Chapter 6

234 12 2
                                    

Nagising ako sa malakas na tunog ng tiyan ko. Pwede na ngang maging alarm clock eh.

Nang iminulat ko na ang aking mga mata ay napansin kong may akap na akong unan at ang kumot na gamit ay nasa may paanan na.

At dahil nakaramdam na ako ng gutom ay tumayo na ako mula sa pagkakahiga. Napatingin ako sa may bintana at nakita kong maliwanag sa labas... Mabilis lang ba akong nagising o sobrang napahaba ang tulog ko?

Nakatulog kasi ako na maliwanag pa sa labas kaya nakakapagtaka lang.

My stomach growl again that made me grimace. Gutom na talaga ako. Hayaan na nga!

Hindi ko na pinansin pa ang mga agam-agam ko at nagsimula ng bumaba dito sa kama. Gusto ko ng kumain kaya pupunta na muna ako sa kusina nila dito and obvious naman na para kumain. Mamaya na lang ako magtatanong sa kanila.

Nang makatayo ako at magsisimula na sanang maglakad papuntang pintuan nitong kwarto para makalabas ay bigla na lang bumaluktot ang mga tuhod ko that cause me to fall down on the floor loudly. I tried to hold at the table near the bed pero imbis na makahawak dito ay yung plorera ang natabig ko kaya sabay kaming bumagsak ng sahig.

"Awh! Shit!" Mahinang daing ko habang dinadamdam ang sakit ng katawan ko mula sa pagkakatumba.

Gutom na gutom na nga ako tapos ganito pa ang mangyayari sa akin? Grrr!



Blag!!!

Isang malakas na tunog na nagmula sa pagbukas ng pintuan ang narinig ko. Mukhang may nakarinig sa labas ng malakas na pagbagsak ko.

"My Lady!" Sigaw ni Maycie, kahit hindi ko ito lingunin ay kilala ko na ang boses nito.

Hindi ko siya pinansin dahil mas lamang ang sakit na nararamdaman ko.

Ang kanang kamay, ang mga siko, at ang mga tuhod ko ang mas napuruhan. Kaya sino ang hindi mamimilipit sa sakit kung halos yung mga buto-buto na parte ng katawan ko ang natamaan?! Akala ko nga ay magkakanda-bali-balì na ito. Ugh! Siguradong namumula ito sa puti pa naman ng katawang ito...


Mabibilis na mga hakbang ang naririnig kong ginawa nito papalapit sa akin. At ng makalapit na ay lumuhod ito sa may gilid ko.

Mukhang may takot itong galawin ako dahil mga pagsusuri mula sa kanyang mga titig lamang ang ramdam kong ginagawa nito.

"Sandali po. Hihingi po muna ako ng tulong sa labas dahil 'di ko po kayang buhatin ka lalo na't may mga sugat po kayong natamo."

I felt that she's going to stand up but a loud voice suddenly barge inside of this room that made her stop on what she would do.

"What happened?! I heard a loud voice coming from here?" Based on his voice, he is Kuya Dave. Dama ko sa boses nito ang sobrang pag-aalala.

Rinig ko din ang mabibilis na hakbang na ginagawa nito papalapit sa akin.

Maingat niya akong pinahiga at pagkatapos ay chineck niya ang ulo, mukha, "Awh! Careful!" Daing ko dito ng itaas nito ang mga kamay ko para suriin, napansin kong nagulat siya sa nakita niya ngunit maingat niya pa rin itong hinawakan at ibinaba. At sinuri din niya ang aking mga tuhod at paa.

Ang tanging nagawa ko na lang ay pakiramdaman ang dulot na sakit nito sa akin habang kagat-kagat ang ibabang labi upang maiwasan ang paglabas ng kung anumang salita dito.

A Soul's Metamorphosis (Metamorphosis Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon