ALEXA POV.
"Princess! hurry up! we're going to be late, your Mom is waiting outside for sure we don't want her throwing tantrums again, aren't we?!!" my Dad shouted downstairs.
"Pababa na po, Dad!" I shouted back at nagmadaling lumabas ng kwarto, papalapit na ako sa pinakadulo ng hagdan nang matanawan ko si Daddy he's looking at his wrist-watch bago umangat ang tingin sa akin, I wear my Sweetest smile as I walk towards him he opened his arms na agad ko namang sinalubong ng yakap, lumayo ako ng bahagya bago halikan ang pisngi niya siya naman ay humalik sa tuktok ng ulo ko..
"My Princess, you grew up so fast, mukhang kailangan na kitang bakuran. Baka mamaya bigla na lang may kumatok sa pinto para umakyat ng ligaw sa'yo, mawalan pa ako ng prinsesa." He groaned, dramatically holding his chest.
Pabiro ko siyang inirapan. "Dad, wala pa po sa isip ko ang magpaligaw, tsaka isa pa, kahit may manligaw man sa'kin o kahit magka-boyfriend man po ako, ako pa rin po ang prinsesa niyo 'no." ani ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit.
Napabitaw ako sa yakap nang makita ko ang mommy kong nakasimangot, naka-pamaywang pa ito. Halatang nagtatampo. Ngumiti na lang ako, ngiting aso.
"You know what you two? All of sudden I feel so betrayed!" she pause nakapaweywang na, she narrowed her eyes at me "And you! you don't love your mommy na! you did not even come and hug me!..... see? natatawa ka pa!" hindi makapaniwalang sabi niya habang humihikbi na, wala namang luha Geez! mom kung alam mo lang...
Lumapit ako sa kanya saka siya niyakap ng mahigpit at pinupog ng halik ang buong mukha niya. pagkatapos ay hinawakan ko ang kamay niya at bahagya iyo'ng pinisil..
"Mom, enough with your childishness nakakabawas ganda." biro ko at tumawa ng malakas. pero agad din akong tumigil Dahil sa pagkurot niya sa aking tagiliran.
I pouted at her at humarap kay Daddy tapos nagpuppy eyes, nakita ko pa ang mahina niya pagtawa at napailing na lang dahil sa kakulitan namin ni mom. "enough you two, late na tayo.."
ngumisi ako at lumapit kay Dad na pumauna ng naglakad I tugged the hem of his shirt, kaya napalingon siya sakin at tinaasan ako ng kilay.
"Yes, Princess?" he asked.
I smiled sweetly at him. "Thanks for saving my ass from mom, Dad." ani ko at tumawa ng mahina.
ginulo niya lang ang aking buhok. "Welcome Princess." then He wink at me.
Nang makasakay na kami sa kotse ay agad namang inistart ni Dad ang sasakyan at nagdrive palayo sa bahay.
﹉
'LA ISLA DE MONTENEGRO'
Hindi ito ang unang punta ko dito pero hindi ko pa rin mapigilang mapanganga sa ganda ng Isla..
Naka-sunod lang ako sa Parents ko, bawat taong nadadaanan namin ay magiliw kaming binabati yung iba ay yumuyuko pa. Birthday ko ngayon at dito naisipan ng magulang kong pumunta at magcelebrate. Kaya sa halip na sa Paris kami pumunta ay dito ako dinala, pero mas okay na din 'yon, maraming tao at mababait pa ang mga taga dito. Hindi sila nahihiya na lumapit sa amin dahil alam kase nilang hindi kami sensitibong tao. We treated them like a family at ganun din sila sa amin.
"Uy! si ate Lexi, Ate!!" sigaw ng kung sino kaya lumingon ako kung saan nanggagaling ang boses na iyon.
I look at the kids with a smile on my face I wave at them tumungo ako sa kanila agad naman silang nagsitakbuhan papalapit sa akin..
