunit halatang hindi napag-aralan ng kaklase ko yung nakaraang tinalakay namin. Ewan ko ba dito, alam naman niya na si Sir Velasquez ang guro namin, hindi pa siya nag-aral.

"Ano? Hindi ka sasagot?" Malakas na wika ng aming guro, hindi kumikibo ang kaklase ko.

"Manatili kang nakatayo! Huwag na huwag kang uupo hanggat hindi natatapos ang klase" Dagdag na sabi niya.

Muling umikot ang kanyang paningin, tila naghahanap ng susunod na tatanungin. Kahit alam ko ang isasagot ko, ayaw kong magtaas ng kamay dahil sa tingin niya na parang masusugatan ka sa sobrang talim.

"Ms. Adriano" pagtawag niya sa pangalan ko. Nanginginig man ay pinilit ko parin makatayo. Itinaas niya ang kanyang dalawang kilay, tila naghihintay ng sasabihin ko.

Ano ba 'to? Wala pa naman siyang tinatanong ah?

"Hindi mo rin ba alam ang sagot?" Sakto lang ang boses niya pero matigas. May laman. May kahulugan.

"A-alam ko po. Ganoon din po ba ang tanong? Kagaya ng sa kanya?" Tanong ko habang nakatingin sa kaklase kong nakatayo.

Tumango lamang ito.

"Si Aquino ay namatay sa Manila International Airport o ang Ninoy Aquino International Airport ngayon, siya ay nabaril at yaon ang sanhi ng kanyang pagkamatay." Pinilit kong hindi mautal dahil sigurado naman ako sa aking sagot. Ewan ko ba, anong kinalaman ni Aquino sa course ko?

"Iyo bang nalalaman kung sino ang bumaril sa kanya?" Isa pang tanong ang lumabas mula sa kanyang bibig.

Hindi ako nakasagot agad dahil nakalimutan ko kung sino ang isasagot ko.

"Kagaya ka lang din pala ng iyong-" hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil sumagot ako.

"Rolando Galman, Pablo Martinez at si Rogelio Moreno ay na-akusahan sa pagbaril kay Ginoong Ninoy Aquino." Sagot ko, nakatingin sa white board sa harapan dahil nahihiya akong tumingin sa kanya.

"Magaling. Kailan ito naganap?" Bakit ba ako nalang lagi? Hindi uso sa kanya ang magbigay ng chance sa iba?

"Noong August 21, 1983" sumagot ako kaagad para matapos na ito dahil nangangalay na ako.

"Ano ang baril na ginamit sa pag assassinate sa kanya?" Lumalakas ang kanyang boses. Inilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang dalawang bulsa at naglakad siya papalapit sa akin.

".357 revolver, wala po akong ideya kung anong klase ang baril na iyon ngunit sigurado akong malakas yaon" sagot kong muli. Unti unti na din nanginginig ang aking mga tuhod.

"Tama. Saang parte ng katawan siya binaril?" Hindi pa ba siya tapos?

"Sa ulo po" Okay lang, hanggat alam ko ang sagot.

"Maaari ka ng umupo" wika niya, ngumiti naman ako bago ako umupo. Sawakas!

"Si Ginoong Aquino ay nasawi noong agosto bente uno taong isang libo siyam na raan walongput-tatlo. Siya ay binaril sa ulo sa Manila International Airport at noong naging pangulo ang asawa niya ay pinalitan ang pangalan ng paliparan at naging Ninoy Aquino International Airport na hanggang sa ngayon ay ginagamit. Dagdag kaalaman na lamang, ang Airport na iyon ay isa sa mga proyekto ng dating Pangulong Marcos Sr. Siya din ang nagdeklara ng Martial law sa Pilipinas na nagtagal ng humigit kumulang sampung taon." Mahabang paliwanag niya. Nakukuha ko ang punto niya ngunit kita ko sa mukha ng mga kaklase ko na hindi nila ito maintindihan dahil siguro sa mga numero na binabanggit niya.

"Mayroon ba sa inyo ang may kaalaman kung bakit-" mabuti nalang at tumunog na ang bell. Break na namin.

"Maghanda kayo sa susunod na pagkikita. Magkakaroon tayo ng mahabang pagsusulit." Rinig ko ang mga daing ng iba. Nagbubulungan na din ang iba dahil nga mahirap na para sa kanila ang tinuturo ng bagong propesor.

Lumabas na ako ng aming silid at pupunta na sana sa canteen ngunit tinawag ako ng aking kaibigan.

Lumapit ako kaagad. "Ano nanaman ngayon Yan?" Saad ko, tinaasan ko siya ng kilay.

"Ito naman! Napaka sungit ha!" Hirit niya. Natawa naman ako dahil sa reaksyon ng kanyang mukha. Parang mapapatid na kasi ang kanyang mga ugat sa leeg dahil dito e

"Ano ba kasi yon?" Pang-aasar ko pa sa kanya. Pikon pa naman ito.

"Wala, iwanan mo nalang ako sige. Kumain ka na don. Alam mo naman na tayo lang dalawa ang magkaibigan dito e mangiiwan ka pa!" Aba, pagkatapos niya mag ayos ng gamit ako naman ang iniwan niya?

"Hoy Adrian Russel! Adiiii!" Sigaw ko habang hinahabol ko siya. Bwisit na to, kapag talaga ako ang napikon hinding hindi niya ako makakausap!

"Wag kasing ganon!" Sabi pa niya. Naku, nakalimutan ko lang naman at saka gutom na ako kanina e. Magagawa ko?

Ilang minuto lang, nakarating na kami sa canteen. Siya na ang pumila at humanap nalang ako ng mauupuan.

Habang kumakain kami, hindi naman niya mapigilan ang bibig niya sa kakadaldal.

"Naiintindihan mo ba yung turo ni Sir sungit kanina?" Tanong niya

"Ako pa talaga tinanong mo" pagbibiro ko

"Oh edi ikaw na!" Natatawang sabi niya kaya natawa din ako

"Ikaw ba?" Pagbalik ko ng tanong. Matalino tong si Adrian. Kung hindi ko lang ito kaibigan, baka ako pa mismo ang manligaw sa kanya.

"Oo naman! Grade 6 palang alam ko na yan e. Ewan ko ba sa mga kaklase natin, ang dali dali nahihirapan sila" aba oh, kayabang naman talaga ng batang are. Akala mo talaga e

"Hala narinig ka ata" tawang tawang sambit ko dahil nakatingin lahat ng kaklase namin sa amin.

Agad niyang tinapos ang pagkain niya at hinigit niya ang kamay ko paalis. Ano ba to! Sayang ang pagkain e! Di pa ako tapos.

"Babayaran ko" bago pa man ako makapag salita, nagsalita na siya. Alam na alam kung anong sasabihin ko

"Dapat lang! Hindi ko pa nga nakakalahati iyon!" Sambit ko, binigay niya sa akin ang limang daang piso.

"Niloloko mo ba ako?! Anong pamalit ko dyan! Wala akong pera noh" malakas na wika ko sa kanya.

"Iyo na yan. Kawawa ka e" sabi niya. Hindi na ako nagulat, binulsa ko nalang ang pera niya dahil sanay naman na ako.

Gwapo si Adrian, matalino tapos mayaman din at higit sa lahat, mabango. We're friends for more than 2 years already kasi dito lang naman kami nag meet sa loob ng scbool.

...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Broken PromisesWhere stories live. Discover now