Sinong lalaki kagabi? Ito talagang si Eli pang-gulo e. Dali dali kong binuksan yung laptop, baka kaya nakabukas, baka sakaling makahanap ako ng kasagutan. Google chrome, ctrl+H... Okay, what now? Nakita ko lang namang binuksan ko yung groups at pages ng Pepper Onion Garlic, pati yung facebook nila Harries, Mark, Timothy, Carl at John. Wag niya sabihin saking si Harries ang sinisearch ko, e paniguradong hindi ko gagawin yun, kahit na kinausap niya ako hindi naman siguro ako magiging stalker nuh! Si Mark, Timothy, Carl at John ay mga kasamahan ni Harries sa banda. Ewan ko ba bakit kailangan ko pa silang isearch e halos parang kilala ko na 'tong mga 'to dahil sa mga kwento ng mga pinsan ko noon. Napatingin ako sa phone ko, may text ako from Sofia, kanina pang 8am.
"Nakita mo na ba? Sunduin ka namin ni Clarence mamayang 4."
Binasa ko yung conversation namin. Inumpisahan ko sa 1am. So, 12: 45 na pala kami nakauwi kagabi. Bakit wala akong maalala? Uminom ba kami? Noooo!
"Sofia I need to find that guy! What to do?"
"Search..."
"How? Didn't know his name. L"
"Ikaw kasi e, sabi ko na sa'yo itatanong ko na yung pangalan nag jinarte ka pa, yan ano ka ngayon? Nga nga."
"Kasi naman, nakakahiya kung itatanong mo, it's a first. Alam mo naman yun diba?"
"Oo nga, first time mong magkagusto, may pagkakataon, sinayang mo. Try mo nalang isearch sa groups, pages ng Pepper Onion Garlic, baka andun siya, baka fan rin siya."
"Napakagandang advice. Susundin ko 'yan!"
"Ay Lexi hindi ko alam kung totoo o sarcastic ang dating ng text mo. Sige na, I gotta sleep now. We had fun! Thanks Lexi! See you laterrr!"
Ow! Naalala ko na. Dahil sa kagustuhan naming makamayan si Harries, nalipat kami sa ibang pwesto. Nakatabi ko yung lalaking paniguradong tinutukoy nila na hinahanap ko. Bakit nga ba nakalimutan ko na kagad? Siguro dahil hindi naman ganun kahalaga sakin yung lalaking yun. Masyado lang siguro akong naattract kaya gustong kong hanapin.
Maputi, matangkad, chinito, may dimple, ang kinis ng face, ang linis ng kuko, ang bango tignan, at syempre amoy mabango rin, naaamoy ko kasi siya e. Hindi ko siya gustong amuyin ah, sadyang nagkakatulakan lang. He's like a guy na titilian panigurado ng mga babae kapag nakitang naglalaro ng basketball, tatawagin ng mga babae o kahit bakla kapag nakita sa daan. Pogi e, at mukhang mabait.
Bale, as in katabi ko siya kagabi, kitang kita ko yung malinis niyang kuko habang pumapalakpak at nakikisabay sa lahat ng tao, kitang kita ko yung perfect white teeth niya nung nag-smile siya sakin nung nagsorry ako, he even helped me nung muntik na akong masubsob, grabe kasi yung mga katabi namin. Siguro kagabi I felt so wonderstruck kaya sinearch ko, pero ngayon iniisip ko kung anong ginagawa niya dun? Kalalaking tao niya, boy band ang pinapanood at pinapakinggan. Well, ang sama ko naman kung huhusgahan ko yung taong kagabi lang e hinahanap ko.
Tch, 2: 30 na, I need to prepare. Manonood kasi kami ng sine ngayon nila Sofia at Clarence. Si Sofia nga pala ang best friend ko, at si Clarence best friend ko na rin kasi boyfriend siya ng best friend ko. Three years na sila. High school sila nagkadevelopan at college sinagot na siya ni Sofia. Ako? Wala e, natatakot siguro sila sa height ko. Hindi ko naman ikinalulungkot na wala akong boyfriend, na sa edad kong 'to hindi pa ako nagkakaboyfriend. I'm so dedicated with my studies! Hahah. Palusot e.
BINABASA MO ANG
Wonderstruck
Teen FictionAng tagal naghintay ni Lexi sa araw na makikilala niya ang isang taong ang tagal niyang hinanap. Pero pa'no kung magpakita ito sa kanya kung kailan hindi na siya naghahanap?