"Ate, namiss ka po namin!" masayang bati ni Bruno kaya napangiti ako at pinanggigilan ang chubby niyang mukha.
"ohh I missed you, too, anyway may pasalubong si ate sa inyo come kunin natin dali!" I love playing with them ang sweet nila..
Someone hugged my knees dahilan para mapayuko ako and there was a little girl, batting her lashes and raising her hand. gusto yata magpakarga kaya yumuko ako para kargahin siya, she's giggling while cupping my face with her small palms. Ang cute niya!
"Hello, little girl, anong pangalan mo?" I asked in a baby voice, she giggled even more kaya mahina akong natawa.
"Angel po, ate." she said in a tiny voice. Angel has a beautiful face long lashes, light brown eyes, cute pointed nose, thick brows, curly black long hair hmm she really is an Angel.
She tilt her head to the left nakakunot pa ang noo. "Ate, may madumi po ba ako sa mukha?" tanong niya kaya agad akong umiling.
"No, it's just that I can't stop staring at you ang cute mong bata!" ani ko at pinisil ang kanyang ilong...
"Oh baba na kunin mo yung pasalubong ko sayo nasa cottage dali!" I said in a happy tone kaya dali dali siyang bumaba at tumakbo papuntang Cottage..
Nang mawala na sila sa paningin ko ay naglakad muna ako patungong dalampasigan.
Tinanggal ko ang tali ng buhok ko at hinayaang bumagsak ito hanggang sa balikat ko. Umupo ako sa buhangin, wondering what my life would be like if they weren't there to take care of me. I mean, really? I was just a simple kid when I was 6 years old, a wandering child on the streets, with torn and dirty clothes, nagtitinda ng sampaguita para lang makakain.Bata pa lang ako naranasan ko na ang maghirap at maghanap ng pera, na dapat ay magulang ko ang gumagawa para sa'kin. Pero dahil malupit sa'kin ang ang tadhana namuhay akong mag-isa. Minsan, namumulot sa basurahan ng mga tira-tirang pagkain, kapag umuulan naghahanap ng masisilungan.
Matutulog ng walang laman ang tiyan. Hanggang sa isang araw, hindi ko na nakayanan ang gutom. I gradually grew weak and lost consciousness. Nagising na lang ako sa Hospital, may nakalagay na swero sa kamay ko. Mabuti na lang nandyan sila Sister Annie, inalagaan nila ako binihisan, pinakain at hindi pinabayaan. Hindi nila ako itinuring na iba and I love them for doing their job so well, until one day this couple visited the orphanage and asked me for my name age and etc., their eyes sparkled with joy because of my cheerful demeanor.
They also asked the other caregivers who looked after me what kind of child I was, and when they found out about my past, they felt saddened by the things I had been through. I felt incredibly happy when they chose to adopt me. At first, I had some questions and hesitations because I didn't know them very well. But as time went on, they loved me even more. They wanted to buy me expensive things, but I refused because their love was more than enough for me. That's also another reason why I didn't want to travel much.
I was lost in my thoughts when I heard a cough behind me. It was my Dad.
Lumingon ako sa kanya at bahagyang ngumiti.
"Dad, nandyan ka po pala, kanina ka pa?" tanong ko bago tumayo. I walk towards him when he motioned me to come near him.He chuckled as he patted my head like a little girl I was..
"Your party is about to start in two hours, " he paused at tumingin sa relong pambisig niya "It's already 5pm let's go." aniya at inakbayan ako bago kami naglakad pabalik ng RestHouse.
BINABASA MO ANG
ROCK ME, MASTER(Under-Editing)(SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PH)
RomanceAlexa Kezhia Monenegro, an adopted child of the affluent couple Agnus Zefizander and Laura Montenegro, is a kind, affectionate, and loving daughter. On the day of her debut, she noticed a man whose gaze was both intense and cold. She brushed it off...