Jealous.
Gusto kong magtampo dahil kahit narinig niya ang sinagot ko kay Kuya Leo, malamig pa rin ang pakikitungo niya sa akin. Saglit niya lang akong tinapunan ng tingin nang pumasok siya ng sasakyan tapos na kay Rouge na ang atensyon niya, hindi na ako pinansin.
Silang dalawa lang ang magkausap ni Rouge, maski ang anak ko hindi ako binibigyan ng pansin dahil talagang tuwang-tuwa siya sa pag-alis namin. Nakapunta naman na siya sa Cebu pero hindi siya ganitong kasaya.
Sinalubong kami ng panibagong driver ni Carlo nang makarating kami sa NAIA. May mga bodyguards pa na nakapalibot sa amin kaya sa tingin ko, hindi pa rin maayos ang problema nina Gabriella kay Ms. Janah.
"Kuya..." Biglang sabi ni Carlo sa gilid ko.
Binalingan ko siya kaya napatingin din siya sa akin bago binalik ang tingin sa bintana. Sinubukan kong kuhanin sa kaniya si Rouge na natutulog sa kaniyang hita pero binalingan niya lang ako at binigyan ng masamang tingin.
Anong problema nito?
"Nasa Manila na kami..." Kumunot pa ang noo niya na tila may nakakainis sa sinasabi ng nasa kabilang linya. "With Reisha and my son, of course."
Kumunot ang noo ko.
"Hindi na, Kuya..." Umigting ang panga niya pero may mumunting ngiti sa kaniyang mga labi.
Curious tuloy ako sa pinag-uusapan nila.
Hindi niya ba pwedeng i-loudspeaker? Gano'n naman ang ginagawa niya noon, ha?
"Ako na ang bahala rito. Don't worry about the company, I can handle this. Tatawag na lang ako kapag may itatanong ako," sabi niya.
"Send my regards to Gabriella," iyon ang huli niyang sinabi bago ibaba ang tawag.
Parehas naming binalingan ang cellphone ko nang tumunog ito. Mabilis kong sinagot iyon. Ngayon, siya naman ang nakatingin sa akin.
"Reisha?" Pamilyar na boses ang bumungad sa kabilang linya. "Is this your number? This is Tyra."
Nanlaki ang mga mata ko. "Oh my gosh!"
Malakas siyang humagalpak ng tawa sa kabilang linya. "Nakuha ko ang number mo sa kapatid mo. Sinabi kong may kailangan tayong pag-usapan e. Ayos lang ba na kinuha ko?"
"Oh my gosh, Ty! I so fucking missed you," natatawang sabi ko.
Narinig ko ang mahinang singhap ni Carlo sa gilid ko kaya binalingan ko siya. Nandiyan na naman ang masamang tingin niya sa akin kaya inirapan ko siya.
"What?" I mouthed.
He just clenched his jaw and rolled his eyes on me before he looks back at my sleeping son.
"Can we meet? Jusko, ang tagal mong nagtago!" Sabi niya. "I have a hunch that you're in Palawan because you wanted to have a property there but I'm not sure until your pictures were realised online."
"I'm in Manila right now, Ty. Kararating lang namin," sabi ko. "But, I don't know kung kailan tayo pwedeng magkita. We have plans for the whole week e."
"I know. Some stupid paparazzi just captured you with Carlo and your son while walking outside the airport," sabi niya.
Hindi na ako nagulat doon.
Ano pa nga bang aasahan ko sa mga media ng Pilipinas? Some of them don't know how to respect privacy!
"Some of our clients contacted me before and asked me if you're still open about modeling," sabi ni Tyra.
Mabilis na kumalabog ang dibdib ko. Ang takot sa akin ay muling nabuhay.
I wanted so much to continue it pero paano kung maulit ang nangyari sa akin?
BINABASA MO ANG
Why Do You Love Me (Pontevedra Series #2)
RomanceFate. What is fate? According to my research, it is to be destined to happen, turn out, or act in a particular way. Iyon na ang dapat na mangyari e-nangyari na e. May magagawa pa ba? It is what it is kaya tatanggapin na lang? Para bang kahit anong...