Bago ang lahat, nais ko munang pasalamat ang lahat ng mga tagabasa ko at mga taong napiling sayangin ang oras nila para basahin ang nilikha ko. Isang karangalan para sa akin na inyong mabasa ang aking (puchu-puchung) gawa, kaya ngayon pa lamang nais ko na kayong pasalamatan ng lubusan. Yehey!
Sana'y inyong magustuhan ang inyong susunod na mababasa. Sana'y tapusin niyo hanggang pinakadulong pahina. PLEASE. 'Di biro lang. :)
The photo that I used as my story cover is not mine, btw. All credits to the owner.
•••••••••••••••••••••••••••••|
Paano nga ba ang tamang pagsambit ng mga salitang "Happy Mother's Day" para sa isang anak na hindi nakaranas na magkaroon ng ina? Saktong-sakto sa akin ang tanong na iyan pero alam kong hindi ko rin masasagot. Nagkaroon naman ako ng ina syempre, pero yung makasama siya hanggang sa paglaki ko, yun walang ganun.
Bata pa lamang ako namatay na ang aking ina. Stage 4 Breast Cancer daw ang ikinamatay ni Mama. Ang tanging natatandaan ko lamang na naging bonding naming dalawa eh yung maligo ng sabay sa banyo. Weird type of bonding, di ba? Pero wala eh, yun lang talaga ang tanging memorya ko sa kanya. Pagkatapos niya mamatay, ang mga lolo at lola ko na ang nag-alaga sa akin. Lumaki akong hindi malapit sa pamilya ko at hindi ako sanay na yumakap at magsabi ng I love you at good night o good morning.
Aaminin kong napakahirap na lumaki ng walang magulang, lalo na ng walang ina. Mahirap dahil walang magsusuklay ng buhok mo para sa tuwing gabi bago ka matulog, walang magtuturo sa'yo ng mga special recipes ng inyong pamilya, wala kang kakwentuhan tungkol sa kung anong nangyari sa'yo sa eskwela o kung pinansin ka na ng crush mo o kung may manliligaw ka na, mahirap dahil wala kang ka-bonding kapag mamimili ng damit, mahirap dahil wala kang mapagkukunan ng lakas para mas maging totoo ka sa sarili mo, at mahirap dahil wala kang masasandalan para umiyak lang hanggang sa makatulog ka. Alam ko namang pwedeng gawin ang lahat ng ito kahit wala ang iyong ina, pero syempre, iba pa rin kung mayroon kang ina na naandyan para sayo para yakapin ka dahil alam niyang hindi naging maganda ang araw mo sa eskwela.
Natatandaan ko ka noong bata ako, kahit kailan hindi ako nag-isip kung bakit wala akong nanay at ang mga kalaro ko ay meron. Kahit kailan hindi ako nainggit sa mga kaklase kong palaging nakakaattend ng Family Day sa school. Hindi ako nainggit kahit kailan noong bata ako, nagtataka lamang kung bakit sila ay may nanay at ako ay wala. Pero ngayon na ako ay dalaga na, ewan ko ba kung bakit ngayon nagsulputan ang mga inggit at katanungan sa isip ko. Inggit ang nararamdaman ko tuwing makakakita ako ng sobrang sweet na magnanay. Tapos biglang mag-iisip ako ng,"Paano kung buhay ba ang nanay ko? Ano kayang magiging buhay ko ngayon?" Inggit sa puso at sandamakmak na tanong sa isip palagi ang meron ako tuwing nakakakita ako ng mag-inang magkasama. Kaya nga sa mga kaibigan ko na mayroong Nanay pa, sasabihin nila sa akin na tawagin ko na lang daw silang Tita o kaya ay Mommy. Pero alam kong hindi ko kaya dahil mismong nanay ko nga hindi ko matawag na Mama. Siguro dahil ay nahihiya ako dahil pakiramdam ko napakatanda ko na para tawagin ang pumanaw ko nang ina ng Mama, o baka hindi lang talaga ako komportable dahil nga lumaki ako ng wala na siya sa aking tabi.
Naalala ko pa ang naging usapan namin ng mga kaibigan ko noong high school kung anong tingin namin sa sarili namin matapos ang sampung taon. Lahat sila binanggit nila ang mga pangarap nilang maging larangan balangaraw, ngunit nagulat sila sa naging sagot ko: ang magkaroon ng sariling pamily. Kung iisipin ko ngayon ang naging sagot ko sa kanila dati, totoo ngang nakakagulat dahil para sa isang 18 years old na dalaga, hindi yun ang pinaka pangarap nila. Pero sa akin, yun ang pangarap ko. Bakit? Dahil nakakaramdam ako ng pagkukulang sa aking sarili. Pagkukulang ng pagmamahal ng isang ina. At upang maranasan ito at mabuo ang pagkukulang na iyon, naisip kong magkaroon ng isang pamilya balangaraw at maging ina ng dalawa o tatlong bata. Pakiramdam ko kapag nagawa ko na iyon ay makukumpleto na ako. Pero inisip ko ulit mabuti. Mali pala ang naisip ko. Ang pagkakaroon ng sariling pamilya sa napakabatang edad pa lamang ay hindi pa wasto dahil sa panahong ito, dapat ay pag-aaral ang inaatupag ko at hindi pag-iisip ng pagbuo ng pamilya. Naisip ko ring napakahirap na ng buhay ngayon kaya kung magdadagdag agad ng isang walang puwang na bata sa mundo, tiyak na dobleng hirap ang aabutin ko.
Paano nga ba ang tamang pagsambit ng mga salitang "Happy Mother's Day" para sa isang anak na hindi nakaranas na magkaroon ng ina? Ngayong naisulat ko na lahat ng nais kong sabihin, tingin ko ay kaya ko nang sagutin ang tanong na ito. Medyo maluha-luha man akong ginagawa ang maikling istoryang ito, naging masaya naman ako dahil kahit papaano nagkaroon ng linaw ang isip ko. Para sa akin, ang pinakamagandang pagsambit ng "Happy Mother's Day" ay hindi pagbati lamang pagbati, kundi pagbibigay ng mahihigpit at mararaming halik sa mga pisngi at noo ng mga kakilalang ina. Dahil kahit wala ka man nang ina katulad ko, may ibang ina pa rin dyan na itinuturing kang anak, at ang pagyakap at paghalik sa kanila ang pinakamaliit ng bagay para batiin silang Maligayang Araw ng mga Ina.
Para po sa lahat ng mga ina, nanay, mama, mom/my, granny, lola, mamay, mamu, mudra/kels, at kung anu-ano lang tawag sa mga dakilang ina, mabuhay po kayong lahat at isang malinamnam na mwa mwa tsup tsup sa inyong lahat! Mabuhay kayo!
BINABASA MO ANG
Ang Laman Ng Isip Ko Tuwing Mother's Day
Short StoryPaano nga ba ang tamang pagsambit ng "Happy Mother's Day" para sa isang anak na hindi naranasang magkaroon ng ina? Ito ay isang maikling istorya na ginawa ni PseudoWriter upang mabasa lamang ninyo ang kanyang kadramahan. Pero pwera biro mga mahal ko...