I stalled and my eyes grew even wider when my teacher mentioned his name to the class.
"The name of the person I've been waiting for ten years."
I don't know what to feel, matutuwa ba ako dahil yung taong matagal ko ng hinihintay ay abot-kamay ko na o malulungkot dahil baka hindi na niya ako maalala.
"I can't seem to muster a word. My mind goes blank..."
"Eh... sino ba naman ang hindi maba-blanko kung yung taong hinihintay mo for ten years ay bigla na lang magpapakita sa harapan mo, 'diba?"
"Pssst! psssst... Blaaaire!" mahinang tawag ni Nolan sabay bato ng kung anumang maliit na bagay sa akin.
Napatayo ako sa aking upuan at napasigaw, "Ouuuch!" bigla naman nagising ang lumulutang kong diwa nang makita ko na nasa harapan ko na pala ang teacher namin.
"Yes! Ms. Madison, are you with us?" tanong nito na kanina pa pala ako tinatawag.
"Y-yes Sir! s-sorry po..." nauutal kong sagot sabay tawanan naman ang mga classmates ko.
Dahan-dahan akong naupo dahil sa sobrang hiya at nagkunwaring may binubuklat na libro. Nang maramdaman kong muli itong naglakad pabalik sa harapan ay siya namang paglapit ni Devin.
My heart started to pound loudly in my chest. I couldn't look directly into his eyes but I saw his long legs slowly walking towards me and just like what my teacher said, he sat next to me.
Our seats were not that close, they were one meter apart from each other. I was sitting near the window while he was sitting on my right.
Makalipas ang ilang oras ay nagpaalam na ang aming guro. Tumunog na rin ang bell for lunch. Habang ako'y nagliligpit ng aking mga gamit ay naramdaman kong mabilis na tumayo si Devin sa kanyang upuan at lumabas bitbit ang kanyang bag. Lumapit naman sa akin si Nolan but...
"There are lots of things that I want to do but I can't."
"I want to chase him..."
"I want to tell him..."
"Blaire, why are you in a daze?" tanong ni Nolan sakin.
Nang hindi ako nakasagot agad ay bigla na lang nitong hinawakan ang mga kamay ko palabas ng classroom at sabay naming hinanap si Devin para i-tour ito sa buong campus pero kalahating oras na ang lumipas ay hindi pa rin namin siya mahanap, kaya naman dinala niya na lang ako sa cafetería para doon na kami mag-lunch.
Tumunog muli ang bell at kailangan na naming bumalik para sa susunod na class.
"Ano ba yan... ang bilis naman ng oras!" reklamo nito.
Pagdating sa classroom, "Is he still not here?"
Bumalik na ako sa upuan ko at dumating na ang teacher namin para sa susunod na subject.
"Good afternoon, Ma'm!" bati ng lahat.
"Good afternoon everyone!"
"Class, where's your new classmate?" tanong nito pero wala sinuman sa amin ang nakaka-alam kung nasaan ito.
"Ms. Madison..." tawag sa akin ng aking guro.
BINABASA MO ANG
I'm in Love with my Best Friend
Teen FictionEver since I was a little girl, I've always dreamed of experiencing the kind of love as those main characters have in romance stories. B U T "Not all once upon a time ends with... happily ever after." Would you still believe that fairy tale does exi...