***SEQUEL OF STORY: GINO'S STORY***
Bagong mangyare ang lahat na bangungot...
Si Gino:
Ay isang simpleng binata, mahiyain, tahimik at isang masipag noong kabataan niya, maaga na ulila sa magulang niya, kaya naman ang lolo niya ang nag alaga sakanya na ang trabaho ay isang supulterero.
At dahil na rin sa kahirapan ay hinde na niya natapos ang kanyang pagaaral kaya nahinto siya sa elementarya. Kaya naman nag trabaho siya bilang hardinero ng isang mayamang pamilya (pamilya ni Sophie). At kung minsan nagiging part time houseboy kapag wala ang yaya.
Si Gino ay lumaki sa pagbully sakanya dahil sakanyang weird na kilos at ayos.
Ang totoo ay simula pinanganak siya ay may sakit na siya sa puso. Kaya sobrang payat siya at may kaputlaan.
At binalaan siya ng doctor noong nagpacheck up sila na...
Bawal ang mapuwersa siya tulad ng sobrang emosyon o ang kanyang pagtakbo.
Walang kaibigan siya pero lumaki naman siya sa pagmamahal ng kanyang lolo , hanggang sa nakilala niya si Joseph, Bryan at ang anak ng amo niyang si Sophie.
Nakipaglaro siya sakanila noong bata pa sila... nirerespeto ni Gino ang pamilya ni Sophie dahil malaki ang tulong nito sakanya.
Ngunit noon pa man ay humahanga si Gino kay Sophie. Nagtatago siya habang sumisilip na kumakanta si Sophie sa hardin.
"gusto mo siya noh?" ani ni Joseph na nasalikod ni Gino at gulat siya.
Umiling lang na tila sinasabi niya na hindi..
"weehh! Bakit ka namumula , halata ohh putla mo tapos namumula pisngi mo! Ani ni Joseph sabay tawa. Pero hindi na nagsalita si Gino sa sobrang hiya.
"sino bang hinde, magkakagusto sakanya hahah Crush ko din siya!" ani ni Joseph.
Pero ng isang araw ng kinausap siya ni Sophie, dahil napansin siya sa ilalim ng balete, nakasilong at nagawa ng eroplanong papel...
"eroplanong papel?" taka ng dalaga. **too much childish?**sa isip niya
"libangan ko lang, kase kapag ako nagiisa o nalulungkot ito ginagawa ko ng bata pa ako o kahit ngaun, pakiramdam ko kase sa eroplanong papel, parang Malaya ka gawin gusto mo..." paliwanag ni Gino.sabay pinalipad niya.
"ganun ba?" ani ni Sophie sabay tinitigan si Gino.
"hah may problema po ba senyorita?" hinde mapatingin dahil sa hiya.
"hahaha wala lang ang cute mo pala na realize ko...lalo na kapag namumula ka..."
Hinde na nagsalita si Gino napatalikod lang siya,ngumiti bahagya at sabay humawak sa dibdib dahil kumirot ng kaunti ang puso niya (mula sa matinding emosyon).
"may nasabi ba akong mali?"
"w-awala po...!" sabay kamot sa ulo(sinusubukan kumalma).
"Oy ako din ohh madami nagawa na eroplanong papel!" ani ni Joseph. Ng dumating siya.
"pati ba naman ikaw?!" ani ni Sophie. Sabay nagtawanan silang tatlo.
Alam ni Gino na may gusto si Joseph sakanya itinago nalang at pinigilan niya ang nararamdaman kay Sophie(dahil na rin sa kanyang puso).kaya ibinigay kay Joseph.
***
Ng inatake si Gino sa bilangguan, sa ospital siya agad sinugod, pinag mamasdan ni Joseph siya na naka confine, kinausap niya ang doctor... na kung sakaling siya ay mawala... gusto niya ibigay ang puso niya kay Gino.
** Baliw ka talaga Gino, bakit hindi mo ipinaglaban ang nararamdaman mo kay Sophie?...(sighs*)
Kailangan mo pang mabuhay...bantayan mo siya para sakin, kung sakaling mawala ako.**
Ani sa isip ni Joseph, dahil alam niya na nanganganib ang buhay niya sa hindi kilalang talagang pumatay sa ama ni Sophie at ngayun siya na ang umiimbestiga.
Sa kasamaang palad si Joseph ay nabigo... kaya si Gino ay tumuloy.
Nang tuluyan na siya ay gumaling matapos ang successful na operation transplant... at di rin nagtagal nakalaya si Gino. Gabay ng multo ni Joseph... itinuro nito ang talagang may kagagawan ng lahat, na si Bryan ang may sala.
Kaya itnago niya ang kanyang katauhan mula kay Sophie, na palihim niya binabantayan at pinoprotektahan kahit wala siyang boses (nagpanggap siya,dahil ang totoo gumaling na siya matapos ng heart transplant).
Nag lakas siya pilit magsalita upang balaan si Sophie...ngunit siya ay nabigo.
Pero hanggang sa huli nailigtas niya rin si Sophie...
At hindi rin nagtagal... nagtapat siya nang nararamdaman sa dalaga.
***
BINABASA MO ANG
My Haunted Memories
Mystery / ThrillerTAGALOG This is the story of a lovely girl...and her forgotten memories, after waking up from a tragic accident, and as she trying to figure out... about her darker past, by from her dreams, will she able to make it what lies within... or will it...